2

4 0 0
                                    

"Uy nabalitaan niyo ba si Kendrick nabangga daw ng truck kahapon dead on arrival"

"Grabe nakakaawa"

"Omg he's one of my crush pa naman how sad"

Pagpasok ko sa school ayan agad bumungad saken hindi na ako naki chismis dahil hindi ko ren naman kilala kung sino ang pinag-uusapan nila at sa kalagayan ko ngayun wala ako sa lugar para mangealam pa ng buhay ng iba. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad nang harangin ako ni Eloise at ng mga alipores niya.

"Don't worry we will not do anything. I just wanna ask about Kendrick, is it true? patay na siya?"

Tinignan ko siya ng nagtatakatingin.

"Baket ako? Hindi ko nga kilala yun eh"

"What!? Hindi mo kilala ang anak ng landlord mo? How rude namatayan siya ng anak pero wala ka manlang ka alam-alam"

Eh malay ko ba sa mga nangyare saken kahapon satingin mo may gana pako maki-alam sa buhay ng iba (-_-), tsaka kelan kapa nagkaron pakealam sa iba gusto mo ba yung Kendrick. Bulong ko sa aking isip.

"Ah busy kase ako tsaka hindi kame gaanong nag-uusap nung landlord ko"

"UGH how useless"

Pagtapos non ay nilampasan na niya ako, nagpapasalamat ako at wala siyang ginawa saken. Pag dating ko sa classroom yun paren ang pinag-uusapan ng mga kaklase ko. Nacurious naren tuloy ako, namatayan pala ang landlord ko dapat siguro magbigay ako ng abuloy? or pag-kain? kahit naman lugmok nako sa buhay alam ko paren kung gano ka saket mawalan ng mahal sa buhay.

Habang nagtuturo ang teacher namen laking gulat ko ng may biglang kumalabit sa paanan ko muntik pako mapasigaw sa gulat, pagsilip ko sa ilalim para tignan kung sino yun walang iba kundi ang lalaking nagligtas saaken kahapon nakangiti pa ang loko, ngayung nadito siya bumabalik saken ang mga nangyare saamen kahapon.

*Flashback*

"Sino ka!? Ano ka!?"

"Pft-HAHAHAHAHA ano ako? Edi tao hindi paba halata?"

"Wag mokong niloloko meron bang tao na tumalon sa building tapos biglang nabalik sa tuktok"

Mula sa nakakalokong ekspresyon biglang naging seryoso ang mukha niya at umayos siya ng upo.

"Nahuli moko don ah. Well hindi na nga ako tao sabe nung mga napagtanungan ko multo na daw ako, pero wala akong maalala na kahit ano sa buhay ko pati sarili ko hindi ko kilala pero nung makita kitang tumatakbo papunta dito pakiramdam ko kilala kita siguro parte ka ng buhay ko tsaka tignan mo parehas tayo ng uniform"

Tinuro niya ang uniform nameng dalawa at nang tignan ko yun tama nga siya parehas kame bat ngayun ko lang napansin, pero hindi ko siya matandaan. Ay wala nga pala akong masyadong kilala sa school(~_~).

"Nang makita kitang tumalon gusto kitang sagipin kaya nagbakasakali akong tumalon at ayun nasagip nga kita! Hindi mo dapat ginawa yun kahit anong nangyare sayo pahalagahan mo paren buhay mo dahil marame jaan na gusto pang mabuhay pero oras na nila, tulad ko"

*End of flashback*

At pagtapos non lagi na siyang nakasunod saken baka daw may maalala siya kung sasama siya saken(─.─)

"Kelan ba matatapos klase niyo nakakabored naman dito hindi na nga ko estudyante pero parang nag-aaral paren ako"

"Eh sino ba kaseng nagsabeng sumama ka saken"

Pabulong kong sabe, buti walang nakapansin mahirap na mapagkamalan pa akong baliw.

