Part 18

903 66 13
                                    

HINGAL na lumingon si Gale sa gitna ng maraming tao. Hindi siya magkandaugaga sa mga bumabati sa kanya mula sa audience. Hindi iilang beses na may nasorpresa nang malamang babae pala siya sa kabila ng suot na tuxedo. Binati siya ng mga matatandang Pranses at ng ilang miyembro ng orchestra. Maging si Mr. Allain ay hindi matapus-tapos ang pasasalamat at pagbati dahil sa performance niya. 

He said that her feelings radiated a kind of warmth that filling-up the whole theater while playing the violin. Karapat-dapat daw na panoorin ang kanyang presentation at hindi ito nagkamali ng kilatis sa kanya. Sa kanilang dalawa ni Shin. Bakas sa mukha nito ang galak kaya naman panatag na ang loob niya para sa business nito at ni Shin.

Pasimple siyang umalis sa kumpol ng mga taong 'yon. Kanina niya pa hinahanap si Shin buhat nang mawala ito sa stage matapos ang kanilang performance. Paano siya magko-confess kung wala ang taong pagtatapatan niya? Kinakabahan siya pero naroon din ang excitement. Hindi niya ma-imagine ang magiging reaksiyon nito sa totoo lang. Tiyak na mabibigla ito, oo, pero sa tingin niya ay hindi naman siya totally inaayawan ng binata.

"Hey! Little girl!"

Nagulat siya nang isang pamilyar na malaking lalaki ang nakasalubong niya sa hall.

"You were so great there outshining Shin who was so genius when it comes to classical music." Ngumiti ang maitim na matanda na nagpakita sa mapuputing ngipin nito.

"Ah. You're that old man on the antique shop."

"Zed. You can call me Zed. I'm Shin's friend."

"Wait Uncle Zed. Did you see him?" Nagpalingon-lingon ang ulo niya.

Natawa ito tila marahil sa itinawag niya dito. "Shin is with Tanaka-san. They were in the garden."

"Tanaka-san?" kunot-noong ulit niya.

"Tanaka Kanade. The girl in the wheelchair who's I'm taking care of."

Wala sa loob na napatango na lang siya at magalang na nagpaalam sa matanda. Hindi niya inaasahan ang pagpunta ng mga ito. Mukhang talagang malapit ang mga ito kay Shin. Well, wala na siyang pakialam pa doon. Kailangan niyang makausap ang lalaki.

Nang makarating siya sa garden ay agad na naghanap ang mga mata niya. Narinig niya ang pamilyar na boses ng lalaki di kalayuan. Napangiti siya. Mukhang umaayon sa kanya ang tadhana.

"I'm asking you to marry me. No, I'm begging you instead. Please... Kanade." Napatda si Gale mula sa kinatatayuan. She heard Shin spoke. At nakarinig rin siya ng iyak ng isang babae.

"You know the situation better, Shin. It couldn't work that way."

"Is it because of Alfonse? He died long time ago. Ipinaubaya na kita sa kanya noon. But how dare he to left you alone miserably?"

Bigla ang ginawa niyang pag-atras. Ngunit parang gusto niyang pagsisihan ang ginawa dahil nawala sa paningin niya ang halamang nakaharang mula sa imahe ng dalawang nag-uusap. Kitang-kita ni Gale ang dalawa. Nakaluhod si Shin. Hawak ang dalawang kamay ng babaeng nagngangalang Kanade. Ang ulo nito ay nakasandal sa hita ng dalaga.

"Aishteru 'yo Kanade. Itsumo. It will always be you here in my heart."

Nadaklot ni Gale ang dibdib. Kagat ang mga labing pinipigilan ang sariling humiyaw sa tila umaantak na sakit. Nagsisikip ang baga niya. Napakahirap huminga. But still, she couldn't move her eyes from them. Isang puting bestida ang suot ni Kanade. Babaeng-babae ang dating nito. Nang bumaba ang tingin niya sa suot ay napasigok siya. Natauhan siya bigla. Wala siyang kapag-a-pag-asa kay Shin.

