>3< Random day

24 2 2
                                    

Allison

Napatigil ako sa paghabol kay Jasper nang biglang nanikip ang dibdib ko.

Socks!

Hindi pwede to!

Ngayon na nandito ang mga kabarkada ni kuya?

uhh, bahala na, kung mag-ko-collapse man ako okay lang. Nasa kusina naman ako eh, Nasa sala sila.

Kahit na hirap ako sa paghinga ay pinilit ko pa ding kumuha ng baso sa may taas na part ng cabinet.

Kung bakit naman kasi nasa taas to eh! Di naman ako ganung katangkaran.

Nang makainom ako ng tubig ay bigla kong nabitawan ang baso , dahilan upang mabasag ito.

Dean

Nagulat nalang kaming lahat nang may marinig kaming basag na baso.

"Naku talaga! Lagot kami kina mama nito! nakabasag nanaman yung dalawa!"

Pupunta na sana kami sa mag kusina ng pumasok si Jasper sa pintuan galing labas.

"Kuya, nasan si ate?"

"Aba ewan ko sayo, hindi ba't nag hahabulan kayo kanina?"

"Oo nga eh, pagtingin ko bigla sa likod ko, wala nang nasunod sakin."

"Ehh kung ganon, sino yung nasa kusina?" Biglang tanong ni Renz, isa sa team mates namin.

"Shit." Biglang sabi ni Chris. Bakas sa mukha nya ang pagaalala.

Bigla silang nagkatinginang magkapatid at bigla nalang, sabay silang pumunta sa kusina. Sinundan namin sila.

Lumabas si Chris dala dala ang walang malay na kapatid.

...

Allison

"Ate sorry na talaga, promise, di ko na uulitin... Sorry talaga ate, mahal na mahal kitaaaaa."

Ang sweet na sana ng kapatid kong to, kaso ang kulit ehh! ang sarap umbagin back and forth!

Well, nagising kasi ako, na ansakit ng dibdib ko ay di ako makahinga.. Kaya pinainom agad ako ng gamot nila kuya.. Nawalan nga kasi ako ng malay kanina sa may kusina kasi inatake nanaman ako ng pesteng asthma na ito.

Inborn ang sakit kong to.

Bawal sakin ang mapagod ng bonggang bonga, bawal din ako mabusog ng sobra kaya medyo may kapayatan ako.

Pero dahil ako ay dakilang matigas ang ulo, heto, naging OA si Jasper dahil sinisisi nya ang sarili nya.

"Sabing di nga ako galit eh! At kung di ka titigil sa kaartehan mo, promise, ako mismo ang uupak sayo!"

Peste tong batang to ohh,

"Hayaan mo na Alli, nag alala sayo yan ehh. Kaya aral sa inyo yan ahh? Wag kayo masyadong maharot ag may kalalagyan kayo."

"Wow Chris, may opinyon ka pala ahh?" Nakangisi kong tanong sa kanya. Sorry, ahh, di ako sanay tawagin syang kuya ehh, Dalawang taon lang naman ang agwat naming dalawa.

"Sige na, tara na Jasper. Pagpahingahin mo muna ate mo. May practice pa tayo." utos sa kanya ni Chris..

"Mabuti naman at naisipan nyo yan. Bala sige! Lumabas kayong lahat! Isama nyo mga panget nyong team mates! Biglang bumaho ang kwarto ko ehh!"

Oh yes, nandito lahat sila pati na din yung kupal na Dean na yon.

Lumabas na lahat sila habang itong unggoy na to ehh naiwang nakasandal sa pader malapit sa pinto.

"Oh? Ano pa tinatanga-tanga mo dyan? Di ka pa lalabas?" maangas na tanong ko sa kanya.

"Come to think of it, kapatid ka ng dalawa sa hottest guys ng school? Ang isang nerd na tulad mo?" Inirapan ko nalang sya at umayos ng pagkakahiga.

Tinignan mo ulit sya at nakit kong nandun pa din sya sa pwesto nya kanina. Kumuha ako ng unan at binato ko sa mukha nya..

SAPOL!

Pinulot nya ang unan at binato sa may kama.

"Oo na, lalabas na nga ehh,"

" Maramjng salamat at naisipan mo ding lumayas." Sweet kong sabi sa kanya.

     Hayyy, Salamat at lumayas na din sya!

Nakahinga din ako ng maluwag!

Ewan ko ba sa sarili ko kung bakit sa tuwing malapit sya saakin ay di ako mapakale.

#ChatHateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon