8pm na nang gabi at pauwi na ako sa nirerentahan ko.
Napasarap ang usapan namin ng mga kaklase ko kanina sa school hindi ko na namalayan na 8pm na pala.
Pababa na ako ng jeep at sasakay pa ng traysikel para marating ko ang boarding house kung saan ako rumirenta.
Ilang minuto akong naghintay at naiinip na ng maalala ko ang sinabi ni manang Julie na tumitigil pasada ang mga traysikel driver kapag lumampas na ng 6pm.
May nakita akong papasada kaso halos siksikan na ang tao sa traysikel, kaya nagpasya na lang akong lakarin ang papunta sa boarding house.
Tanging ilaw lang ng cellphone ko ang gumagabay sa madilim na kalsada.
Ilang minuto pa sa paglalakad ay naaninagan ko na ang nag-iisang posteng umiilaw.
Nadaanan pa nga ako ng traysikel na punong-puno kanina kaya biglang lumiwanag ang daan pero ng marating na nito ang posteng umiilaw ay pinaharurot ng driver ang traysikel palayo sa poste.
Wala naman akong naramdamang kakaiba noong gabi na yun,pero ng papalapit na ako kung saan nakatirik ang poste ay biglang nagpatay sindi ito.
Kaya naman expected ko na noong gabi na yun na magpapakita sa akin si Mary, kaya tuloy napabigkas ako ng
"Tabi-tabi po, dadaan lang ako."
Biglang tumigil ang pagpatay-sindi ng ilaw kaya naman nakahinga ako ng maluwag lalo na ng marating ko ang boarding house.
Napaisip tuloy ako habang nakahiga kung bakit hindi nagpakita si Mary sa akin.
Siguro mapapakiusapan rin naman pala ang white lady.
Hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako sa pag-iisip tungkol sa nangyari.
Nagising na lang ako ng tumutunog ang alarm clock ko pahiwatig na ito na dapat bumangon na dahil may pasok sa school.
Naghihintay ako ng traysikel ng marinig ko na naman ang tsismis tungkol sa white lady.
Araw-araw na lang ito ang naririnig ko sa katsismisan ni manang Julie.
Tinawag pa ako ni manang Julie para makisali pero tumanggi ako sinabi ko na lang na mahuhuli ako sa klase.
Pinagmamayabang pa ni manang Julie ang pag-uwi ko kagabi habang nilalakad ang kahabaan ng Lilim Road, kaya nga tinatanong niya kung nakita ko na raw ba ang white lady.
Sinagot ko na lang na "wala" kasi wala naman talaga akong white lady na nakita.
Naputol ang usapan namin ng dumating na ang traysikel kaya nauna na akong sumakay bago pa mapuno.
BINABASA MO ANG
White Lady(Ghost Story)
ParanormalHindi natin alam kung bakit sila nagpapakita o sadyang may gusto lang silang ipahiwatig. Ang pahiwatig na ito ay ang mga tanong na gumugulo sa isipan ng mga normal na tao na minsan ng nakakita sa kanila. Gusto lang ba nila tayong takutin? o gusto la...