Pauwi nako nang maalala kong dumaan muna sa bahay ng landlord ko para makiramay at syempre nakabuntot ren saaken yung lalaking multo, hindi ko alam ano itatawag sakanya kase miski sya hindi alam pangalan niya kaya lalaking multo nalang.

"Saan ba tayo pupunta anlayo naman gusto ko na umuwi"

Nilingon ko siya sabay sabing.

"Ah may uuwian ka pala sige umuwi kana"

Sarkastiko ko pang sabe.

"Oo may uuwian ako sa bahay naten(✿^‿^)"

Iniwas ko ang mukha ko sakanya dahil biglang bumilis ang tibok ng puso ko ano ba tong nararamdaman ko bigla-bigla nabilis tibok ng puso ko, may saket naba ko sa puso? siguro dapat nako mag-pacheck up 

"Ang dame mong reklamo hindi ka naman na napapagod"

"Hmp gusto ko na umuwiiii!!"

Pagmamaktol niya pa lalo.

Nang makarating kame sa bahay ng landlord ko sa labas palang mapapansin mo na agad na may patay dahil sa mga bulaklak na pang patay. Medyo nag-aalangan pako na pumasok nagulat pako ng biglang lumabas ang landlord ko.

"Oh Eve ikaw pala nandito kaba para makiramay? pasok"

Nawala ang pag-aalangan ko at pumasok sa kanilang tahanan pero laking gulat ko sa nakita kong larawan ng patay na naka display, bigla kameng nagkatitigan ng lalaking multo na kasama ko.

"Bakit ako yung nasa picture? ako yan diba"

Malumanay niyang sambit.

"Maiwan muna kita bibili lang ako ng makakain naubos na kase"

Nakangiti siya saaken pero hindi nito natago ang lungkot sa kanyang mga mata.

"Samahan ko na po kayo siguradong madame iyon mahihirapan kayo magdala"

Hindi ko alam pero binigyan ko siya ng ngiting nagsasabeng pwede niya akong sandalan.

"Hindi nako tatanggi sa alok mo, salamat"

At naglakad na kame papunta sa malapit na bilihan ng makakain, nilingon ko ang isa ko pang kasama mukha siyang nanlulumo at wala sa sariling nakasunod saamin gulat paren sa nakita niya miski ako hindi makapaniwala na siya pala yung Kendrick na anak ng landlord ko.
Nabasag ang katahimikan ng biglang magsalita ang landlord ko.

"Napaka bait na bata non kahit na may pagkapil—"

Hindi na niya natapos ang sasabihin dahil bigla nalang tumulo ang luhang kanina niya pa ata pinipigilan.

"Sorry sayo pako umiyak, hindi ko kase magawang umiyak sa bahay dahil alam ko ayaw ng anak ko na umiiyak ako, noong buhay pa kase siya ayaw na ayaw niyang nakikitang umiiyak ako habang nabubuhay daw dapat masaya lang"

Tumawa pa siya habang pinupunasan ang mga luhang ayaw paren tumigil sa pag-tulo. Nilingon ko si Kendrick na umiiyak naren.

"Pwede mo ba siyang yakapin para saken paki sabe naren na hindi ako magagalit kapag umiyak siya "

Ganoon nga ang ginawa ko, niyakap ko ang ina niyang nalulumbay sakanya.

"Isipin niyo nalang po na ang nakayakap sainyo ay si Kendrick, kung makakausap kapa niya siguro ganto ang sasabihin niya. Ok lang umiyak paminsan-minsan pero dapat may hangganan. Ipagpatuloy mo paren ang buhay mo kahit na wala na akong anak mo"

Sa mga sinambit ko maslalong humagulgol ang landlord ko humigpit rin yung yakap niya saaken.

"Haha tama ka ganya nga siya magsalita"

Naglakad papalapit samen si Kendrick

"Salamat"

Bulong niya saken bago maglaho.























What are you?Where stories live. Discover now