Part 37

968 66 6
                                    

Gale constantly blinked. "Ipokrita 'ko kung ide-deny ko. Of course I like it!" Muli siyang yumakap dito. Sa mga oras na 'yon, daig pa niya ang tumama sa lotto. "M-mahal kita, Shin! Matagal na."

"Yeah. I suspected that you had a thing on me." Hinimas nito ang kanyang buhok. "Though hindi ako sigurado. Buong buhay ko ngayon lang ako nag-isip na baka mali ako. At sobrang ninenerbiyos ako ngayon, Triangle."

"H-ha?" Nagtatakang humiwalay siya dito. Isang puting panyo ang sumalubong sa paningin niya. Shin was holding that familiar handkerchief.

"Sa akin ito, di ba?. Sa pagkakaalam ko, binigay ko sayo ang panyong 'to nang una tayong magkita sa France. But unexpectedly, bigla na lang umuwi pabalik sa sa may-ari ang kapirasong telang 'to."

Aha! Natatandaan niya na. Iyon ang panyong ginamit niyang benda sa sugat nito.

"Paano mo nalamang sayo 'yan? Nagkalat ang puting panyo sa mundo."

Iniladlad nito ang tela bilang sagot. Tumambad sa paningin niya ang mga karakter na tila Chinese o Japanese na nakaburda sa ilalim na bahagi niyon. "I had my name on it. Regalo ni Mama 'to. Siya ang nagburda ng pangalan ko. It was written in Hiragana."

Nahihiyang iniiwas niya ang mukha sa nanunuksong tingin ng binata. "Oo na! Sige na! Itinago ko ang panyo mo. Yeah, una pa lang tinubuan na ako ng crush sayo kahit may pagka-antipatiko ang ugali mo. Why wouldn't I? Ikaw lang ang lalaking nakilala kong tila ipu-ipo ang sumpong. One minute you got angry, then ignored me, then became so gentle all of a sudden. I mean you aren't nice but you are nice."

Tumawa ito. "Ano ba talaga?"

She pouted her lips. "Lahat ng bagay na makakapagpasaya at makakapagpaiyak sa 'kin. Responsable ka, Shin. I have my goals and dreams. At gagawin ko ang lahat para matupad 'yon kahit isakripisyo ko ang relasyon ko sa pamilya ko. Pero nang bigla kang sumulpot sa buhay ko, hindi ko na alam ang priorities ko. Dahil simula nang mahalin kita, ikaw na ang naging sentro ng mundo ko."

Shin stared at her so lovingly. "I think I can love you forever." He touched her lips before he pulled her close. Namalayan na lang ni Gale na nakadikit ang mga labi ni Shin sa mga labi niya. Then Shin started to move his lips against her. 

He kissed her so fervently taking the lead. Teaching her to respond, letting her to open her mouth, and tasting her lips and tongue. Naging mapusok ang pagsalakay ng mga labi nito. Waring nagustuhan nito iyon dahil hindi siya nito tinigilan kahit pakiramdam niya ay mapupugto na ang kanyang hininga. He planted a smack on her nose and forehead after that deep kiss. At simpatikong ngumiti ito sa kanya. 

"Hindi mo na ako puwedeng takasan o pagtaguan ngayon. I already marked you as my property."

Kinilig ang buong katawan niya sa pagka-possessive nito. But then, kasabay ng pag-ahon ng kasiyahan dahil sa pagkatuklas na pareho ang kanilang nararamdaman, nandoon at umusbong rin ang maraming alalahanin.

"Shin. Paano si Kanade?"

Natigilan ito. But he was able to ease her worries by just mere holding of her hands. "Kakausapin ko siya. Hindi ko puwedeng lokohin ang sarili ko at lalong hindi ko siya puwedeng lokohin." Napabuntong-hininga ito. "I'm really a jerk. I proposed a marriage to a girl while I confessed my love to another." Malungkot na dumako ang mga mata nito sa kanya. "Di kita masisisi kung kamumuhian mo ako."

