Chapter 1: Where it all started

3.1K 58 27
                                    

Bata pa lang si Josh Cullen Santos ay nakapaligid na sa kanya ang iba't ibang bisyo gaya ng alak,sugal,sigarilyo at iba pa pero lumaki siyang isang mabait at tahimik na bata.Maaga rin siyang tumayo sa sarili niyang mga paa dahil hindi niya nakilala ang mga tunay niyang mga magulang.Tumutuloy siya sa kanyang tito pero parang hindi naman anak ang turing niya rito kaya naman lumipat ito sa bahay ampunan.Doon nag-aral at lumaki hanggang makahanap ng aampon sa kaniya.Sa puntong iyon,naging maganda ang buhay niya pero tumutuloy siya sa bar na pagmamay-ari ng umampon sa kanya.Kinalakihan na tuloy niya ang mga gawaing hindi pambata gaya ng pag-iinom,pagpupuyat,pambabae at pakikipagtalik sa hindi pribadong lugar kaya naman sa edad na 15 natuto na siya ng mga ganon.Naging pariwara at hindi na ipinagpatuloy ang pag-aaral.Lapitin rin ng mga babae na labis na ikinatutuwa niya.Badboy pero may soft side,yan si Josh.

Sa kabila ng buhay niyang dinadanas,pangarap din naman nitong maging isang sikat na dancer na titingalain ng madla pagdating ng panahon.Magkaroon ng sarili nitong bar kung saan siya lumaki at magbago ang ugali pero hindi niya iyong magawa dahil sa tukso at kawalan ng pasensya.






"Sige na!Truth na nga.Ayusan niyo tanong niyo ha."naglalaro ang pinakasikat na grupo sa Pilipinas ng Truth or Dare at napatapat ito sa most charismatic and sexiest man in the Philippines na si Josh.

"Is it true that you're not a virgin anymore?"bulong ni Sejun sa ka-myembro nito dahil masyadong sensitibo ang tanong niya.Napabuntong hininga si Josh at bara-bara itong sinagot si Sejun.

"Oo,I was 16 when--"

"Pre 16?!Minor ka pa non!"sigaw ni Ken kay Josh.Tumawa na lang ang binata dahil nagulat pa sina Stell,Sejun at Justin sa sinabi nito.Sa tagal nila kasing magkakasama ngayon lang iyon nabanggit ni Josh sa kanila.

"Ako 'di na ko virgin pero nasa tamang edad na naman ako pero tol--18 ka pa lang non?Anong nangyari?"Napangiti ang binata habang inaalala ang mga nangyari sa kanyang nakaraan.Ngumiti rin ito ng mapait nang maalala niya ang mga taong nagpabago sa buhay niya.








"Cheers!Woohoo."inom ng inom at sayaw ng sayaw sabay sa malakas na tugtog ang mga tropa ko sa bar ngayon dahil nanalo kami sa pustahan sa laro malapit samin.Inasar nila ako na magpainom pero sino ba naman ako para tanggihan sila 'di ba?Mga erp ko ata yan.

"Oh nasaan na si Clyde?"tanong ko kay Kian,leader-leaderan namin.

"CR lang daw pero may binggwit na babae.Alam mo na sunod na gagawin non."sagot niya bago sumimsim ulit ng alak.Normal na sa amin ang mga gawaing iyon.Laro,inom,babae,tulog repeat. Minsan nga wala pang tulog.Sa dami ba naman ng mga magaganda at sexy na mga babaeng pumupunta sa amin,hindi na kami tumatanggi tsaka may mukha naman kaming maihaharap.Gwapo yata ako.Wala namang magagalit sa akin dahil hinahayaan naman ako ni Papa na gawin 'to.

"Hey are you single?Wanna have some fun tonight?"isang babae na naman ang nabihag ng aking handsome face.May dala siyang tequila at inaabot iyon sa akin.Tinungga ko iyon at hindi ko man lang naramdaman na may gumuhit sa lalamunan ko.Kasabay ng pag-inom ko ang pag-upo niya sa mga hita ko.Inalalayan ko siya gamit ang mga braso ko dahil baka mahulog.Ganito lang naman ang ginagawa ko.Hawak lang at go with the flow.Nakikipaghalikan rin naman ako pero hindi sumagi sa isip ko na magkaroon ng ka- one night stand hindi gaya ng mga tropa ko.Akala mo mamatay kapag hindi nagdilig sa iba.May respeto pa rin naman ako at as a holder of this bar, I need to protect my drunk customers and send them into their homes pero kung ayaw naman nila,mag-stay na sila rito at matulog.We're open 24/7 at shifting ang mga workers.


"Sorry,wala ako sa mood eh.Balik ka na lang next time."I kissed the lady on her cheeks that made her giggle before going to another table.


GO HARD|jcsWhere stories live. Discover now