Tanaka Kanade... Hindi na napigilan pa ang pagtulo ng kanyang mga luha nang may isang bagay pa siyang nakuha. Those initials... on the dresses and violins were obviously meant for her... Natakpan niya ang bibig upang hindi marinig ng mga ito ang mahina niyang paghagulgol.

We are on our own little world. Walang puwedeng makapasok. Walang makaka-distract. We are only living with each other's music. Lahat 'yon ay pawang kasinungalingan lamang na kinailangan nitong sabihin para palakasin ang loob niya. Dahil sa mga sandaling iyon ay waring siya ang estranghero sa sariling mundo ng dalawa na hindi puwedeng pasukin nino man.

Tuluyan siyang nagtatakbo palayo sa lugar na 'yon habang hilam sa luha. Lalong bumibigat at tumitindi ang sakit ng dibdib niya. Huminto siya nang makalabas siya sa gate ng theater sapo ang dibdib. Dinukot niya mula sa bulsa ang nararamdaman niyang nagba-vibrate na cellphone. Long distance call iyon mula sa pinsan niya.

Sinagot niya iyon. "H-hello... Kuya Jay." Pilit niyang itinago ang paggaralgal ng boses. Pinahiran niya ang mga luha.

"Gale, I'm sorry. Hindi ko na nakaya pang itago ang totoo. Katatawag lang ni Tita Belinda. Pinilit niya akong sabihin kung nasaan ka at hindi ko na natiis. You should go to back to Los Angeles to talk with them. Kahit saan ka tumakbo at magtago, magagawa at magagawa ka nilang hanapin."

Hindi niya nagawang sumagot. Hindi niya alam ang sasabihin,

"Princess Gale? Sweetheart... are you okay? Galit ka ba? I'm really sor—"

"No...no... you have nothing to apologize for, Kuya." Umiling pa siya. Then she sighed. "Alright, uuwi ako. Pero hindi sa Los Angeles. I want to settle down in the Philippines. At isa pa gusto kong makausap sina Mama at Papa kung saan nagsimula ang lahat."

"Gale—"

"Thanks for everything Kuya Jay. Hintayin mo ang pagdating ko diyan." Pinutol niya na ang tawag dahil hindi niya na makayanan pa ang tila sasabog na dibdib. Mula sa bulsa ay inilabas niya ang ilang piraso ng tabletas. Agad na sinunggaban niya iyon. Ang akala niyang langit na kinalalagyan niya ay parang bumaligtad at inihulog siya sa bangin ng impiyerno. It really hurts like hell.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~
One month after...

INILIBOT ni Gale ang paningin sa maliit na kuwarto na naging tahanan niya sa loob ng isang taon. Nakahanda na siyang lisanin ang lugar na 'yon. O mas tamang sabihin ang bansang iyon. Hindi niya alam kung kailan siya makakabalik. 

"Monseiur... Aalis muna ako at baka matagalan pa bago ako makabalik." Napatingin siya sa sariling repleksiyon sa salamin. Mas humaba ang buhok niya dahil sa tulong ng extensions. Maigsi pa rin subalit dahil bobcut ang estilo no'n ay mas nagmukha siyang babae. He wore a pink backless dress above the knee and a pair of white sandals.

Si Len ang tumulong sa kanya para ayusin ang itsura niya. Nag-insist din itong lagyan siya ng make-up. Laglag ang panga ni Jeanne nang mabistahan ang itsura niya. Pinipigalan siyang umalis dahil malulungkot daw ito kuno. Natawa na lang siya dito.

Once again, nasilayan niya ang dating sarili. Hindi kasi siya puwedeng makita ng parents niya sa dating ayos niya. Aatakehin tiyak ang Mama niya dahil hindi siya nito pinalaki na parang isang lalaki ang ayos. Sa mga mata ng pamilya niya ay isa siyang prinsesa. She's now back for being the Princess Triane Gale of the family. Bitbit ang bagahe ay lumabas siya sa dormitoryo.

****

- Amethyst -

Love Links 5: Pathetique Encounter [COMPLETED & PUBLISHED UNDER PHR]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon