✞ Kirsty's POV ✞
"Kirsty ano yan?"
Ilang linggo na rin ang nakalipas simula ng magtapat si Kuya Nick sa'kin. At simula noon ay hindi na natahimik ang aking buhay, sa tuwi na lang makikita ko siya ay iniiwasan ko siya. Hindi katulad noon na kapag makikita ko si Kiya Nick ay todo bati.
Haaay, buhay parang life. Masaklap pa sa masaklap!
"Kirsty?"
Sana hindi nya na lang sinabi ang mga yun. Sana kinimkim nya na lang yun. Pero kung kinimkim nya naman baka sumabog siya di'ba?
"Kirsty!"
Waaah, mababaliw na ata ako! Wag naman sana!
"PUTCHA KIRSTY! ANDYAN KA PA BA?" natauhan lang ako sa ng may marinig na sigaw sa'king may tenga.
"ay nak ng palaka!" muntik ko ng mabitawan ang hawak kong libro.
"Ano ba Kirsty? Lutang ka na naman!" singhal ni Karen sa'kin saka umupo sa tabi ko. "Ok ka lang ba talaga?"
Wow ang ganda naman ng tanong! Naisip nya ba kung anong nararamdaman ko ngayon? Kung siya ang nasa kalagayan ko baka hindi lang siya lumutang at lalo ng mahiwalay ang kanyang kaluluwa sa kanyang katawan!
"Ano sa tingin mo?" inilahad ko ang aking braso sa lamesa sa aking harap at inihilig doon ang aking ulo.
"Alam mo Kirsty mas mabuting sabihin mo na kay Kuya Nick na naalibadbaran ka na sa kanya. Na hindi mo feel ang presence nya at mas lalo ang LOVE na ibinibigay nya.."
"Shunga ka ba? Masasaktan siya!"
" Eh mas shunga ka! Naisip mo ba na dahil sa paglayo-layo mong yan ay MAS LALO mo siyang nasasaktan. At habang tumatagal ay umaasa siya.."
Napaisip ako sa sinabi ni Karen. May isip din pala 'tong babaeng 'to kahit paano.
"May isip ka rin pala ano?"
BINABASA MO ANG
I hate that I Love You
Teen Fiction[WARNING: Very informal story ahead. Written during my JEJE-Days. You have been warned.] alam nyo yung feeling na inlove na inlove ka, pero yung taong gusto mo ayaw sayo? yan ang kwento nitong si Kirsty, ang babaeng inlove sa taong ayaw sa kanya. Ma...