SAGLIT | PART 3

169 10 0
                                    

"Hindi ako maaring makampante at makatulog baka iwan na naman niya ako ulit. Kahit ang gulo-gulo na, okay lang basta kasama ko siya basta nandito lang siya ulit. Okay na ako, masaya na ako." Pinilit ni Reeva na huwag makatulog pero mahirap talaga ito labanan hindi niya namalayan na unti-unti na pala siyang napapapikit dahil sa antok.

Reeva: Orville, hon? Pahinging coffee please.

Walang sumagot sa kanya at wala rin siyang katabi kaya agad siyang nataranta. Malinis at nasa tamang ayos din lahat ng gamit.

Reeva: H-hon??

Tinawag niya ulit 'to pero walang Orville na nagpakita sa kanya.

Unti-unti na siyang nagduda at nawalan ng pag-asa.

"S-saglit lang ba ang lahat ng nangyare kagabi, h-hindi na ba ulit mauulit 'yun? Bakit pa ba ako nagtataka? Sabi ko na nga ba—sabi ko na nga ba." Pinilit niyang tumayo at huwag umiyak pero kahit anong pigil niya patuloy lang ito sa pagdaloy.

"Ansakit sakit naniwala na naman ako na totoo lahat, naniwala na naman ako sa sariling kagagahan ko. Ano ba naman, Reeva?? Hindi ka pa ba nadadala ha?!"

Nagulat siya nang may biglang nagbukas ng pintuan...

Orville: May nangyre ba? O-okay ka lang ba?? Bakit ka umiiyak?

Reeva: A-akala ko i-iniwan mo na naman ako.

Orville: Nagluto lang ako sa baba kasi hindi ka pwedeng pumasok sa trabaho ng walang laman yang tiyan mo. Gusto mo bang kumulo na naman yan at mamilipit ka sa sakit?

Natawa na lamang si Reeva. Hindi siya masayang sinesermonan ni Orville, natutuwa lang siya dahil totoo naman palang hindi siya talaga iniwan nito.

Orville: Ayan tatawanan mo lang ako.

Reeva: Sorry, m-may iba lang akong iniisip.

Orville: Ganun ba? Kain na tayo sa baba baka lumamig pa 'yung niluto ko. At syempre pinagtimpla na din kita ng kape.

Reeva: Pinagtimpla mo ko?

Orville: Araw-araw ko naman ginagawa 'yun.

Reeva: Oo nga, araw-araw nga.

Noon pa lang ay araw-araw na siyang pinagtitimpla nito ng kape, naalala niya noong minsang lumamig ang samahan nila na kinahalintuladan pa niya sa kapeng iniwan sa kanya noon ni Orville. "Mainit man o malamig ang kapeng gawa mo—hindi ako magsasawa at hindi ko na rin ihahalintulad 'yun sa relasyon na'ting dalwa."

Orville: Baka naman gusto mong ishare yang pinagtatawanan mo diyan.

Reeva: Naku wala 'to, masyado lang siguro akong na eexcite na bumalik sa trabaho.

Orville: Sunduin kita mamaya ha.

Reeva: Hihintayin kita.

Orville: Tapos isasama na'tin 'tong Unica na'tin.

"Arf! Arf!"

Reeva: Ayan! Tuwang tuwa na sspoiled na naman ng kanyang daddy.

Orville: Nga pala hon, bali-balita na babalik na raw dito sa Pilipinas si Carlo.

"Ang pagkakatanda ko nanatili si Carlo sa New York at nung bumalik ako dito sa Pilipinas binigay ko na kila Erik at Angge 'yung project na para sa akin. Ganun pa din kaya ang nangyare ngayon?" Tanong ni Reeva sa kanyang sarili.

Orville: Hon, may idea ka ba kung bakit?

Reeva: W-wala, ang pagkakaalam ko doon na siya sa New York titira. Hindi ko na nga din ineexpect na uuwi pa siya dito.

Retrieving The Imaginary Window [BOOK 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon