3

2 0 0
                                    

Isang buwan na simula ng maglaho si Kendrick matapos malamang siya ang anak ng landlord ko, Nagtataka tuloy ako ano na nangyare sakanya nasa langit na kaya siya?
Nasa kalagitnaan pako ng pagiisip nang mapansin kong 7:40 na?! Kaya dali-dali akong kumaripas ng takbo papuntang school.

"Ganon bako kabagal maglakad? 6:00 ako umalis ng bahay anong pinaggagawa ko sa buhay kooo"

Hingal na hingal akong naglakad papuntang classroom buti pinayagan pako makapasok kahit late nako ng isang subject iniintay ko nalang mag bell bago pumasok. Pagkaupo ko tumungo agad ako dahil pagod na pagod paren ako sa pagtakbo kanina, imagine wala pakong breakfast non simula ng mamatay si Kendrick hindi na nagiiwan ng gatas yung landlord kaya wala nakong takas sa gutom(╥﹏╥)

"Good morning class, go back to your seats so that we can start our discussion"

Pagkarinig ko sa boses ng teacher namen agad akong imayos ng upo.

Natapos ang klaseng blanko ang utak ko pano gutom ako eh, buti nalang at lunchtime na(☆▽☆) first time ko matuwa't lunch na sana lang hindi ako pagtripan nila Eloise.

Pagkaorder ko ng makakain humanap na agad ako ng mauupuang walang makakapansin saken kaso may mga kamay na humawak sa balikat ko at nagcontrol saken papunta sa gitnang upuan kung saan nag-iintay si Eloise at mga alipores niya.

"Very good akala ko hindi nanaman kita makikita dito eh"

Nakangising sambit ni Eloise

"Eloise gusto ko kumain ng tahimik"

"Nakakabored kapag magisa kaya sasamahan ka namen. Bili upo ka dito sa tabi ko"

Tinuro nya pa ang upuan katabi niya. Sinunod ko nalang ang gusto niya sana lang wala na silang iba pang balak, sisimulan ko na sana kumain nang biglang kunin ni Eloise ang tray ko at tinitigan pa yun na parang nandidiri.

"Hmmm? Eto ang pagkain mo? Hindi to masarap kapag kakainin mo lang ng ganto. Wanna know how to make it more tasty?"

Tumingin siya saken at binigyan ako ng nakakatakot na ngiti, sa itsura palang niya alam kong hindi na maganda ang susunod na mangyayare kaya agad-agad akong tumayo para umalis pero may pumatid saken kaya nadapa ako.

"Oh my! what are you doing? Finding fish in the floor?"

Nagtawanan ang mga alipores ni Eloise dahil madami sila sapat nayun para makaagaw ng atensyon, halos lahat ng nasa cafeteria nakatingin na saamen na parang nanonood sila ng isang teleserye. Lumapit saken si Eloise dala-dala ang tray ko at binuhos iyon saken. Napapikit nalang ako wala nakong lakas para lumaban at kahit na lumaban ako ano bang laban ko sakanila ang dami nila mag aaksaya lang ako ng lakas.

"Tapos naba kayo?"

Tanong ko habang nakatungo. Sa sinambit ko nagtawanan sila. Mga demonyo

"You sounds like you wanna fight back."

Nabigla ako ng may bumuhos sakeng malamig na gatas. Naiiyak nako naalala ko yung gatas na ibinibigay ng landlord ko, baket ba ang hilig nila magsayang.

Ilang sigundo pa ang nagdaan pero wala na silang ginawa para bang tumigil ang paligid sobrang tahimik, inangat ko ang ulo ko para tignan kung anong nangyayare kung may teacher ba nakakita samen kaya sila nagsitigil pero hindi teacher ang dahilan maging ako nagulat sa nasaksihan ko, yung mga upuan nakalutang lahat kame nakatingin doon at takot na takot napalitan ng tilian ang kaninang tahimik na cafeteria nang biglang bumagsak lahat ng upuang nakalutang.

"AAAAHHH!!!"

"WHAT THE FUUUUCK"

"OMG GHOST MOMMY!!!"

Kanya-kanyang takbo ang mga estudyante palabas ng cafeteria, tatayo naren sana ako para tumakbo pero may nakaagaw ng atensyon ko mula sa dulong bahagi ng cafeteria may isang lalaking nakatayo at parang nakatingin deretso sa direksyon ko, unti-unti siyang naglakad papalapit saaken at sa paglapit niya unti-unti ko ring naaninag kung sino siya.

"Kendrick?"

Hanggang sa nawala na lahat ng tao sa cafeteria at doon na siya tuluyang nakalapit saaken, tama nga ang hula kong siya iyon naiyak uli ako hindi dahil nalulungkot kundi dahil sobrang saya ko na nandito siya uli.

"Baket ngayun kalangಥ╭╮ಥ"

Umupo siya para mapantayan ako, inilagay niya ang isang kamay sa ulo ko at pinagpag yun.

"Ang kalat mo naman kumain saglet lang ako nawala para ka nanamang bata, tsk tsk pano naman matatahimik kaluluwa ko niyan"

Hindi ako nagsalita tinitigan ko lang siya hindi makapaniwalang nandito na uli siya sa tabi ko akala ko nasa langit na siya(◉‿◉). Itinigil niya ang pagtanggal ng pagkain sa ulo ko at ilang sigundong tumitig sa mukha ko na parang kinakabisado ang iyon sabay punas sa luhang naiwan sa gilid ng aking mata.

"Salamat"

Pagkatapos ng pangyayare sa cafeteria madameng chismis ang kumalat tungkol saken kesyo may kapangyarihan daw ako, sumali sa kampon ng kadiliman, nakakakita ng ibang elemento at marami pang iba. Well tama naman sila nakakakita nga ko ng ibang elemento at si Kendrick yun.

Naglalakad kame ni Kendrick pauwi ng maalala kong hindi ko pala natanong sakanya kung saan siya nagpunta nung naglaho siya.

"Teka... nasan ka pala netong nagdaang isang buwan"

Napatingin siya saken ng bigla ako magsalita.

"Ah haha ayun...ano jaan lang sa tabi-tabi nakipagchikahan sa mga kauri kong multo alam mo na kelangan ko ng kaibigan na kauri ko ren(•̀ᴗ-)"

Mukha siyang nagsisinungaling pero hinayaan ko nalang baka nga ayun ang ginawa niya.

"Let's not talk about me wala nakong future multo nako let's talk about you"

"Oh anong meron saken"

"Diba nawalan ka ng trabaho ano kelan ka hahanap ng trabaho wag mong sabihing balak mo mamatay sa gutom!"

Sa sinabe niya hindi ko alam kung matatawa ako o ano.

"Hindi no inaantay ko lang mag weekend at dahil sabado bukas sisimulan ko na mag apply"

"Very good"

Natawa ako sa naging sagot niya, feeling ko nagbago siya parang nagmatured.

"Masaya ko't nandito kana uli"

Napatigil siya sa paglalakad at tumingin saken na parang hindi niya inaasahang sasabihin ko yun, hindi ko siya pinansin at nagtuloy lang sa paglalakad habang nakangiti, nilingon ko siya ng medyo malayo nako sakanya pano ba naman hindi na talaga siya naglakad.

"Ano jaan ka nalang?"

Nahimasmasan siya at agad-agad tumakbo papunta saken.

"Tara na't umuwi sa bahaay"

At sabay kameng naglakad ng may ngiti sa aming mga labi sa ilalim ng asul at kahel na kalangitan.

















You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 08, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

What are you?Where stories live. Discover now