Chapter 27

284 15 4
                                    

Chapter 27: Like

"Anong nararamdaman mo?" maingat niyang tanong habang hinahagod ang buhok ko. Bumangon na ako pero pinigilan niya ako.

"Magpahinga ka muna," pagtutol niya kaya ngumiti ako at hinawakan ang palapulsuhan niya.

"Ayos na ako. Medyo nahilo lang ako dahil sa sapak ni Kuya Ram..." I assured him.

Ngunit kahit ganoon, hindi pa rin nawala ang pag-aalala sa mga mata niya. Bumaba tuloy ang tingin ko sa suot niya. With his polo shirt, black shorts, and sneakers, with perfectly combed hair- he's more than handsome. He's beyond that.

"Saan ka ba pupunta? Pumunta ka na roon. Okay na ako," sambit ko. Nilingon ko ang katabing kama at nakita roon ang amang wala pa ring malay.

"Sa'yo ako pupunta..." sagot niya na hindi ko inasahan.

"H-Ha? Bakit naman? Magpapasama ka?" tanong ko rito.

Nagsalubong ang mga kilay niya bago umiling iling. "Dahil birthday mo, Red. Nagdala ako ng cake at balloons."

Napakurap tuloy ako sa inutas niya. Naalala ko na may nakita akong cake kanina bago ako mawalan ng malay ngunit hindi ko na nakita ang mga lobo. At bakit naman siya nagdala ng mga ganoon? Usually tuwing birthday ko ay nagbibigay lang siya ng regalo and then he treat me. Hindi naman siya nahilig na magbigay ng cake at balloons. Si Almond lang naman ang naalala kong nagbibigay ng ganoon.

Malungkot akong ngumiti sabay yuko. "Happy birthday to me. Ganda ng venue no? Ospital..." halakhak ko but he didn't.

Kung tignan niya ako ay parang kinakawaan niya ako o tingin ko lang yun? Pero baka naman talaga naawa siya sa akin. Dahil kung ako ang tatanungin, kaawa awa naman talaga ang sitwasyon ko pero ayaw kong magpaawa kaya dinadaan ko nalang sa tawa.

"Red!" si Mama na tumakbo palapit sa akin sabay yakap.

"Jusko ano na naman ang ginawa sa'yo ng mga demonyong iyon..." she resented.

"Nasaan si Kuya Ram, Ma?" tanong ko.

"Noong nakita kitang nawalan na ng malay. Tinigilan ko na ang pagsuntok sa kaniya pero nakita kong dumiretso siya sa kuwarto at paglabas, may dala ng bag. Hindi malabong lalayas..." si Froilan ang nagpaliwanag dahil siya nga lang naman ang nandoon.

Bumitiw si Mama ngunit hinagod niya ang ulo ko. Hinarap niya si Froilan.

"Maraming salamat, Froilan. Kung hindi ka dumating baka napatay na ng demonyong yun itong si Red," Mama said and she dropped a kissed on my head.

Froilan smiled. "No worries, Tita. Bakit hindi niyo nalang po ipakulong yun---"

"Froilan!" saway ko rito. Ayan na naman kasi siya sa walang preno niyang bibig.

Ngunit tumawa si Mama. "Wala eh. Tinakasan na tayo kaya paano pa?" nagulat ako sa sagot niya.

Alam ko kasing kahit gaano kawalanghiya ang mga kapatid ko ay mahal na mahal niya pa rin ang mga iyon. Sa kabila ng pambabastos,  mahal niya pa rin ang mga anak but it made sense coz after all, it's her children. Mother's love is unconditional. Kay Papa naman, alam kong mabait nalang siya at nakikisama pero hindi niya na mahal pa iyon. Kahit paulit ulit niyang sinasabi na mahal pa, alam kong hindi na. Katulad nalang ngayon, nakita niya na si Papa sa kabilang kama ngunit bakit hindi niya pinuntahan?

"Mama..."

Hinarap ako ni Mama. "Ang tagal kong umasa na baka balang araw magbago ang mga kapatid at ama mo, Red. Pero mukhang malabo na iyon. May sarili na silang mga buhay na kahit anong gawin kong paggabay, wala silang pake. Ngayon na nag-aadik na ang kapatid mo at nasaktan ka na niya, dapat ko pa bang gawin ang mga ginagawa ko noon?" she stated.

Fragments Of Love (Street Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon