EUNICE POINT OF VIEW
"eunice" ang tawag sakin ni Aaron kaya napatingin ako sakanya
"Gusto ka daw makausap ni tito" ang sabi ni Aaron nag taka naman ako pero kinuha ko ung phone nya at inilagay sa tenga ko
"Hello pa?" ang sabi ko
"Pumunta ka dito ngayon Eunice kakausapin kita pumunta kayo dito ni Aaron" ang seryosong sabi ni papa kaya napatingin ako kay Aaron na parang may ginawa sya kaya kakausapin ako ni papa ngayon
"B-bakit po?" ang tanong ko
"Pumunta kayo dito ngayon na!" ang biglang sigaw ni papa kaya nagulat ako kase galit sya? shet baka nag sumbong si Aaron fvck
"A-ahmm ok po" ang nauutal kong sabi sabay binaba na yung tawag
"Nag sumbong ka?" ang seryoso kong tanong kay Aaron kaya tumingin sya sakin
"Oo.. at eto pinakita ko kay tito" ang sabi ni Aaron sabay kinuha nya phone at pinakita yung picture namin ni Aezel na nag kiss kaming dalawa sa lips
"Bakit ka nag sumbong?" ang seryoso kong tanong
"Kase mali yung ginagawa nyo mali yan sa mata ng diyos kaya nag sumbong ako" ang sabi ni Aaron napakunot ako ng noo
"ganyan naman kase kayo eh puro kayo mali yan sa mata ng diyos alam namin pero hindi mo naman mapipigilan yung pag mamahal diba? bakit hindi mo nalang hayaan na maging masaya kami" ang sabi ko sakanya
"Eunice gusto kita mahal kita kaya ako nag sumbong kase gusto ko mapasakin ka may tiwala sakin si Tito at nasa trabaho ko nadin ang bantayan ka dahil gusto ko mapasakin ka Eunice gusto ko sakin kalang simula bata pa tayo gusto kita kaya ako nag sumbong dahil nasaktan ako at magiging akin kana kung mag hihiwalay kayo non" ang sabi ni aaran hindi ko naman napigilan sarili ko at sinapal ko sya ng malakas
"Tandaan mo Aaron hindi ako magiging sayo kahit ginawa mo to mahal ko si Aezel at sya lng mamahalin ko pasensya na kung sinaktan kita pero sya tong nandito sa puso ko wala nang iba" ang sabi ko sabay tumayo at pumasok sa kwarto hindi ko naman mapigilan mapaiyak eto na nga ba sinasabi ko eh malalaman at malalaman din ni papa I'm sure pag lalayuin nya kami ni Aezel
*TING!*
napatingin ako sa phone ko at nakita ko text ni elise
FROM:my sister
Ate nalaman na daw ni papa yung tungkol sainyo ni Ate aezel pinapauwi ka nya sa bahay
Napaiyak naman ako lalo dahil don
FROM:my sister
Ate uuwi nadin ako satin para aminin din kala papa yung samin ni mei ate hindi ka mag iisa ok? Kausapin mo muna si Ate Aezel kase nag aalala yun dahil nasabi ko sakanya na alam na ni papa yung relasyon nyo
Kaagad ko naman tinawagan si Aezel at buti agad syang sumagot
"Hello love? are you ok?" ang rinig kong mala anghel na boses ni aezel kaya lalo akong naiyak at hinawakan ko ng mahigpit phone ko
"Love... anong gagawin ko.." ang naiiyak na sabi ko
"Love shh.. wag kana umiyak please? Gusto mo ba pumunta din ako sainyo? gusto ko ipaglaban ka sa parents mo" ang sabi ni aezel
"Wag aezel.. please wag kilala ko si papa baka masaktan ka nya" ang sabi ko nanakit si papa pag galit kaya ayaw kong masaktan sya
"No love wala akong pake kung masaktan ako ng papa mo baka ikaw masaktan nya ok lng sakin kung ako masaktan wag lng ikaw" ang sabi ni aezel sakin
"hindi pwedi love hayaan mo kong ako lumutas nito please.. ayaw kong madamay ka" ang naiiyak kong sabi
