"Kaye ano? pwede na ba to? bagay na ba sa akin?" pinakita niya sa akin yung suot niyang polo. kasalukuyan kaming nandito sa bahay nila, sa kuwarto niya actually.
"Hay naku, kahit anong isuot mo babagay sayo nuh tsaka family gathering lang naman yung pupuntahan niyo eh. Hindi ka naman magpapaka Lady Gaga dun diba?" nag-indian seat ako sa kama niya at sinubo yung kinakain kung vanilla ice cream na kinuha ko kanina sa mini ref niya. Gara nuh? may sarili siyang mini ref, ganun talaga pag anak mayaman eh.
Bumuntong hininga siya "Baka kasi mapahiya ako eh. Hindi ako bakla para gayahin yung Gaga na sinasabi mo" ang ganda kaya ni Lady Gaga pag naka-simpleng ayos lang siya.
"Di yan, gwapo ka na diyan. Nakakasawa na nga minsan eh" sabi ko at sumubo ulit ng ice cream.
Tinignan ko siya, nakangiti siya more like nakangisi. Naging playful yung aura niya, yung parang may binabalak na masama, yung ngiti ni Joker sa Batman 'why so serious' ganun. waaaah Lord save me from this handsome creature in front of me~!!
"Ah ganun? Nagsasawa ka na sa kagwapuhan ko?" lumapit siya sa akin wearing that handsome creepy smile. waaah! ba't ko ba kasi nasabi yun? Mama ko,, TT^TT waah ~
Mas lumapit siya sakin, yung ilang inch na lang yung pagitan ng mga mukha namin. Ba't kasi ang gwapo nang lalaking 'to nakakaiilang pero ang sarap titigan, lalo na yung mga mata niyang nakakabaliw, yung perpektong ilong niya, yung kissable lips niya na ang sarap halika--- aish! erase! erase! erase!
"Ano? tapos mo na ba akong titigan?" biglang sabi niya pero nakangiti siya na parang nahihiya? waah,, bakit ba ang hilig mong ngumiti? waaah nahihiya na talaga ako. Napasobrahan yata ako ng pagtitig sa kaniya..
"Ah-eh, umalis ka sa harapan ko! alis!" tinulak ko siya konti. Kung hindi ko pa sana ginawa yun baka mahimatay na ako on the spot, eh kung isang Mark Kyle Reyes pa naman ang gagawa nun sa'yo? ewan ko lang kung mag fu-function pa yung utak mo.
"Bakit? Niilang ka nuh?" tumayo siya mula sa pagka-upo "O baka naman nagwagwapuhan ka sa akin?"
Tumayo din ako at pumeywang "FYI, Mr. Reyes hindi ako nagwagwapuhan sa iyo nuh!"
"You're not really good at lying Kaye." chuckle niya,,,,, wahhh ang qtqt niya~
Hinila naman niya ako palabas ng kuwarto niya at nagpunta kami sa garden ng bahay-slash-mansyon nila, which happens to be my happy place.
"Anong ginagawa natin dito?" tanong ko sa nakangiting nilalang sa tabi ko.
"Mag swi-swiming tayo dito" sarkastikong sagot niya.. aba natututo na to ah! "De joke lang, gusto ko lang sanang makita yang ngiti mo" nakangiti ba ako? Oo nga pala dito niya ako dinadala kung gusto niya akong makitang ngumiti o tumawa, ewan ko ba sa lalaking to, basta pupunta ako ng bahay nila palagi niya akong dinaadala dito.
Sino ba kasing di matutuwa sa garden nila eh, ang lawak na mukhang hardin ng mga hari't reyna, napakaberde ng paligid sa dami ng halaman tapos ang dami pang bulaklak.
"Teka diyan ka lang ha" binitawan niya yung kamay ko tapos may pinuntahan siya. Wait, kaya pala parang may nararamdaman akong kuryente kanina kasi magkahawak kamay kami , as in holding hands?! waaah! kinikilig ang lola ninyo!!!!
Wait, kanina pa ako kwento ng kwento dito di pa pala ako nakakapagpakilala. I'm........................................................... DARNA!!! de joke lang ako nga pala si Ayah Kaye Rodriguez 16 years old and I admit, I have this wierd feeling towards my bestfriend, Mark Kyle Reyes. Akala niyo siguro boyfriend ko siya nuh? Tama kayo boyfriend ko siya...
siyempre joke lang..
ako lang naman ang dakila at nag-iisa niyang bestfriend.
at nandito kami ngayon sa bahay-slash-mansyon nila para mamili nga isusuot niya para sa family gathering nila bukas at wala akong alam kong bakit kami napunta sa garden nila, at kung anong oras na its already 5:30 pm.
"Uhmm. Kaye..." lumingon ako at nakita ko siyang nakayuko pero nakangiti na nasa likod ang kamay niya. "For you." binigay niya sakin yung tinatago niya sa likod niya, isang... blue rose.
Nag-bibigay siya ng blue rose sakin kung mag-sosorry o mag-tha-thank you o kaya gusto niya lang...
Kinuha ko yung rose tsaka ko siya niyakap ng mahigpit na parang wala nang bukas, nagulat naman siya sa ginawa ko pero niyakap din naman niya ako. Then I whispered "thank you"
---------------------------------------------------------------------------------
A/N: Lame ba? haha ganun talaga. newbie pa lang si otor eh,, wahahah Sorna~~~Haha Sa dami ng typos inedit ko na, wahahaXD
Anyway highway,, kung may mali ako paki-pm po,,:( i'd really wanted to know..

BINABASA MO ANG
Ang Lablayp ng Bestfriend ko
Teen FictionHe's smart, he's talented, he's rich, a pure-hearted guy, has the looks, every girls dream, in short a complete package. Yan ang bestfriend ko si Mark Kyle Reyes, kaya nga ang swete ko na bestfriend ko siya kahit na nagmumukha akong yaya pag katabi...