chapter 17 --- ✿ Hangganan ✿

437 9 2
                                    

✞ Kirsty's POV ✞

'Kuya, dun lang po ako uli muna sa tabing dagat! Magpapahangin lang po ako!' sigaw ko kay Kuya Nick bago tuluyang umalis ng bahay niya. Hindi ko na siya hinintay na sumagot pa. Binilisan ko na ang paglakad ko papunta sa tabing dagat. Malamig ang hangin, buti na lang at nagdala ako ng jacket!

Kakatapos lang namin kumain. Gusto ko kasing maglakad sa tabing dagat pagtapos kumain.

Naglalakad na ako ngayon sa may buhangin. Ipinagpatuloy ko ang paglakad papunta sa may dagat. Wala naman akong balak magpakalunod. Kaya nga lang i want to feel the cold water. Habang naglalakad ay umiihip ang napakalakas na hangin. Pero syempre kaya ko to!

Habang ipinapagpatuloy ko ang paglalakad sa may tubigan ay di ko inaasahan ang mas malakas na ihip ng hangin. Biglang na out of balance ako at bumagsak sa tubigan.

Hindi ako makatayo. Inaalod na ako ng tubig papunta sa malayo. 'Tulong!!' sigaw ko habang sinusubukang lumangoy pabalik sa buhanginan. Pero naalala ko nga palang hindi ako marunong lumangoy. Ipinagpatuloy ko ang pagsigaw. Ng hindi ko na kaya ay ramdam kong unti-unting lumulubog ang katawan ko sa tubig. Pero may biglang humila sa kamay ko.

Hinila nya ako papunta sa buhanginan. Ng mahawi ko ang aking basang buhok na nakatakip sa aking mukha ay nagulat ako ng makita si Xander na basang-basa. Siya ang nagligtas sakin? >//////< Meghed em blushing! Agad naman akong tumayo at inalok sa kanya ang kamay ko para tulungan siyang tumayo.

Tumingala siya sakin at tiningnan ako ng masama. Ano bang problema nya? 'May balak ka bang magpakamatay?!' sigaw nya sakin sabay tayo sa kinauupuan nya. Tinabig nya ang kamay ko na nakalahad para sa kanya, napaatras ako sa sobrang gulat.

'Pa-pasensya na.. Naglalakad lang naman ako sa may tubig ng biglang lumakas ang hangin' pagso-sorry ko habang nakatungo. Natakot ako ng sobra ng sigawan nya ako.

I hate that I Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon