CHAPTER 8

2.5K 81 14
                                    

AEZEL POINT OF VIEW

"Ayaw mo bang mag dinner kasama kami aezel?" ang tanong ni Justine habang palabas palang kami ng hospital

"Ayaw ko" ang sabi ko

"Bakit naman?" ang tanong ni Justine

"Gusto ko mag pahinga" ang sabi ko

"Ehh? hindi ka mag dinner?" ang tanon ni Justine

"Kaya ko sarili ko mag dinner mag isa" ang sagot ko sabay nag una na ako mag lakad simula yung nangyari kanina sa cr nawalan ako ng gana mas lalo akong naging cold sa mga tao hindi naman ako ganito dati eh dahil lng talaga sakanya bakit ako ganito

Sumakay naman ako agad ng sasakyan at umalis na pagdating ko sa condo unit ko ay agad ako nag palit ng damit at dumiretso ng kusina sabay nag luto at kumain ganito naman laging routine ko pag kakauwi ko

Pagkatapos ko kumain ay hinugasan ko yung kinainan ko at nag halfbath muna ako bago ako humilata sa higaan pero syempre bago ako matulog nag babasa muna ako ng libro yun yung paraan ko para maantok agad 

"Bumangon ka dyan" ang biglang salita ng kung sino man yun kaya dahan dahan akong nagising and nakita ko si mom

"Mom?" ang sabi ko

"Oo at bumangon kana dyan" ang sabi ni mom napakunot naman ako ng noo

"Ano ginagawa mo dito mom?" ang tanong ko

"Pinapapunta ako dito ng mommy mo" ang sabi ni mom

"Bakit?" ang tanong ko habang nag uunat

"Dinala yung mga grocery para sa stuck mo dito wala kana ngang stuck eh bakit hindi ka nag gogrocery?" ang tanong ni mom

"Wala akong time mom" ang sagot ko sabay tumayo ako

"Anyways sabi ng mommy mo na mag lulunch out daw tayo mamaya sa breaktime nyo" ang sabi ni mom kaya tumango ako sabay naglakad ako papunta sa cr

"Nag usap na daw kayo ni Kim?" ang biglang sabi ni mom kaya napatigil ako sa paglalakad sabay tumingin ako kay mom na seryoso nakatingin sakin

"hindi naman importante pinag usapan namin" ang sagot ko sabay nag lakad ako papasok ng cr

"Goodmorning doc Aezel" ang bati nila sakin kaya tumango ako and pinag patuloy ang paglalakad papunta sa elevator at pinindot ko na kung saan floor ako pupunta

*TING!*

nakita ko naman na bumukas yung elevator sa 3rd floor kaya tumingin ako kung sino yun

"Good morning" ang malamig na sabi ni kim

"Morning" ang sagot ko lng sabay pumasok sya sa loob ng elevator at tahimik lng kami dito sa loob ng elevator ni isa walang nag salita

pagdating sa floor kung saan ako baba ay bumukas na eto at akmang mag lalakad ako nang biglang hawakan ni kim kamay ko kaya napatingin ako sakanya

sabay bigla nya akong hinila papasok pinindot nya yung pag sara ng elevator  and bigla akong hinalikan sa labi nagulat naman ako sa ginawa nya kaya hindi ako nakareact agad

Ilang minuto nag dikit yung labi naming dalawa at agad naman syang humiwalay at nag katitigan kaming dalawa

*TING!*

"I didn't mean to hurt you..Aezel" ang sabi nya sabay umalis na sya habang ako dito inaabsorb padin yung nangyari? ang bilis ng pangyayari eh

"Ok kalang ba Aezel?" ang tanong ni Justine sakin nandito sya ngayon sa office ko

"Bakit?" ang tanong ko

"Dahil parang ang lalim ng iniisip mo? diba gabby?" ang tanong ni Justine

"Malay ko ikaw lng naman nakakapansin nyan" ang sabi ni gabby habang prenteng nakaupo sa may sofa dito wala kaseng masyadong pasyente ngayon

"Wala" ang sagot ko hanggang ngayon hindi ko padin makalimutan yung ginawa ni  Kim sakin hindi ko alam kung ano bang irereact ko malay ko  ewan ang bilis kase ng ginawa nya eh

"Ok kalang?" ang tanong nya sakin

"Oo" ang sagot ko

"Sure ka ba?" ang tanong ni Justine sakin

"Oo bakit ba?" ang tanong ko

"Wala lng parang kaseng hindi eh" ang sabi ni Justine kaya napailing nalang ako

"Doc kailangan po kayo sa Emergency room may mga bagong dating po" ang sabi ng isang nurse mula sa labas kaya kinuha ko agad yung stethoscope ko at inilagay ko sa balikat ko

"Kailangan na tayo kaya tara na" ang sabi ko sa dalawa sabay nag lakad na ako palabas

pagdating ko sa emergency room ay marami nang kakadating na mga pasyente

"Doc Aezel" ang biglang sabi sakin ni Eunice kaya napatingin ako sakanya at sumenyas sya na pumunta kami sa isang pasyente kaya tumango ako and sumunod sakanya

Pagdating namin sa isang pasyente ay nakita ko agad kalagayan nya

"Arayy!! yung paa ko!" ang sigaw ng isang pasyente at nakita ko na napilay yung paa nya may mga sugat sya

"Anong nangyari dito?" ang tanong ko

"Doc naaksidente sya ng motor" ang sabi ng isang nurse sabay tumingin ako sakanya na umiiyak babae sya inasikaso ko naman sya agad at kasama ko sa pag aasikaso si Eunice sya katulong ko eh magaling naman sya kasama dahil nakasama ko na yan nung college kami naging mag kagroupo kami at alam ko yung finufucos nya yung responsiblidad ng nakararami at kung anong tama at kung saan sya makakatulong kaya maganda kasama si Eunice sa ganitong sitwasyon

Agad ko naman inutos sa ibang nurse na ipunta sya sa may x-ray room para makita ko kung anong nangyari sa paa nya

Nakita ko naman sa x-ray ng paa nya na nipilay talaga sya sa nangyari sakanya dahil siguro sa aksidente

"Pwedi pa yan mabalik" ang biglang salita ng ni kim kaya napatingin ako sakanya na nakasandal sa may pader

"Bakit ka nandito?" ang tanong ko sabay bumalik sa ng tingin sa may x-ray ng pasyente ko

"Wala lng? gusto lng kita makita" ang sabi nya sakin

"Alam mo kaisa sayangin mo oras mo na wala ka naman ginagawa dito tumulong ka nalang sa mga pasyente mo" ang sagot ko

"Bakit ayaw mo ba ako makita Aezel?"ang tanong nya sabay tumingin ako sakanya

" Tingin mo?"ang sagot ko

"bakit aezel?" ang ngisi nyang tanong sabay tumayo ako

"Dahil ayaw ko" ang sagot ko sabay nag lakad paalis

Ano? pagkatapos nya ako saktan babalik sya sakin? what the heck? tsk hindi ko makakalimutan yung ginawa nya sakin

"Doc" ang biglang tawag sakin ni eunice kaya napatingin ako sakanya sabay lumapit sya sakin

"para sayo" ang ngiti nyang sabi sakin sabay inabot yung isang Energy drink

---------------------
THANKS FOR READIN
ONCEPH

Clayton Series #6:ChemistryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon