Chapter 2

4 2 0
                                    

Ang bilis ng araw friday na naman. At syempre pag Friday roadtrip day, pantagal ng pagod at stress sa katawan.

Pagtapos ng klase ay umuwi na kami para kumuha ng gamit. Ganito lagi ang set-up namin pag Friday night imbis na mag clubbing ay nag roroadtrip kami.

Kaming tatlo lang nila Autumn at Ethan. Pero kahit ganoon ay napaka saya pa din namin.

May narinig na kaming busina na senyales na nasa labas na si Ethan.

Nagmadali naman na kami ni Autumn para makalabas na. Binuhat ko na si Snow pati na din ang bag na may laman ng mga gamit niya. Sinasama din namin si Snow para naman ay makapasyal din siya.

Dumaan muna kami sa 7/11 para bumili ng pagkain. Kumuha lang ng mga chitchirya, chocolates, softdrinks, water at syempre beer.

Nang makuha na namin lahat ng kailangan namin ay tumakbo na kami. CHAROT! Pumunta na kami sa counter para magbayad.

"Patugtog ka naman jan DJ Ethan!" energetic kong sabe.

Binuksan namin ang bintana at nilakasan ni Ethan ang tugtog. Sakto namang tumugtog ang kanta ng Imagine Dragons na Believer.

"Whoooooooohoooooo!" nilabas ko ang aking kamay at dinama ang hangin.

Ang sarap sa pakiramdam ng ganito, sariwa ang hangin lalo na't puro puno na ang nadadanan namin.

"Nandito na tayo" grabe ang ganda dito.

Humanap kami ng magandang spot kung saan kitang kita ang mga butuin.

Dumadayo talaga kami para mag star gazing ang sarap lang pagmasdan ng mga bituin sa langit. Sobrang payapa tipong nag eexist sila para mag bigay ng liwanag sa gabing madilim.

Naglatag na kami ng sapin at nilabas ang mga pagkain at inumin.

"Buti nalang madami tayong nabiling beer"

Nagkwentuhan kami ng kung ano-ano habang umiinom. Ang sarap sa feeling ng may ganitong mga kaibigan. Kahit papaano ay naiibsan ang mga stress at suliranin sa buhay.

Nilagyan ko din ng pagkain at gatas si Snow para hindi mainggit samin.

Puro tawanan namin ang maririnig sa paligid. Sabi nga nila tawanan mo lang ang problema, dahil wala ka naman magagawa kung iisipin mo lang ng iisipin malulungkot ka lang.

Hindi na namin namalayan ang oras at alas dos na pala ng umaga. Nagligpit na kami at pumunta sa kotse para makauwi na.

Pagkauwi namin ay natulog agad ako. Medyo antok na din, alas dos ba naman na ng umaga.

Maaga akong nagising, uuwi muna akong bahay since namimiss ko na sila mommy.

Dumaan muna ako ng coffee shop para bumili.

"1 creamie latte please, take out" inabot ko na ang card ko para makapag bayad.

"Pakihintay nalang po ma'am"

Gumilid nako para maka order na ang nasa likod ko. Napalingon ako sa lalaki na kasunod ko. Naka white v-neck siya at maong pants bagay sakaniya ang lakas ng dating.

Tinignan ko naman ang mukha, aba panalo! Model ata siya postura palang pang model na.

"Staring is rude Ms. Alam kong pogi ako pero ayoko ng tinititigan ako" sambit niya na hindi man lang ako tinapunan ng tingin.

Aba ang kapal ng mukha nito di naman gwapo, sakalin kita eh.

"Excuse me? Are you talking to me? I'm not staring at you sir don't be mistaken" pagdadahilan ko.

Inabot ko na agad yung kape na inorder ko at umalis na.

Grabe napaka pangit na ng umaga. Grrrr napaka yabang na nilalang kala mo kung sino.

Sumakay nako ng kotse at umalis na. Napaka antipatiko kala mo sobrang pogi.

Nakarating na ako sa bahay at mabilis pinark ang kotse.

"Mom! Im here" pagtawag ko.

Pumunta ako sa kusina at umupo. Sakto namang nagluluto si manang ng almusal.

"Oh Iha! Nandito kana pala, nag-almusal kana?" masayang sambit ni manang.

"Hindi pa po. Si mommy po?"

"Tulog pa ata, anong oras na din kase siyang natulog kagabi"

Umakyat naman ako papunta sa kwarto ni mommy. Pumasok ako at tumabi kay mommy.

Payapa siyang natutulog ng tumabi ako. Maganda si mommy halatang halata na sakaniya ako nagmana. Naalimpungatan naman siya at nagulat nung nakita ako.

"Good morning!" nakangiti kong bati.

"Good morning my love! Kanina ka pa dito?" yinakap niya ako.

I feel so safe when I'm in my mom's arm.

"Kararating ko lang po, come on mom breakfast is ready" pag-aaya ko.

"Okay. Sunod nalang ako"

Bumaba na ako at dumiretso sa kusina. Kinuha ko ang pitsel na may tubig sa ref at nagtimpla ng juice.

"Oh! Nandito pala ang baby namin!" masigla akong nilapitan at yinakap ni Kuya Kio. Ginantihan ko din naman ng yakap.

"Where's dad and kuya Kleo?"

Kanina ko pa sila di napapansin dito. Mukhang busy na naman ata sila. Ang tagal ko na din silang di nakikita kase everytime na uuwi ako ay wala sila.

"Sinama ni dad si kuya sa meeting. Maaga sila umalis kaya di mo na sila naabutan"

"Ahhh"

Minsan nalang umuwi diko pa naabutan.

Pagtapos naming kumain ay nagpaalam akong pupunta lang saglit sa mall para bumili ng libro.

"Lynx sabay na tayo may bibilhin din ako." sambit ni kuya.

Nag presinta akong mag drive pero ayaw ni kuya. Pag kasama ko sila ni kuya Kleo never nila akong pinag dadrive. Passenger princess talaga ako lagi sakanila specially kay Dad.

Nakarating na kami ng SM North. Binaba ako ni Kuya sa tapat ng main entrance ng mall. Mauna na daw ako at magpapark pa siya.

Dumiretao ako sa National Bookstore para bumili ng mga kailangan sa accounting. Bumili na din ako ng novel book na pwede kong basahin sa free time ko.

Lynx: The Hidden AssassinWhere stories live. Discover now