CHAPTER 39

2.1K 61 12
                                    

AEZEL POINT OF VIEW

nag libot libot kami sa buong ocean park at syempre patago ko syang pinipicturan ang ganda nya kase at ang cute nya eh kaya pinipicturan ko sya atchaka magagamit ko din to sa sekretong plano ko

"Nag enjoy ka ba?" ang tanong ko sakanya nandito kami ngayon nag lalakad papunta sa may last na ano dito sa ocean park yung dancing fountain

"Oo naman" ang ngiti nyang sabi sakin kaya napangiti ako

"Buti naman at nag enjoy ka" ang sabi ko

"syempre kasama kita eh" ang sabi nya sakin kaya mas lalo akong napangiti

After namin manood ay nag lakad na kami palabas ng ocean park

"Saan mo gusto kumain ng lunch?" ang tanong ko

"Hmm Kahit saan basta wag lng sa mahal ah?" ang sabi nya sakinn

"Sa japanede Resto gusto mo?" ang tanong ko sakanya

"mahal ba don? kung oo wag don" ang sabi ni Eunice napangisi naman ako grabe ang tipid nyang tao

"Hmm Hindi naman may alam akong hindi sya masyadong mahal"ang sabi ko

" Hmm sigee don nalang"ang sabi nya

"Pwedi ba dumaan tayo muna sa clinic kung saan nag tatrabaho kapatid ko? Dahil may kailangan akong ihatid eh" ang sabi ko

"sure" ang ngiti nyang sabi sabay tumango ako and ngumiti sakanya

Pagdating namin sa clinic ni Mei ay pumasok na kami agad

"Oh hello miss Aezel" ang bati saking ng kasamahan ni Mei

"Hello din" ang sabi ko sabay tumango sya at lumapit na ako agad kay Mei kasama si Eunice

"Oh hello Ate at ate Eunice" ang bati ni Mei sabay tumingin si Mei kay Eunice

"Hello" ang bati ni eunice

"Mukhang kakagaling nyo lng sa lakad ah?" ang sabi ni mei sabay ngumisi sakin

"Yeah may binigay si mom na Ticket sa ocean park dalawa kaya dinala ko don si Eunice" ang sagot ko

"nays nanliligaw kana talaga ate noh?" ang ngising pang aasar ni Eunice natawa naman si Eunice  at ako naman nahiya

"Anyways oh pinapabigay ni mom sayo" ang sabi ko sabay inabot ko yung folder

"Moew" ang rinig kong sabi ng isang pusa samin kaya napatingin ako kung saan yun galing at nakita ko yung pusa na nag papalambing sa paa ni Eunice

"Hala ang cute" ang sabi ni eunice sabay hinawakan nya yun at binuhat kuting palang yung pusa at ang cute  kulay Grey
at nilambing lambing nya yun

"mahilig pala sa pusa si ate eunice so alam mo na ate ah?" ang ngising bulong sakin ni Mei habang nakatingin kami parehas kay eunice

"Yan yung pusang yan binebenta ba yan?" ang tanong ko

"Yeah ate bakit bibilhin mo?" ang tanong ni Mei

"yeah but not now" ang sagot ko

"So kailangan ko na palang iserve yan para sayo ate" ang sabi ni Mei

"Dapat lng" ang ngisi kong sabi at natahimik naman kami ni mei habang nakatingin kay Eunice nakikipag lambingan sa pusa

Tumingin naman ako kay mei at nakita napabuntong hininga sya

"nasabi sakin ni mommy at mom na kakahiwalay nyo lng ng girlfriend mo?" ang sabi ko at napatingin sakin si mei

"Oo ate eh" ang malungkot na sabi ni mei

"Anong nangyari?" ang tanong ko

"She didn't love me anymore may nahanap syang mas better sakin mas masakit dahil sa lalake nya nahanap yun" ang sabi ni Mei nakita ko naman yung pain sa boses nya ganon talaga masakit yun yung malaman mo yung girlfriend mo sa lalake padin talaga mapupunta

"Ate ginawa ko naman lahat" ang naiiyak na sabi ni mei kaagad ko naman sya hinaplos sa likod dahil umiiyak sya hindi ako sanay na makita ganito kapatid ko Masayahin to pero ngayon broken talaga sya

"Shhh.. it's fine may mahahanap ka pang mas better sakanya ok? malay mo natraffic lng yung kaya wag kana malungkot dyan ok? Ngayon lng yan sooner wala nadin yan" ang sabi ko pinunasan naman nya agad yung luha at ngumiti ng pilit sakin

"Sige na wag kana umiyak ok? Tignan mo oh hindi sanay yung mga kasama mo dito na umiiyak ka" ang sabi ko sabay tumingin ako sa mga nakatingin samin pati nga si Eunice nakatingin samin pero buhat nya padin yung pusa

"I'm sorry" ang sabi ni Mei sabay pinunasan nya yung luha nya na patuloy tumutulo niyakap naman ako agad ng kapatid ko at umiyak sa balikat ko kaya niyakap ko nalang din sya

Kahit cold akong tao dati kaya ko syang icomfort pag talaga may problema sya na hindi nya masabi kala mom sakin nya sinasabi at nilalabas

"Anong nangyari kay mei?" ang tanong ni Eunice habang nag bibyahe kami papunta sa may Japanese resto na kakainan namin

"nag break sila ng girlfriend dahil mas nahanap yung girl ng mas better sakanya at lalake pa" ang sabi ko

"Awts masakit nga yun nakipaghiwalay dahil lng sa lalake sana maging ok din sya mas marami naman pwedi sakanya eh" ang sabi ni Eunice

"Yes and malay mo na traffic lng diba? i know sooner or later magiging ok din yan si Mei" ang sabi ko

"Mukhang masiyahin kapatid mo iba sa ugali mo" ang sabi ni eunice napangisi naman ako

"Oo masayahin yun" ang sabi ko

"Atchaka feeling ko first time ng mga kasamahan nya don na makita syang ganon" ang sabi ni eunice

"Oo hindi naman sya nakikita na ganon eh lagi yun tumatawa at pala asar yun" ang sabi ko

"Kanina nakita ko yung pain na dinadala nya nung umiiyak sya sa balikat mo eh" ang sabi ni eunice napabuntong hininga naman ako sana maging ok na yun si Mei

Pagdating namin sa isang restuarant ay may bumati samin na crew

"こんばんは(Good evening)" ang bati samin ng crew sabay tumango naman ako at nilead nya kami ni eunice sa may isang table at kaagad may lumapit na waiter at nag bigay ng menu samin

Namili naman ako ng kakainin ko at napatingin ako nang bigla akong kalabitin ni Eunice

"Anong masarap dito? Pasensya na wala akong alam kahit may lahi kami na japanese hindi pa ako nakakatikim nito" ang sabi ni eunice napangiti naman ako

"Etong sushi, Tempura, Yakitori, ramen yan masasarap yan favorite ko yang mga yan" ang sabi ko

"Hmm yun nalang kaya sakin yung Yakitori at Ramen" ang sabi nya

"Sigee Pwedi naman pero oorderin ko lajat ng sinabi ko para matikman mo din" ang sabi ko sakanya

"Oy wag na sabi ko sayo wag masyadong gagastos para sakin diba?" ang sabi nya

"Nope gusto ko matikman mo yun ok?" ang sabi ko sabay binigay ko na yung order namin sa waiter

Ilang minuto dumating na yung pagkain namin

"Itadakimasu" ang sabi ko bago kami kumain ni eunice

-------------------------
THANKS FOR READING

ONCEPH

Clayton Series #6:ChemistryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon