Kabanata 4

180K 6.5K 4.7K
                                    

Kabanata 4

"No." His hard and finalized voice echoed inside my head.

"Eh?" nguso ko, "why not?"

"Not interested," aniya, nakita ko ang kung ano sa kanyang mata bago unti-unting nag-iwas at tumikhim, sumusulyap sa dagat na kitang-kita mula sa pwesto naming dalawa.

"Sige na, Gel." Siniko ko siya ng marahan, "promise! Sulit na sulit 'to!"

"What do you even know about relationships?" he asked.

"Expert ako riyan, akala mo!" sagot ko pa, "paparamdam ko sa 'yo paano magmahal ang Philomena na 'to!"

"And you said you haven't been in a relationship?" sumulyap siya at tinaasan ako ng kilay, "and now you're an expert? What's this, huh? Scam?"

"Excuse me, huh? Wala pa akong naging boyfriend talaga pero marami akong nakalandian, ano?" I said confidently at mas nagsalubong lang ang kilay niya.

Nakita ko ang iritasyon sa mata niyo roon at muling bumaling sa tinitignan kanina, "no." Sabi pa niya ulit kaya bumagsak na ang balikat ko.

"Why not? Coconut?" tanong ko.

"You can't court me, Philomena. I'm a man, I should be the one doing it." Sagot niya kaya kumalabog ang puso ko.

"Edi, sige...gawin mo nga!" I teased, "baka naman puro ka lang salita. Weakling ka naman pala talaga, Doc—"

"I'll court you then," he said, nilingon ako. Nakita ko ang itim at malamig niyang mga mata na seryosong nakatitig kaya nahulog na ang panga ko.

"O-oh my..." I covered my mouth, halos magwala na ang puso sa narinig. "Talaga ba—"

"Joke." He said, poker-faced.

"Huh?!" napakurap-kurap ako at suminghap, "a-anong ibig mong sabihin?"

"It's a joke, Philomena." He smirked, mukhang naaliw sa mukha ko.

"How can you joke around wearing a poker face, huh?!" tinusok ko ang pisngi niya at tinawanan niya ako ng mahina at umiling.

"That's my natural face, don't question it." Sabat niya at bumuntonghininga ako, nilagay ang daliri sa chin para mag-isip ng p'wedeng gawin para mapainit ko si ice man.

"You're so reserved, manliligaw lang, eh..." reklamo ko.

"I'm a man, Philomena." He answered, sumandal pa sa bench lalo at uminom ng tubig.

"What? I believe in equality, ano? Lalaki lang ba ang p'wedeng mag-pursue sa babae?" tanong ko, "kung kaya niyo, kaya rin namin. Kaka-study first ko noon, wala na akong time manlalaki kaya ito na ang chance ko."

"Good then," he said coldly. "Don't look for a man and just study."

"Hoy, maawa ka naman sa matris ko, ano?" ngiwi ko. "S'yempre, pangarap ko maging pediatrician kasi nga mahilig ako sa kids at s'yempre, gusto ko magkaroon ng sarili. Ang sad naman ng nag-aalaga ako ng anak ng iba tapos wala ako? I'm dreaming to become a mother!"

Hindi siya umimik, his lips pursed a bit when he licked the lower side of it and I could praise his side profile just perfect right now.

He has sharp and prominent jaw, pointed nose and the faint stubbles on his chin, plus his black messy hair.

"Atsaka, 'di ba, boys are often the one's pursuing the one they like kaya kalaunan ay nagugustuhan din sila pabalik. So, kapag kaming girls ba, bawal? Gusto kita, Gelo, kaya nga gusto ko i-try i-pursue ka at malay mo ay palarin kagaya sa pagkapanalo sa lotto at ma-fall ka rin sa kagandahan ko?"

The Broken Vow (Published Under Bliss Books)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon