*5:00*
Kriing... Kriing... Kriing...
Aaaaah umaga nanaman. Mas maganda sana kung hindi nalang ako nagising.
Tumayo nako para magluto ng almusal pero mukhang wala akong maluluto dahil wala na pala akong stock ng pag-kain dito.
"Siguro kailangan ko na mamili...May pera paba ako?"
Bumalik ako sa kwarto para tignan ang wallet ko na wala na palang laman (٥-_-)
Ang gandang bungad sa umaga naman neto, papasok nalang siguro akong walang kain. Naligo nako at naghanda para pumasok. Tinignan ko ang repleksyon ko sa salamin habang nag aayos, huminga ako ng malalim at pinilit na ngumiti
"Kahit napaka panget ng buhay ko siguro naman may dahilan paren para ngumiti ako"
Paglabas ko ng pinto may nasipa ako, isang bote ng gatas
"Diba may rason paren para ngumiti ako tulad neto"
Lagi nalang may bote ng gatas dito sa pintuan ko saan kaya ito galing? Siguro bigay ng landlord ko. Salamat sakanya lagi napapawi gutom ko, pero libre kaya to? Diko afford magbayad siguro dapat ko tanungin sakanya kapag nagkita kame. At nagpatuloy nako sa paglalakad habang iniinom yung gatas.
Pag dating sa school ako palang ang tao sinasadya ko talaga na gumising ng maaga para ako lagi ang nauuna dahil iniiwasan kong makasabay ang mga schoolmates ko. Masaya akong naglalakad nang may umakbay saken.
"As expected maaga ka nanaman ngayun, baket nagbago oras ng pagpasok mo hah? Eve"
Nawala ang ngiti sa mukha ko kasabay ng paghulog nang gatas na hawak ko
"Your so clumsy hindi ka na talaga nagbago HAHAHAHA let me help you"
Pinulot niya yung nalaglag na gatas at binuhos ang natitirang laman saaken
Napaatras ako dahil sa lamig ng gatas na kumakalat sa uniform ko
"Bat parang nakakita ka ng multo relax we're friends right?"
Hindi multo ang nakita ko kundi demonyo. Oo demonyo dahil sakanya mas naging impyerno ang buhay ko. Siya si Eloise Q. Donovan we're classmates since elementary and my competitor, noong marangya pa ang buhay ko mabait siya saken pero simula nang mamatay si mama at naghirap ako bigla nalang siyang nagbago.
Nang maubos na ang laman ng gatas binato niya pa saaken ang bote sabay ngisi habang papaalis. Tinignan ko ang uniform kong basang basa na.
"Ugh wala nakong pamalet pano to... ay ok lang maaga pa naman matutuyo to buti nalang gatas yung dala ko kundi halatang nabuhusan ako༎ຶ‿༎ຶ"
"That's all for today you may have your lunch"
"YEEEEEY"
Kung karamihan favorite ang lunch time ako hindi, baket? Kase ito yung time na mas napagttripan ako ni Eloise at ng mga barkada niya. Pero dahil wala naman akong pera dito lang ako sa classroom haha hindi nila ko makikita sa cafeteria bala sila jan. Tumungo ako para umidlip pero may humila ng buhok ko sinubukan kong tanggalin yung pagkakahawak sa buhok ko pero mas lalo lang humigpit.
"Bat hindi ka pumunta sa cafeteria diba sabe ko dapat lagi kang present don stress kame sa mga pinapagawa dito sa school so kailangan naman ng kaunting entertainment pero dahil wala ka nabwiset tuloy kame"
Tinapat niya ang mukha ko sa mukha niya kaya kitang kita ko ang nakakatakot niyang ngiti.
"Eloise kelan kaba titigil"
"Pft-HAHAHAHAHAHAHA"
Napakalakas ng tawa niya kaya unti-unting dumami ang taong nanonood samen.
At dahilan yun para maslalo siyang ganahang pagtripan ako. Hinila niya nang maghigpit ang buhok ko sabay umpog ng mukha ko sa lamesa pag-angat ko ng ulo nakita ko nalang sa lamesa na may dugo at galing yun sa ilong ko napaluha nalang ako nang makita iyon."You poor little thing next time better to obey me ok?"
Hindi ako sumagot at nagpatuloy lang sa pag iyak ng tahimik dahilan para maslalo siyang mairita, hinila niya uli ang buhok ko at tinapat ang bibig niya sa tenga ko.
