Chapter 03

30 1 0
                                    

*Ayah Kaye's POV*

Ang boring talaga dito sa bahay, ang ginawa ko lang maghapon ay umupo sa sofa, matulog at manood ng TV. Eh kung nandito lang sana si Kyle... *sigh* sanay na din kasi akong kasa-kasama yung mokong na yun. Paano ba naman, minu-minuto kaming magkasama. maghihiwalay lang siguro kami pag maliligo o matutulog na kami. 

-

-

-

-

ANG BORING TALAGA!!

"Kung ako sayo, imbes na tumunga-nga ako diyan, magluluto na lang ako ng hapunan!" sigaw ni kuya mula sa kuwarto niya. alam kung ako yang pinaparinggan ng bakulaw na yan.

"Eto na nga oh, tatayo na! HAPPY?" tumayo ako at pumunta ng kusina... *sigh* mahal kong sofa, maghihiwalay na naman tayo TT_TT. Napansin ko naman na lumabas si kuya sa kuwarto niya at sumunod naman sa kusina.

Inilabas ko naman ang lahat ng alam kung ingredients para sa adobo, yun kasi yung paborito kong lutuin eh... na paborito din ni Kyle. Ako ang taga-luto pag wala si mama tulad ngayon, wala din si papa kasi nasa korea siya at nagtra-trabaho sa kompanya doon  ng mga Reyes at si kuya naman wala kang aasahan sa kanya, hari ng mga tamad eh.

"Ayah, diba ngayon yung family gathering ng mga Reyes?" woah! updated ha! 100% sure akong si ate Veedah nagsabi sa kanya. Hmmmm I smell something fishy.. wahahaha

"Yuph, paano mo nalaman kuya? mahuli nga 'tong isdang 'to. Haha

"Wala alam ko lang!" sus, patay malisya pa, halata na nga eh. -_-

"Kuya" nilapit ko yung mukha ko sa kanya siyempre dapat seryoso. "Nililigawan mo ba si ate Veedah?"

Nagulat naman siya sa tanong ko. Haha pawis na pawis na siya oh, yung mukha niya... its priceless!!

Pero di ako tumawa siyempre, ang cute niya kayang kabahan.

"A-a-ano-anong si-sinasabi mo di-diyan h-ha?! Di ko siya type  nuh!" tss, defensive. Lumayo ako sa kanya at umupo sa harap niya.

"Eh ba't ka defensive?"

"I'm just telling the truth!"

"Okay" tinuloy ko yung paghihiwa ng karne "Sabi mo eh."

Di ko nalang itutuloy yung pang ho-hotseat ko sa kanya. Alam ko naman na kahit anong gawin ko di siya aamin.

"Alam mo, hiwa ka nang hiwa diyan, ni hindi mo nga napansin na walang na tayong toyo oh!"

"Ha?! WALA NA? Diba kakabili ng ni mama noong nakaraang araw?" 

"Wala na nga diba! Paulit-ulit ka naman eh! Sige na, bumili ka na, ako nang bahala dito." aba bastosan dre? nang-aagaw ng kutsilyo?

"KUYA!"

"Bibili ka o ihahagis ko sayo tong kutsilyo?" nakuu! nag banta pa!

"Eto na nga oh, bibili na.!" lumabas ako ng kusina at kumuha ng pera sa kuwarto ni kuya, di din naman niya mapapansin eh. Masyado kasi siyang burara, ewan ko lang kung magu-gustuhan yan ni ate Veedah.

"Wag kang mag-iingat ha!" narinig kong sigaw ni kuya, sarap talagang upakan nito, kung hindi ko lang siguro to kapatid, matagal na tong nasa ospital.

 "Wag kang mag-alala kuya, hindi ako mag-iingat!" sigaw ko. Di ko na siya hinintay na sumagot.

Lumabas ako ng bahay at naglakad patungo sa tindahan dun sa kabilang kanto.

*sigh* ano na kaya ang ginagawa ngayon ni panget? Siguro nagpapakasaya ngayon yun! Naiimagine ko na nga yung ayos niya eh, sigurado akong ang gwapo-gwapo niya ngayon.

Ang Lablayp ng Bestfriend koTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon