Naglalakad ako sa gilid ng kalsada ng maramdaman ko na may sumusunod sakin, binilisan ko ang aking paglakad. Samut-saring emosyon ang nararamdaman ko ngayon, parang kakawala na ang puso ko sa sobrang kaba.
Lumingon ako sa likod at may lalaking naka jacket ang sumusunod sakin. Tumakbo nako ng mabilis at lumiko sa iskinita ng makarating nako sa dulo ng iskinita ay biglang-
"Hoy babaita!! Gumising kana malelate na tayo sa school anong oras na!" sigaw ni Autumn sakin.
"Oo na ito na babangon na" napaka ingay talaga ng bunganga niya.
"Bilisan muna para sabay na tayo kumain"pahabol niyang sabi.
Himala ata na ang aga niyang nagising kase mga gantong oras tulog pa siya.
Dali-dali nakong naligo at nag-ayos. Pag tapos ay bumaba na para kumain.
"Sorry napasarap yung tulog ko" pag dadahilan ko sakaniya. Nasa lamesa na siya at naghahanda na para kumain.
"Hala! Hindi halata na napasarap! Hala ang galing" sarcastic na sabi ni Autumn. Kahit kailan talaga napaka pilosopo ng babaeng to.
"Sorry na nga diba" sarcastic ko ding sabi sakaniya. Aba hindi pwedeng siya lang ang matapang charot.
Nagsimula na kaming kumain at habang kumakain ay nagkwekwentuhan.
Oo nagawa pa talaga naming magkwentuhan kahit malelate na kami.
"At dahil late kang nagising ay ikaw ang madadrive. No but's end of convo"
"Opo madam ako na po ang magdadrive, pumasok na po kayo sa loob ng kotse kukunin ko lang po ang susi" sarcastic ko naman na sagot sakaniya.
Ako na nga nag drive nung umalis kami kahapon ako na naman ngayon. Ang sarap kotong kotongan nito. Grrrr
Kinuha ko na ang susi at naglakad na papunta sa kotse. Nag-umpisa nakong magdrive, hindi naman ganun kalayo sa bahay yung school na pinapasukan namin.
Bata palang ay magkaibigan na kami, ganun din ang mga magulang namin. Kaya naman parang magkapatid na ang turing namin sa isat-isa. Last month lang ay binili ng magulang namin itong bahay na tinitirhan namin ngayon.
Three storey house na may pool area sa likod ng bahay. Hindi naman ganun kalaki at hindi naman maliit sakto lang para samin. Inilaan namin ang third floor para sa mga bisita at kung minsan naman ay doon natutulog sila kuya pati na rin si kuya Winter ang kuya ni Autumn.
"Napakain mo ba si snow?" tanong ko sakaniya.
Si snow ang aso namin sa bahay regalo sakin ni Autumn alam niya kase na mahilig ako sa aso. Isa siyang golden retriever.
"Ay punyeta! Nakalimutan kong pakainin shit!" para siyang nabuhusan ng malamig na tubig sa sinabe ko.
"Bobita ka talaga malelate na nga tayo kinalimutan mo pa" sambit ko. Hindi kase namin pwedeng iwanan ng walang pagkain sa snow dahil siya lang mag-isa sa bahay. Kawawa naman baka mamatay sa gutom ang baby ko.
"Ay wow! Nakakahiya naman pala sayo anong oras kana gumising" pambabalik naman niya. Ano namang connect nung pag gising ko sa pagpapakain ng aso.
Inikot ko na ang kotse para makabalik sa bahay. Tinignan ko ang oras sa relo ko at 7:50am na 10 minutes nalang at malelate na kami.
Naka balik na kami at dali dali siyang pumasok. Ilang saglit lamang ay naka balik na siya.
YOU ARE READING
Lynx: The Hidden Assassin
RomanceShe is unaware of her true identity. Hanggang sa makilala niya ang taong magiging dahilan ng paglabas ng kaniyang tunay na pagkatao. "Who are you Lynx?"