Dumaan ang maraming araw at gabi ay tungkol sa white lady at holdaper ang mga naririnig ko sa mga kasamahan kong boarders. Naging suki ko na rin si manong traysikel driver.
Kaya naman nagtext ako sa kanya na hintayin ako mamayang gabi sa pag-uwi at nagreply naman ito na hihintayin niya raw ako ng 9pm, dahil sa matatagalan ang uwi ko ngayon bukod sa may program sa school ay may tatapusin pa kaming report ng mga kagrupo ko.
Natapos ang buong umaga ng maayos kahit pagod ang buo kong katawan lalong-lalo na ang paa ko sa pag-akyat baba sa hagdan dahil napag-utosan ako ng teacher namin na si Maam Santos.
Pababa na ako ng jeep at agad kong hinanap ang traysikel ni manong Glen ng wala akong makitang nakaparadang traysikel.
Binuksan ko ang cellphone ko para itext ulit si manong Glen baka nakalimot lang ang matanda nang bigla kong nakita ang isang message na hindi pa nababasa at galing ito kay manong Glen.
Hindi ko tuloy napansin ang text ni manong Glen sa sobrang abala ko kanina.
Humihingi ng despensa ang matanda dahil hindi raw niya ako mahihintay ngayong gabi dahil isinugod nila ngayon-ngayon lang ang misis niya sa hospital.
Nalungkot ako sa nabasa ko sa text.
Kahit natatakot na akong lakarin ang kahabaan ng Lilim Road ay tinibayan ko na lang ang loob ko.
Matagal na rin kasi noong naglakad ako pauwi sa boarding house dahil palagi na kasi akong hinihintay at hinahatid ni manong Glen.
Para mawala ang takot ko ay nag-isip ako ng positibong mga bagay-bagay.
Hindi ko na nga namalayan na papalapit na pala ako sa posteng umiilaw, gaya ng sinabi ko noong napadaan ako pauwi sa puno at posteng umiilaw ay binanggit ko ang
"Tabi-tabi po,makikiraan lang ako!."
Hindi naman nagpatay-sindi ang ilaw kaya inisip ko na magiging maayos ang lahat ng biglang bumungad sa akin ang dalawang lalaki.
Napaisip ako na ito na nga ang mga lalaki na akmang manghoholdap.
Pinalibutan ako ng dalawa panay amoy naman sa buhok ko ang lalaking nasa likurang bahagi ko.
Halos hindi na ako makahinga sa sobrang takot at nanginginig na rin ang buo kong katawan.
May sinasabi ang lalaking nakatayo sa harapan ko pero hindi ko na maintindihan dahil mas malakas pa ang kabog ng dibdib ko dahil sa takot kaya inulit niya muli ang sinabi.
Gusto niyang ilabas ang wallet at cellphone ko at dali-dali ko namang ibinigay ito sa kanila, pero mukhang may gusto pa silang makuha.
Itinutok ng lalaking nasa likuran ko ang dala nitong patalim at umiiyak na ako noong oras na yun.
Nararamdaman ko na gusto nila akong gahasain at sa malamang patayin dahil walang takip ang mga mukha nila at kitang-kita ko ang hitsura ng mga lalaki.
Hinila na ng lalaki ang shoulder bag na dala ko at mukhang huhubaran ako at ang isa naman ay mahigpit ang pagkakahawak sa aking mga kamay para pigilan ang pagpupumiglas ko.
Nang mapansin ko na pumapatay-sindi ang ilaw ng poste at sumisigaw na tumatakbo ang kasamahan ng holdaper.
Mukhang may nakita itong nakakatakot.
Napalingon na rin ang kasamahan ng tumakbong holdaper sa likuran niya at dali-dali itong tumakbo na nagsisisigaw ng white lady.
Halos hindi ko matigil ang mga luhang tumutulo sa aking mga mata hindi na nga ako makaramdam ng takot sa nakita nila.
Nang lingunin ko ang kinatatakutan nila ay nakita ko ang lumulutang na nakaputing babae na papunta sa direksyon ko.
Doon ko lang napagtanto na si Mary ito ang white lady na kanilang sinasabi na nagpapakita.
Tama nga ang sabi nila ibang-iba nga siya sa mga white lady dahil maaaninag mo ang kagandahan nito.
Inayos ko ang damit ko at hinila ang bag papalapit sa akin nangangatog ang mga tuhod ko at ayaw tumayo ng mga paa ko.
Napapikit ako ng makitang isang hakbang na lang ang layo ay malalapitan na niya ako.
Napapikit ako ng ilang segundo ng mapansin ko na dumaan lang ito sa akin at huminto sa dulo ng liwanag na naaninagan ng ilaw. Nakatalikod lang ito sa akin na tila ba nagbabantay na baka bumalik ang dalawang holdaper nang mga oras na yun bumalik na ang lakas ko at nakakaya ng tumayo at lumakad.
Naglakad ako palayo sa lugar habang nakatingin sa likod at nakikita ko pa rin si Mary na nagbabantay na nakatalikod.
Umiiyak ako ng marating ko ang boarding house dahil sa muntik na akong magahas at mas lalo akong napaiyak dahil kung hindi dahil kay Mary sa malamang wala ng Mary Jane Mendoza sa mundo.
Nakarating sa mama ko ang balita ng muntik na akong magahasa kaya naman biglaan siyang napauwi at pinalipat niya ako sa ibang boarding house kahit pa mas mahal ito sa dati kung nirerentahan.
Pero bago kami makalabas ng Lilim Road ay huminto muna kami sa umiilaw na poste kung saan nandun si Mary gusto ko lang sabihin ang hindi ko nasabi noong gabi na yun.
"Salamat !"
Dahil para kay Mary sapat na ang isang biktima.
BINABASA MO ANG
White Lady(Ghost Story)
ÜbernatürlichesHindi natin alam kung bakit sila nagpapakita o sadyang may gusto lang silang ipahiwatig. Ang pahiwatig na ito ay ang mga tanong na gumugulo sa isipan ng mga normal na tao na minsan ng nakakita sa kanila. Gusto lang ba nila tayong takutin? o gusto la...