✞ Kirsty's POV ✞
Kapag mahal mo ang isang tao kaya mong gawin ang lahat. Kung kailangan mong mag-sakripisyo ay gagawin para lang mapasaya siya..
'Mahal ko! Bangon ka na!'
Inabot ko ang aking cellphone at pinatay ang alarm. This day is very special to me. This is our 1st Monthsary bilang isang couple.
Bumangon ako sa aking kinahihigaan at nag-tungo sa banyo para maligo at mag-ayos ng sarili.
***
*beep beep*
Napatingin ako sa labas ng bintana at may nakita akong itim na kotse. I know that car. Agad akong lumabas ng aking kwarto at lumabas ng bahay.
"Good Morning Cute!" bati sa'kin ni Kuya Nick. "Handa ka na?"
Tumango tango ako at pinaharurot na niya ang sasakyan.
Tumagal din ng mahigit isang oras ang byahe namin. At ngayon ay nakarating na kami sa aming destinasyon. Bumaba ng sasakyan si Kuya Nick at binuksan ang aking pintuan.
"Thanks Kuya!" nginitian ko siya ng malawak habang siya ay nagsasarado ng pintuan ng sasakyan.
"Sinabi ko na sa'yong Nick na lang!"
"Kuya, hindi po yun maasahan" i giggled.
"Sige na cute, naghihintay na siya sa'yo" binigyan ako ni Kuay Nick ng ngiti at pumunta sa kabilang pintuan ng sasakyan. Handa ng sumakay. "Enjoy your monthsary Cute. Sige na kailangan ko ng umalis"
I waved at him at hinintay kong humarurot papalayo ang sasakyang sinasakyan ni Kuya Nick. Ng hindi ko na matanaw ang sasakyan ay tumalikod ako at huminga ng malalim. This is the day that i've been waiting for.
Naglakad ako patungo sa buhanginan at doon ay may nakita akong isang kubo. Nakalutang ito sa dagat. As I walk towards the kubo ay kita ko ang isang lalaking nakatalikod sa loob. Tila may hinihintay.
BINABASA MO ANG
I hate that I Love You
Teen Fiction[WARNING: Very informal story ahead. Written during my JEJE-Days. You have been warned.] alam nyo yung feeling na inlove na inlove ka, pero yung taong gusto mo ayaw sayo? yan ang kwento nitong si Kirsty, ang babaeng inlove sa taong ayaw sa kanya. Ma...