Tumango siya. "I really hated you when you proposed to her. Isinumpa kita sa lahat ng santo."

Nabitiwan nito ang kanyang kamay. "Whoa! Paano mo 'yon nalaman?"

"Narinig ko. Nang gabing matapos ang performance natin para kay Mr. Allain, dapat magtatapat ako ng pag-ibig sayo. But sad to say, naudlot dahil malaking kabaliwan 'yon. Nagpo-propose na ng kasal sa ibang babae ang walanghiyang lalaking pagtatapatan ko. Sa tingin mo hindi uurong ang confidence ko? Inisip ko wala nang silbi. The way I feel about you was maybe nothing but a hasty love. Kaya ginusto kong maagang kitlin habang hindi pa lumalalim. Pero bigla kong naisip, mawawala ba 'yon kung palagi kong makikita ang pagmumukha mo?"

"Kaya ka lagi mo 'kong tinatakasan." Ito na ang nagdugtong sa sinabi niya.

She grinned. "But you keep coming back. Lagi kang lumilitaw sa harap ko, Shin kung kailan tumatatag ang desisyon kong kalimutan ka. Coincidence o ano? Hindi ko alam ang dahilan ng mga aksidenteng pagkikita natin. It's like a magic. Like God telling me not to give you up cause He's not giving up on our love story."

Nangingiti ito habang napapailing. "It's nice putting it that way." Pamaya-maya ay naging seryoso ang mukha nito. "Did I hurt you?"

She shook her head. "Maraming beses. Ang hirap. Dahil hindi ko masabi sayo na ikaw ang dahilan ng pag-iyak ko, ng mga frustrations ko. Pero hindi ko rin masabi sayo na lahat 'yon ay natatabunan ng simpleng pagngiti mo sa harap ko. Nang paghaplos mo sa buhok ko, ng obvious na concern mo sa akin. Nang minsang pagluha mo nang nahihirapan ako."

He blushed. "Y-you saw that?"

"You don't need to be shy about it. Hindi mo alam kung gaano no'n pinagaan ang dibdib ko."

"Then, bakit nagagalit ka sa akin?"

"Dahil takot ako kung saan ako dadalhin ng nararamdaman ko sa'yo, Shin. Mahal kita pero committed ka na. Hindi ko alam kung kakayanin kong mawala ka sa paningin ko kung hulog na hulog na ako sayo."

He kissed her again. "Huwag kang matakot. I'll always be here," bulong nito.

Napahawak siya sa dibdib niya dahil tila tumalon ang puso niya sa ginawa nito.

"Hey! What? Are you hurt again?" Nag-panic ito.

"No. Ayos lang ako, Shin."

Nandoon pa rin ang pag-aalala sa mga mata nito. Inalalayan siya nito paupo muli sa swing. This time, tumabi ito sa kanya.

"Triangle, I know you already said something regarding your health condition. But... okay ka lang ba talaga?"

"Natural lang daw ang pagsakit ng dibdib ko if I'm being stress or too overwhelm sabi ng doktor. Parang lahat naman ng tao, ganoon di ba? It's been nine years nang maoperahan ako. And my body is adjusting with this heart. But I'm totally fine Shin. Palpitations are just part of it."

Pumikit ito at ipinatong ang noo sa balikat niya. "Do you know how thankful I am right now. Nagpapasalamat ako sa taong nagbigay ng pangalawang buhay sayo."

"Nagpapasalamat din ako sa kapatid ko, Shin. Lucille, my eldest sister saved me."

Umangat ang mukha nito. "K-kapatid mo?"

Tumango siya. "Sa tingin ko, kailangan mo 'tong malaman." Tiningnan niya ito ng diretso. "I'm adopted, Shin. Ampon lang ako nina Mommy at Daddy."

Rumehistro ang gulat sa mukha nito.

****

- Amethyst -

Love Links 5: Pathetique Encounter [COMPLETED & PUBLISHED UNDER PHR]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon