Chapter 12: Happy Birthday

1.1K 33 17
                                    

👀

"Tara na."

Sumakay agad ako sa kotse niyang agad naman niyang pinaharurot papunta sa bar nila. Pagkatapos ng gabing ito,hindi ko na alam ang mga susunod na mangyayari sa buhay ko.

Iniwan ko lang naman ang kapatid kong gago na naglalasing mag-isa. Kahit ginago niya ako, kapatid ko pa rin siya. Mahal ko siya at ayokong may mangyaring hindi maganda.

"Saan ka galing? Pinag-aalala mo 'ko. Buti na lang tumawag ka." Marahan niyang hinawakan ang kamay ko habang patuloy sa pagmamaneho.

"Wala, umalis lang ako. Daan muna tayo doon saglit." Nakakita ako ng fast food chain, sakto namang kumalam ang tyan ko kaya bumili agad kami ng pagkain. Umorder ako ng 4 na rice meals at drinks. Bakit 4? Gutom na gutom na ako, siguro dalawa kay Josh at dalawa sa akin.

"Eto na po order Ma'am."inabot sa akin ni Josh ang pagkain namin at nagpatuloy sa byahe. Sa gutom, nilantakan ko agad ang manok.

Hindi ko napapansin nakatigil na pala kami dahil sa traffic. Kanina pa rin pala nakatingin sa akin si Josh kaya tumigil din ako sa pagkain. Ang awkward!

Tinignan ko ang sarili ko sa salamin at alam ko na ang dahilan kung bakit siya nakatingin, ang dungis ko! Nararamdaman kong namumula na ako pero buti na lang gabi na at medyo madilim sa kotse.

"Ang cute mo." He grabbed a piece of tissue before wiping my mouth with his hands and captured my lips. Nagulat pa ako dahil akala ko ay tatagal pa iyon.

Mas masarap pala ang halik kapag may lasang manok. I want more.

He hold me tight like I was his wife. Now playing I'll never go.

"I'll never go far away from you...Even the sky will tell you...That i need you so...For this is all i know...I'll never go far away from you..."kanta nito kahit sintunado pa rin. Parang may paru-paro akong naramdaman sa loob ng tyan ko. Siguro gutom pa rin ako.

Nang makarating kami sa bar nila ay agad akong pumasok sa kwartong lagi naming pinagsasaluhan. Dumiretso lang si Josh sa loob ng CR at ako ay nakahiga at iniisip ang mga susunod na mangyari.

Hangga't maaari, ayokong sabihin sa kanya ang mga nararanasan ko dahil baka ipagtabuyan niya rin ako. Hanggang kaya ko, pipilitin kong itago. Nandyan naman si Josh para sa akin, hindi niya ako papabayaan dahil nakilala ko siyang ganoon. Pakiramdam ko ay ligtas na ligtas ako sa kanya. Sana hindi siya magbago.

"May problema ba, mahal?"napabalikwas ako nang maramdaman ko na lang ang katawan niya na pumulupot sa tabi ko. Amoy na amoy na bagong ligo siya.

"Mahal?Gago ka ba?"

"Surprise."naglabas siya ng isang kwintas. I giggled before taking a glance again on the necklace.

jcs stands for Josh Cullen Santos

"For memories, in case na magkalayo tayo. Maaalala mo 'ko. 'Di bale, hindi naman kita iiwan." he chuckled.

"Corny mo, tanga. Hindi pa naman tayo. Akala ko ba nanay kita?" Natawa na lang kami pareho sa sinabi ko. Alam ko namang hindi niya kayang maging nanay para sa akin dahil hindi siya sa ganoong bagay nakilala.

A pervert,a playboy,always drunk, girls,laro, doon siya magaling pero bakit sineseryoso ako? Napaisip tuloy ako at duda na rin, kailan pa lang naman kami nagkita.

"Seryoso ka ba sa 'kin?"tanong ko sa kanya. Humarap siya nang maayos bago humawak sa kamay ko.

"Papatunayan 'ko na seryoso ako. Kung duda ka pa rin..."inangat niya ang mukha ko gamit ang daliri niya bago inilapat ang malambot nitong labi.

GO HARD|jcsWhere stories live. Discover now