>2< true identity

44 3 4
                                    

Allison's POV

Nandito ako ngayon sa isang sulok ng classroom namin habang nag-gugupit ng mga nilettering ng classmate ko para sa design ng gym school. Foundation day na kasi sa monday and friday na ngayon kaya naman medyo nagmamadali kami dahil onting araw na lang ang preparations. Halos lahat ng tao sa school, mapa staffs or students ay mga busy kaya naman masaya ako dahil walang klase!

Ang varsities naman ay di rin magkanda-ugaga sa pagpapractice dahil finals na din kaya nga minsan ang dalawang tukmol kong kapatid ay diretso higa na sa kwarto nila at di na nila ako nabubuwisit.

"bessie ko! bessie ko! punta tayo sa gym nood tayo kina Dean! nagpapractice sila!" biglang sigaw ni Justine.

"Eh ano ngayon? game na ba nila? saka nalang ako manonood kapag game na! practice palang naman eh!"

"Ayaw mo ba mapanood ang mga kapatid mo?"

"Ayoko nga!"

"okay *pout* Lord, sana po madisgrasya sina kuy--"

"Sabi ko nga tara na ehh! ambagal mo bakla!"

bwisit to!

ginamit pa talaga mga kapatid ko para lang mapapayag ako!

palibhasa kasi alam na alam niya na kahit ganun ako kina kuya ehh mahal ko pa din sila.

.............

Sa wakas! Nakauwi na din ako! Nakakapagod talaga umupo sa gym ng maghapon at marindi sa kakatili ng bessie ko kasama ang mga fangirls nung team! Grabe! Kung sila lang talaga ang alarm clock ko ehh isa isa ko na silang pinagbabato! Kaimbyerna!

Kasalukuyan akong nandito sa kwarto ko at nagsa sound trip habang nagbabasa ng libro. Usual hobby.

Nagulat nalang ako nang may humila sa earphones ko at hinulbat ang libro ko.

Pagtingin ko kung sinong lapastangang pangit ang lumapastangan sa aking gamit ay nagulat ako. Bakit ang aga nila umuwi?

"Hi ate!" napakunot naman ako ng noo dahil iba yung ngiti niya. Nakakakilabot. Ansarap tanggain ng ipin.

"Problema mo? Saka bakit ang aga niyo? Dibat may practice pa kayo?"

"Problema? wala naman. Maaga kami kasi dito kami magpa practice."

FYI guys, may basketball court po kami sa likod bahay.

"Dito? so nandito team mates niyo?"

at nandito si Maximo?

"oo"

NO!

nagulag nalang ako ng bigla syang tumakbo palabas ng kwarto dala dala ang libro ko.

Dali dali naman akong humabol sa kanya. Bwisit tong lalaking toh!

Pagkalabas na pagkalabas ko ay napahinto din naman ako kaagad nang nakita ko siya kasama yung buo nilang team. Oh shit. Maximo.

Ahh bahala na! Si Jasper muna huhulihin ko! Lagot ka saking bubwit ka!

Dean Maximo's POV

Nagulat ako nung bigla nalang kumakaripas ng takbo si Jasper papalapit samin na tawa ng tawa.

"Anyare sayo? saya mo ah?" Tanong nung kuya niyang si Cris

"Sharr naman dyan!" sabi ko naman

"Guys, please be ready to meet our sister.."

Sister? May kapatid silang babae? Weh?

at sakto namang nakita naman sa may hagdan ang babaeng naka loose sweater at shorts na may salamin na nakapony ang buhok na may hawak na bunny sleepers.

Allison?

"Jasper Dimitri Cortez! Humanda ka saking bugwit ka!!!"

Dun namin pinanuod silang dalawang magtakbuhan.

Wait. Teka nga! Si Allison? Kapatid ang dalawang Cortez? Weh?

#ChatHateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon