White Lady(Ghost Story)

1.3K 31 2
                                    

Maraming tao ang natatakot pumunta sa Lilim Road lalo na sa pagsapit ng gabi.
Malimit na rin pumapasada ang mga traysikel driver sa nasabing lugar.
Ang mga taxi driver naman ay natatakot pumasok sa Lilim Road,
may ilan lang na napapapunta sa lugar lalo na yung baguhan at hindi alam ang nakakatakot na istorya ng Lilim Road.
Kapag kumakagat na ang dilim ang mga taong malapit na naninirahan at napapadaan dito ay umuuwi na ng 5pm bago pa lumubog ang araw.
Kumakalat kasi ang balibalita tungkol sa isang nagpapakitang white lady.
Marami na rin ang saksi sa pagpapakita ng white lady.
Kahit sinong mapadaan ay mangingilabot sa lugar dahil sa nag-iisa lang ang posteng umiilaw dito.
Ang pinagtataka ng barangay captain sa lugar kung bakit palaging napupunde ang mga ilaw sa poste, ilang beses na nila itong pinapalitan pero ganun pa rin dahil isang gabi lang ang lilipas ay mapupunde na ang bagong pinalitan na bumbilya sa poste.
Ang pinagtataka nila kung bakit ang tanging hindi na pupunde ay ang poste kung saan ang sinasabi nila na nagpapakita ang white lady.
Dahil sa kasikatan ng lugar tungkol sa kababalaghan ay minsan na rin itong natampok sa telebisyon.
Napasali ito sa isang special episode para sa pagpapalabas ng katatakutan para sa araw ng mga patay.
May pumunta pa ngang psychic sa lugar para kausapin ang naturang nagpapakitang white lady pero sabi ng psychic mukhang ayaw magpakita nito, dahil sa maraming tao, dagdag pa niya na nararamdaman niya ang awra ng white lady. Sabi rin ng psychic na ayaw magpakita ng white lady kasi raw nakapalibot kasi sa lugar ang mga staff and crew ng programa na nagcoverage.
Dumagdag din ang mga taong nakikiusyuso at kasali na ako doon.
Galing akong sa school at pauwi na.
Hindi ko naman nakita ang mga sinasabi nila white lady siguro nga hindi ko lang talaga natyempuhan.
Nagrerenta lang ako sa isang boarding house at bago ko ito marating ay kailangan ko muna dumaan sa Lilim Road.
Ako si Mary Jane Mendoza at isa akong nursing student at nagtatrabaho abroad ang mama ko para masuportahan ang pag-aaral ko.
Wala na akong nakagisnang ama dahil maagang namatay ang papa ko, inatake ito sa puso noong 7 years old palang ako.
Sinabihan na ako ni manang Julie, ang may-ari ng nirerentahan ko na maagang umuwi para hindi ko raw makita si Mary noong una nagtaka ako kung sino si Mary.
Ipinaliwanag ni manang Julie ang lahat sa akin Mary pala ang pangalan ng white lady na nagpapakita sa Lilim Road at ang nakakatawa kapangalan ko pa. Binansagan nila itong Mary dahil sa magandang hitsura nito na malabirhen raw.
Natatawa na lang ako sa sinasabi ni manang Julie dahil sa pagkakaalam ko tungkol sa white lady ay hindi mo naman talaga maaninagan ang hitsura nito, maliban sa mata dahil puro puti lang ang makikita mo base sa mga nababalitaan ko sa mga kaklase ko na nakakita rin ng white lady.
Balita rin kasi sa school namin na may gumagalang white lady sa campus.
Siguro mga kapwa estudyante lang yung nakikita nila at inakalang white lady dahil puti rin naman ang uniform ng mga nursing students.
Siguro nga hindi lang talaga ako madaling maniwala sa mga sabi-sabi ng ibang tao tungkol sa mga kababalaghan na iyan ika nga to see is to believe, siguro maniniwala lang ako kapag nakakita na ako ng white lady.

White Lady(Ghost Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon