Chapter 2

1.2K 69 4
                                    

Password 3: The Fight

Here it is! Thanks for reading!

Password 3: The Fight

"Clarissa!" Napapitlag ako ng marinig ko ang medyo may kalakasang pagtawag sa'kin ng classmate kong si Nicole.

 "Why are you crying?" Nakakunot ang noong tanong niya. Wala sa loob na napahawak ako sa

pisngi ko. Tumulo pala talaga ang luha ko ng hindi ko namamalayan. Nahihiyang ngumiti ako kay Nicole.

"Ahm... Medyo masakit kasi ang..." Napasigok akong bigla at sunod sunod ulit na tumulo ang luha ko. Kainis naman o! agad naming lumapit si Nicole.

 "Are you okay? Anong masakit?" Halata ang pag-aalala niya.

 'masakit ang puso ko... sobrang sakit. Gusto ko sanang sabihin. Pero hindi pwede. Hindi naman kami close. Actually, kayong dalawa... Carl ang close. Nakatingin siya sa'kin. Hinihintay ang sagot ko. Umiling iling na lang ako.

 "Pasensya na, m-masakit lang ang ulo ko." Pagdadahilan ko na lang. Pero parang lalo siyang nag-alala. Mabuti na lang wala pa ang professor namin, at mabuti na rin lang may kanya kanyang pinagkakaabalahan ang mga classmates ko. lniisip ko nga na umiyak man ako, walang makakapansin

kasi wala naman akong close friends dito. Kaya nakakapagtakang nilapitan ako ngayon ni Nicole.

"Can you walk?" Nagtatakang tumingin ako kay Nicole. Pinunasan ko na rin ang luha ko.

 "Sasamahan kita sa clinic. Don't worry about Mrs. Hernandez, l think she won't attend our class today." Tukoy niya sa professor namin. Nahihiyang tumango na lang ako sa kanya. Gusto ko ring magpahinga na lang kahit paano.

 - - -

 Nakahiga ako ngayon sa isa sa mga beds sa clinic. Hinayaan muna nila akong magpahinga. Siguro dahil mukha talaga akong may sakit. Nakakatawa, puso ko lang naman talaga ang masakit. l took a sigh. Bakit ganito ang nararamdaman ko? Para akong mamamatay sa sobrang sakit at lungkot. At gusto kong sigawan ang sarili ko. Kasalanan ko naman kasi. Ang tanga tanga ko. Pumikit ako ng mariin at muling inalala ang araw matapos kong matuklasang ako pala ang password mo Carl.

PASSWORD 3: The FightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon