Halo-halong kaba ang nararamdaman ni Angge ngayon dahil hindi pa din sila ngakakausap ni Erik ng maayos at hindi work related pero tinuloy pa din nito ang surprise niya para sa kanilang 5th year of Anniversary as magjowa.
"Hay Erik nasan kana ba?"
Nagprepretend na lang siya na hindi kinakabahan pero sa totoo lang hindi niya alam kung sisiputin ba siya ni Erik.
Strawberry: Hanue na? Dadating pa ba si Erik? Kanina pa tayo dito.
Ash: Oo nga Angge atsaka ang lakas ng pahangin parang konte na lang madadala na 'tong lamesa.
Strawberry: Medyo makulimlim na din check mo nga Ash kung may bagyo.
Angge: Walang bagyo, nacheck ko na kahapon.
Strawberry: Bakit ba kasi dito pa sa outdoor 'yung naisip mong surprise. Atsaka paano na lang kapag nakita kayo nila Direk st Sir Carlo baka akalain magjowa kayo.
Ash: Wala sila Mama at Papa namamasyal.
Strawberry: Ow talaga? Omg! Flash report ang mag-ex namamasyal sa Vigan! How exciting naman.
Ash: Tumigil ka nga diyan wala ng namamagitan sa kanilang dalawa nuh!
"Ang ingay-ingay pa ng dalawang 'to sa tabi ko. Nasan kana ba kasi Erik??" - Angge
Ash: Sinabi mo ba sa kaniya na naghihintay ka dito Angge?
Angge: Kanina ko pa siyang tinatawagan pero 'di siya sumasagot.
Strawberry: Nag-away ba kayo? Pansin kasi namin kung paano ka niha iwasan kanina.
Angge: May hindi lang kami napagkasunduan.
Ilang oras pa silang naghintay pero wala pa din silang Erik na natatanaw.
"Wala namang ibang uuwian 'yun kundi dito lang sa hotel, sinabihan ko din naman siya na umuwi ng maaga pero wala mas pinili niyang magalit sa akin ng hindi niya naririnig 'yung side ko." Saad ni Angge sa kaniyang sarili, hindi na din niya alam kung ilang excuses pa ang iisipin niya para lang hindi siya magalit kay Erik pero hindi na niya alam kung ano pa bang dapat niyang isipin.
Alam niyang may mali siya kaya nga sinusubukan niyang bumawi.
Lumalakas na ang hangin at unti-unti na ding umuulan.
Nagtatakbo sila Ash at Strawberry sa isang silong para hindi sila maambonan pero nagpaiwan si Angge dahil sa katigasan ng kaniyang ulo.
Ash: Hoy ang lakas na ng ulan Angge! Anong balak mo--
Umupo ito sa upuan na nilagay nilang tatlo katabi ng maliit na table na sana'y pagsasaluhan nila ni Erik.
Strawberry: Hoy ano porket martir ka feeling mo hindi kana tatablan ng sakit! Hindi ka lang shunga, martir ka pa! Hindi na siya--
Angge: Dadating siya, dadating si Erik.
Bumalik si Strawberry sa pwesto niya at pinayungan siya.
Strawberry: Angge isa't-kalahati ka ding hunghang ano! gusto na kitang sabunutan pati ako idadamay mo pa sa kaarte--umiiyak kaba? Luha ba yan o patak lang ng ulan?
Angge: Pwede bang both, tara na sa loob. Sorry.
Palakas lalo ng palakas ang ulan pero pinili pa din ni Angge na hintayin si Erik sa lobby kahit basang basa pa siya.
Ash: Ito towel, ayaw mo ba talaga maligo muna? Sa taas kana lang kaya maghintay? Sisiponin at lalagnatin ka sa ginagawa mo.
Strawberry: Gusto na kitang katusan Angge, umamin ka nga sa amin! Ano ba kayo ni Erik? Imposible namang walang kayo ano nga kasi hindi ka naman magpapaka---