~ Ang lahat ng inyong mababasa ay pawang walang katotohanan hindi binase sa kahit na anong pangyayare o nangyare. Tanging imahenasyon lamang ang naglaman. Sorry for the grammatical errors and typos. Mwaa! GBU. ~
"You look perfect baba, bagay na bagay talaga sa'yo 'tong napili kong suit and neck tie." Dahan-dahang pinagpagan ni Reeva ang suot nito.
"Pupunta 'diba?" Tanong ni Orville.
"I-I will, special sa'yo ang araw na 'to at hindi ako pwedeng mawala sa tabi mo." - Reeva.
"Late na rin pala, sure kang ayaw mo ng magpahatid?" Orville.
"Huwag na, magkaiba tayo ng way baba." Reeva.
"Okay, mag-iingat ka sa pagdadarive ha. Iloveyouu, haihintayin kita dun." Orville.
"Iloveyoutoo." Reeva.
_______________________________
Strawberry: Direk!
Muntik ng maibuga ni Reeva ang kapeng iniinom niya sa mukha ni Strawberry mabuti na lang at nagawa pa niyang makapagpigil kung hindi baka buong baso na ang natapon niya rito.
Reeva: Strawberry, hindi mo ko kailangan gulatin.
Strawberry: I'm sorry Direk, may emergency po kasi-may 6 pa tayong shoshoot-an today at hindi pa din dumadating 'yung mga extra at ka-double nung mga artista.
Reeva: Teka?? Anong oras na ba?
Strawberry: 4:30 p-
Nabitawan ni Reeva ang hawak-hawak niyang baso, 5:30 kasi magsisimula ang pagpapakilala kay Orville as the new Vice President of Armejida Magazine.
At sigurado na siyang hindi siya makakaabot.Reeva: Letse! Flat pa?! (ang gulong 'di ikaw pero pwede na rin both HAHAHAHAHAH char!)
Carlo: Oh? Anong nangyare diyan?
Reeva: May alam ka ba na pwedeng magpalit nito?--baka naman kaya mo?
Carlo: May extra ka pang gulong?
Reeva: Wala na eh, ikaw ba?
Carlo: Wala din, ihahatid na lang kita. Saan kaba pupunta?
Reeva: Sa AM (Armejida Magazine Company)
Carlo: 'Diba ngayon 'yung ano-
Reeva: Oo, mahahatid mo ba ako?
Tumango ito at pinagbuksan ng pintuan si Reeva.
"Alam kong hindi na ako aabot, may kalayuan din kasi 'tong location na pinagshohoot-an namin. I'm sorry baba." Saad nito sa kanyang isip.
Carlo: Relax, I'm sure maabutan pa na 'tin 'yun.
"Nakisabay pa 'tong traffic, hay-" Hindi nito alam kung paano niya pakakalmahin ang kaniyang sarili, nakapagbitaw na naman siya ng isang saitang hindi matutupad.
"Thank you for your wonderful speech Mr. Orville Armejida our new Vice President of Amejida Company, let's give him another round of applause! Congrats Sir!" Saad ng host ng naturing na event.
Pagkatapos nitong mag-speech hinanap niya agad si Reeva pero kahit saan siya lumingon hindi niya ito nahanap.
"Natraffic lang siguro." Sabay ngiti ni Orville.
Pagkatalikod niya, hindi niya inasahan ang biglang pagyakap ng isang babae.
Orville: Sa lahat ng pabango na naamoy ko, 'yung pabango mo parin ang pinakagusto ko.