Chapter 26

272 16 3
                                    

Chapter 26: Friends

Kiniliti ko pa siya noong pumasok na kami sa kuwarto kaya umiwas siya pero halata na sa mukha ang pagkatuwa.

"Red! Stop it! Please!" he said in between laughter. Mas lalo ko siyang ininis noong nakita ang pamumula ng leeg hanggang mukha.

"Magsimula na tayo! Stop teasing me!" pag-iwas niya.

"Hmm. Di'ba sabi mo suyuin kita? Ito na ng oh!"

"Yeah right! Panalo ka na! Nasuyo mo na ako, okay ka na?" he said frustratingly but laughing.

Hinatid na ng mga kasambahay ang mga kailangan namin sa paglilinis kaya nagsimula na kaming maglinis.

"Be gentle para wala kang mabasag," he reminded.

"Siyempre naman. Alam ko namang maarte ka," sambit ko while wiping all the toys. Yung iba mabigat, yung iba tama lang. Sa itsura at detalye palang, mahahalata mo nang original at limited editions talaga. Ito ang una kong na-discovered sa kaniya bilang kaibigan niya.

Ako kasi ang unang dinala niya rito noong grade five kami. Noong una nga ay ayaw ko dahil umukit sa isipan ko noon na lahat ng mayayaman ay mayayabang pero iba siya. Hindi niya pa nga pinagdamot ang mga laruan niya kahit mamahalin ang mga iyon.

Malaki ang pinakadulong kuwarto na ito. The wide room with color mint green wall, white ceiling with big bulb on the center, marble tiles floor, filled with many shelves and racks. May takip pang salamin ang isang shelves dahil nandoon ang pinakamahal. May iba't ibang paintings din. Mayroon ding jersey tshirt na nasa loob ng picture frame, mahal din ang isang iyon kahalera ng mga bola na may pirma ng mga kilalang basketball players.

"Alam mo bang regalo yan ng Daddy ko sa akin?" nagulat ako nang maramdaman siya sa likod ko. Nasandalan ko tuloy ang dibdib niya. Nag-angat ako ng tingin sa kaniya coz he's towering me.

"Talaga? Kailan naman yun? Ngayon ko lang nakita ang isang bola na ito ah?" tanong ko at hinawakan na ang bola para punasan ito.

"Last year lang noong birthday ko. Regalo niya na rin para sa moving up," he smiled while staring closely at the ball.

Tumango ako. "Naaalala ka pa pala niya eh. Akala ko ba wala silang pake sa'yo?"

"Noong una nagulat ako at medyo natuwa dahil nga naman naalala nila ang birthday ko pati yung upcoming moving up ko but when I heard what Tito Teodulo said, I don't know what to feel or to react pero bakit pa nga ba ako magugulat, di'ba? They're still a complete family without me..." he said and smiled.

"Anong sinabi ng Tito Teodulo mo?"

He sighed. "Siya lang pala ang nagpaalala kay Daddy. Dahil ang totoo, wala silang ideya sa mga nangyayari sa buhay ko." he grimaced.

It was supposed to be a sad tone but I heard it with just his casual tone. Mukhang sanay na nga talaga siya kaya parang wala lang sa kaniya ang lahat. Bakit ba hindi mag sink in sa akin iyon? Lagi ko nalang iniisip ang emosyon niya, ang damdamin niya. Kung nasasaktan ba siya o nahihirapan. Pero lagi niya namang pinapakita at pinapamukha na ayos lang ang lahat sa kaniya na hindi ko na kailangang mag-alala.

Nagpatuloy kami sa paglilinis. Nasa tapat na ako ng mga wooden drawer at wala akong ideya kung ano ang laman ng mga ito kaya pinunasan ko nalang ang outer part but because of so much curiosity, I opened it.

Nakita ko ang mga litrato. Sama sama ang mga ito sa pamamagitan ng isang goma. Nilingon ko si Froilan na seryosong pinupunasan ang ibang laruan. Nakaupo pa siya na akala mo'y siga sa kanto.

Tinignan ko isa isa ang mga litrato. Napangiti ako dahil ang mga nauna ay ang batang Froilan. He's chubby and a big boy. May suot na cap at parang anghel ang mga mata. Hindi mo aakalain na magiging basagulero paglaki. Buhat buhat siya ng isang balinkinitang babae. May suot na sunglasses at cap din. Pareho sila ng ngiti and this is probably his mom.

Fragments Of Love (Street Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon