Chapter 4

2 2 0
                                    


Sumakay na ako sa jet ski at pinaandar. Sa una average palang ang bilis ng takbo ko pero nung tumagal tagal ay binilisan ko na.


Hinahabol ako nila kuya dahil nakita nilang binilisan ko ang takbo.


Tawa ako ng tawa sakanila dahil nakakunot ang mga noo. Ang sarap talagang inisin ng mga kuya ko hahaha.


"Slow down your car woman!" sigaw ni kuya Kleo.


Napatingin naman ako sakanila sa likod habang tumatawa.


Kakatingin ko sa likod ay hindi ko namalayan na may kasalubong ako na nagjejet ski at ang ending ay nagbungguan kami.


Nalaglag ako sa tubig at lumubog pailalim.


Lumalangoy na ako pa angat sa ibabaw ng tubig ng biglang mamulikat ang kaliwang paa ko.


Pinipilit ko pa ding umangat pero para akong hinihila paangat.


Nagulat na lang ako ng may humawak sa kamay ko at hinatak ako palapit sakaniya. Malapit na akong maubusan ng hangin.


Papikit na ako ng maramdaman ko na may lumapat sa labi ko. Binibigyan niya ako ng hangin habang magkalapat ang labi naming dalawa.


Hindi ko alam kung anong nangyare sa dibdib ko pero biglang bumilis ang pagtibok nito.


Nilayo na niya ang kaniyang mukha sa akin ng mabigyan na niya ako ng sapat na hangin upang makaangat sa ibabaw ng dagat.


Kaya pala parang pamilyar siya, siya yung nakausap ko kanina sa dalampasigan.


Lumangoy na kami pa angat habang nakayakap ang kaliwa niyang kamay sa bewang ko.


"Thank you. Namulikat kase yung paa ko kaya nahirapan akong lumangoy" pagpapaliwanag ko.


Biruin mo nga naman sa aksidente ko pa makukuha ang first kiss ko.


"Focus on driving. Kakasabi ko lang kanina na baka malunod ka sa pag-iisip hindi ko sinabe na dito ka sa dagat magpakalunod" seryoso niyang sambit habang naka tingin sa ibang direksyon.


"Lynx! What the fuck are you doing! I already told you to slow down your car!" galit na sambit ni kuya Kleo.


"We're fucking worried here! Ang tagal mo sa ilalim ng tubig! We've been trying to find you buti nahanap ka agad niya" makikita sa mata nila kuya yung pag-aalala at the same time galit.


"Sorry Kuya, namulikat kase yung kaliwa kong paa kaya di ako makalangoy" naluluha kong sagot.


Ngayon lang nila ako nasigawan ng ganito. Grabe ko silang napag-alala kaya naiiyak ako.


"Mamaya niyo nalang siya pagalitan, hindi pa ganun kagaling yung paa niya baka mamulikat ulit" at umamba ng aalis.

Lynx: The Hidden AssassinWhere stories live. Discover now