Password 3: The Fight
"Please, don't cry..." Bahagya kang tumungo para magpantay ang ating mukha. Hinawakan mo ang aking mga pisngi at pinunasan ang mga luha ko using your thumb.
"lt's not your fault. But don't say sorry... l'm not started yet. Please, let me fight first. Don't say sorry and ask me to give up because l won't."
Bakas ang sakit sa tinig na wika mo. Mabilis akong napailing. Mali ang interpretasyon mo sa sinabi ko. Agad kitang niyakap. Alam kong nagulat ka sa ginawa ko.
"That's not what l meant... Carl, please... fight for me." Bahagya kang nanigas dahil sa sinabi ko. Marahil dahil sa pagkagulat. Hinawakan mo ako sa magkabilang balikat at bahagyang inilayo sa'yo. Tiningnan mo ako sa mga mata. Kitang kita ko roon ang pagkagulat, takot,saya at pagmamahal.
"T-tell me l heard it right, sweetheart." Halos bulong lang na saad mo. Tumango lang ako habang nakangiti kasabay rin ng pagpatak ng aking mga luha. Pagkatapos nun ay mabilis mo akong kinabig palapit sa'yo at niyakap ng mahigpit.
"God! l have been waiting for this moment. You don't know how happy l am right now..." Ngumiti ako dahil sa sinabi mo. You also don't know how happy l am at this moment.
Naramdaman ko na lang na muling lumapat ang labi mo sa noo ko at niyakap ulet ako ng mahigpit.
"Noong niyakap kita nung valentine's party, hiniling ko na sana, manatili na lang tayo na magkayakap habambuhay..." Nagulat ako at napangiti sa sinabi mo Carl. Hindi ko makakalimutan ang araw na yun dahil yun din mismo ang hiniling ko.
"Sweetheart, can we stay like this forever?" Malambing na tanong mo. Mahina na lang akong tumawa para itago ang kilig na nararamdaman ko.
"No. Magugutom tayo, at... at mamamatay agad." Pagbibiro ko na lang. Mahina kang umungol at isinubsob ang mukha sa leeg ko. Naramdaman ko ring ngumiti ka. Goodness! Sa kilig yata ako mamamatay.
"For an hour?" Pangungulit mo pa rin.
"May klase pa tayo."
"For a minute?" Hindi ko mapigilang ngumiti. Natutuwa akong makita ang ganitong side mo Carl.
"Two minutes." Bulong ko at niyakap kita ng mahigpit.