How are yah, everyone!:):):)
This is super duper late, but I hope you still have time to read this.
@satske
@meryllsan
@JunnabelxD
@chinneyqoo
@momentko
you're a motivation guys! Thank you so much!!!!:):):)
Thankie!
This is it!
Please, sweetheart let us talk. I'll wait in your favorite place no matter what!
I closed my eyes as I read your message. Hindi ko na mabilang kung ilang ulit ko ng binasa ang text mo. Pero hindi pa rin ako makapag-decide. Don't get me wrong Carl.
Hindi dahil hindi na kita mahal. I love you. Wala na akong ibang mamahalin kundi ikaw. Pero...
Hindi ko na naman napigilang umiyak. I have been crying like this for two weeks now. At nagagalit ako ngayon dahil alam kong nasasaktan kita. Two weeks had passed pagkatapos ng insidenteng yun pero ni isang kataga ng paliwanag ay hindi kita binibigyan.
Napakatanga ko! Alam kong hindi katanggap tanggap ang dahilan ko pero wala na akong magawa. I'm so sorry Carl, but believe me, I love you more than anything in this world.
"Clarissa, nandito ang boyfriend mo sa baba."
Agad kong pinunasan ang luha sa aking pisngi bago ngumiti ng mapait. I keep on telling how much I love you, Carl but here I am, may ibang boyfriend. How ironic!
Hindi kita masisisi kung maisusumpa mo ko ng dahil sa galit.
Tumayo ako at humarap sa salamin. Inayos ko ang aking sarili. Maybe it's about time na malaman mong may boyfriend na akong iba. But the reason behind that, hayaan mong itago ko na lang muna.
"where are you going, babe? Hindi ba ako pwedeng sumama?" napahigpit ang hawak ko sa cellphone. napapikit ako ng mariin at pinigilang sumigaw na wag nya akong tawaging babe. I took a sigh to calm myself.
"Andrei, please naman. Pupunta lang ako ng school para ayusin yung mga namissed ko. " dahil nga sa nangyari ay hindi ako pumapasok.
"namissed? I hope hindi si Carl yun."
"Ano ba Andrei?! Ano pa bang gusto mo? Iniwan ko na nga sya para sa'yo di ba?! Ikaw na nga ang pinili ko! Kung hindi lang... " napahinto ako sa pagsasalita. At galit na pinunasan ang luhang tumulo na naman sa aking mga mata.
"Kung hindi lang...? Kung hindi lang ano Clarissa?"
"Please, Andrei mamaya na tayo mag-usap. " sabi ko na lang at huminga ako ng malalim. Hindi pala nya dapat malamang alam ko ang kalagayan nya. Hindi ko na hinintay ang sagot niya. I ended the call bago ako pumasok sa gate ng school. And I know you're waiting for me.
Habang papalapit ako sa paborito kong lugar, sa park sa ilalim ng puno ng Acacia, ay palakas naman ng palakas ang kabog ng aking dibdib. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko pag nakita na kita Carl. I am only sure that I missed you so much.
Nagtaka ako ng matanaw kong tila may mini stage sa park. At halos hindi ako makagalaw ng matanaw kitang nakatayo doon at nakangiti sa akin. Hindi ko namalayang pinipigil ko na pala ang aking paghinga kasabay ng pagpipigil kong mapaiyak ng malakas.