"Pero.." ang sabi ni aezel
"Basta love tandaan mo ah? mahal na mahal kita ok? Ikaw lng mamahalin ko alam kong may gagawin si papa para mag hiwalay tayo tandaan mo Aezel mahal na mahal kita ok? ikaw lng mamahalin ko habang buhay i love you so much.." ang sabi ko sakanya
"Love!" ang sabi ni Aezel pero pinatay ko agad yung tawag at umiyak lalo
pagdating ko sa bahay ay sumalubong sakin pag pasok ko si papa at sinapal ako ng malakas kaya napahawak ako sa pisnge ko
"Alam mong ayaw ko sa mga ganyan eunice! ayaw ko pumapatol ka sa kapwa mo babae! hindi ka ba nahihiya ah?! Mali yan sa mata ng diyos! pero ginawa mo padin!" ang sabi ni papa
"Jun" ang pag pipigil ni mama kay papa habang ako pinipilit na wag umiyak
"Ayaw ko sa mga ganyan! eunice ano ba! ano bang ginagawa mo ah! maling landas yang tinatahak mo!" ang sigaw na sabi ni papa at nanatili akong tahimik
"Ano ba! eunice! sumagot ka!" ang sigaw ni papa
"Masama ba mag mahal ng totoo pa?" ang tanong ko sakanya at tumulo na luha ko
"Anong pag mamahal yan Eunice?! Ginayuma ka ba?! mali yang minamahal mong tao kase babae din sya" ang sabi ni papa
"Hindi nyo kase naiintindihan! mahal ko si aezel" ang sabi ko sabay bigla akong sinapal ulit
"Hiwalayan mo yan!" ang sabi ni papa
"Ayaw ko pa" ang sagot ko habang umiiyak
"sinabi nang hiwalayan mo yan!" ang galit na sabi ni papa at pinipigilan na sya napaluhod naman ako
"Pa ayaw kong hiwalayan si Aezel mahal ko sya.." ang iyak kong sabi
"mali yan Eunice mali! tandaan mo yan!" ang sabi ni papa sabay sinapal ulit ako sa feeling ko namumula na yung pisnge ko eh at ang sakit manampal ni papa
"Pa.. hindi lng din si ate yung ganyan dito" ang sabi bigla ni Elise kaya napatingin kami sakanya na kakadating
"Pati ikaw?" ang galit na sabi ni papa
"Oo pa.." ang sabi ni elise sabay sinapal din sya ni papa kaya agad ko pinigilan si papa
"Pa!" ang saway ko
"Bakit?! bakit?! bakit kayo ganyan?! " ang galit na sabi ni papa niyakap ko naman si Elise at nag iiyakan kami
"Pa nag mamahal lng naman kami ah!" ang sagot ni elise
"Mahal? mali yan! mali! bukas na bukas aalis kayo dito don kayo sa probinsya" ang sabi ni papa napatingin kami kay papa
"pa" ang sabi ni elise
"Bukas na bukas susunduin kayo ng tito nyo dito at yung retirement nyo tita nyo na mag aasikaso don na kayong lahat sa probinsya" ang sabi ni papa
"Pa naman!" ang sabi namin ni elise
"Yun na sinabi ko don na kayo sa probinsya kayong lahat at ako na kakayud dito mag isa" ang sabi ni papa
"Pa naman!" ang sabi ni Elise
"Wala amina mga cellphone nyo!" ang sabi ni papa
"Pero pa" ang sabi ni elise kinuha naman agad ni papa yung phone namin
"Eto nakikita nyo to? Ipapatago ko to sa mama nyo hindi nyo magagamit to gagamit kayo ng ibang cellphone sa probinsya hindi to." ang sabi ni papa
----------------------
THANKS FOR READINGONCEPH
BINABASA MO ANG
Clayton Series #6:Chemistry
RomanceWhat if mahulog ka sa doctor na malamig ang pakikitungo? the worst is minsan kiniinisan mo? what if yung family mo ayaw kang mapunta sa babae dahil babae kadin? I'm Aezel Clarence Clayton The daughter of Austin Blue Clayton and Max Claire Clayton d...