"HELLOOO ARE YOU DEAF!!?"
Sa ginawa niyang yun nagsitawanan ang mga nanonood samen. Wala bang tutulong saken kahit na sino please hindi ko na kaya.
"Hay nakakabored ka naman bahala ka na nga jan"
Binitawan na niya ang buhok ko akala ko tapos na pero may biglang humila sa upuan ko dahilan para mapa-upo ako sa lupa, napapikit nalang ako sa saket.
*Sloossh*
Tinitigan ko repleksyon ko sa salamin habang binabanlawan ang nadudugo kong ilong.
"May sense paba tong buhay ko?"
Hindi ko na kayang bumalik sa classroom kaya naisipan ko nalang na magstay sa cr hangang sa mag-uwian nang wala na akong makita na estudyante sa labas binalikan ko na ang bag ko na naiwan sa classroom. Kaylangan ko na magmadali late nako sa part time job ko.
"Sir sorry po late ako cleaners po kase ako tinakasan pa ako ng mga kasama ko hehe(^_^')"
"Magbihis kana jaan dame mo pa sinasabe late kana nga"
"Sorry po ulit"
Dali-dali akong pumunta sa locker room para magpalit ng damit pang trabaho. Natanggal ko na yung blouse ko nang may biglang yumakap sa likod ko pumipiglas ako pero anlakas niya.
"Walang masyadong tao ngayun kaya nagsarado nako ng maaga, tayong dalawa lang dito kahit sumigaw ka walang makakarinig at tutulong sayo"
Sinubsob niya yung ulo niya sa leeg ko at parang inaamoy-amoy ako hinarap niya ko sakanya sabay haplos sa mukha ko.
"Napakaganda mo pati na ang katawan mo"
Kitang-kita ko ang pagnanasa sa mga mata niya, bago pa niya malapit ang mukha niya saken inambahan ko na siya ng suntok sabay sipa sa maselang bahagi ng katawan niya, agad-agad kong sinuot ang aking blouse at tumako palabas ng store na pinagttrabahuan ko. May maslalala paba sa araw na to?
*Beep beep beep*
*Vroom vroom*
Nandito ako ngayun sa pinakatuk-tok ng building para mahimasmasan sa mga kaganapan ngayung araw. Ito ang pinaka favorite kong puntahan kapag may problema bukod sa libre tambayan makakakita kapa ng maganda tanawin at yun ang mga ilaw na nang gagaling sa mga sasakyan at building idag-dag mo pa ang malamig na simoy ng hangin na parang nagpupumilit na magtagal pa ako. Habang nakaupo tumingala ako sa langit.
"Ano na kaya mangyayare sa buhay ko. Wala na akong pera at trabaho binubully pako sa school napapagod nako, ma pwede naba ako sumama sayo jan? Siguro naman pwede na, sana naging proud ka saken naging matatag ako sa loob ng 6 yrs na wala ka. Miss na miss na kita mama hindi ko na kaya dito"
Kasabay ng pagtulo ng luha ko ang pagtalon ko sa building habang nakangiting nakatingin sa kalangitan ipipikit ko na sana ang mata ko nang may lalaking tumalon ren kaya napalaki ang mata ko sa gulat masamang nakatitig saken yung lalaki habang nakalahad ang mga kamay na parang inaabot ako, wala ako sa wisyong inangat ren ang aking kamay para maabot niya, pero kahit naman maabot niya ko hindi paren kame makakaligtas. Nang maabot niya ang kamay ko biglang bumilis ang tibok ng puso ko, baket? dahil don hindi ko namalayan na nasa tuktok na uli ako ng building at BUHAY NA BUHAY?!
"Wait paano BAKEEEET!?"
"Miss ang ingay mo obvious ba tinulungan kita"
Napalingon ako sa taong nagsagip ng buhay ko kuno.
"Sino ka!? Ano ka!?"
Hindi ko alam na pagtapos ng pangyayareng ito madameng pagbabago ang magaganap sa buhay ko.
YOU ARE READING
What are you?
FantasyI'm Eve C. Stoll, 17 yrs old my mom died when I was 11 and I don't know anything about my dad, in other words I'm an orphan. My life is so hard to the point that I decided to end it and that's when I meet him he rescue me and show to me how beautifu...