Chapter 42

313 13 1
                                    

Chapter 42: Choices



I'm panting after he kissed me so deeply. Kulang nalang ay manlambot ang mga tuhod ko at matunaw ang puso ko sa ginawa niya. It was fire and lust, that kissed. Para bang pinapamukha niya talaga na siya ang humahalik at hindi si Froilan.

Pero kasalanan ko naman kasi. Noong hinalikan niya ako ay pangalan ni Froilan ang nabanggit ko imbes na sa kaniya pero dahil lang naman iyon sa pagbuhos ng mga alaala sa utak ko. But a part of me that time was guilty.

Hinapit niya ang katawan ko para madikit pa lalo sa kaniya. Ang kaninang kamay na nasa likod ko lang, bumaba na sa butt ko.

He kissed me again while we're  walking backwards to go inside the room. Sinara niya ang double doors ng balcony nang hindi bumibitiw sa halikan namin.

Hanggang sa kusa nalang akong napaupo sa kama doon niya palang inalis ang labi niya sa akin para hubarin ang tshirt niya. His heavenly body flexed along with his reddish wide chest, round nipples, and biceps.

He bent to kiss me again more aggressive. Napaatras tuloy ako na siya namang pag gapang niya. Bahagyang lumubog ang kama nang sumampa siya. He spread my legs and slowly when he caressed my thigh... May kung anong takot akong naramdaman kaya napadilat ako. He continue rubbing my leg to my thigh and horror started to escalate. Tumulo nalang ang luha ko at napaungol nang may maalala noong hinaplos niya ang hita ko.

Hinawakan ko ang dibdib niya para sana matulak siya nang malakas palayo sa akin pero nanlambot lang lalo ako. Nagpatuloy ang pagragasa ng luha ko and then suddenly, I screamed and pushed him with all my might.

"Wag!!! Please!!!" I screamed with terror.

Kaunti lang ang naatras ni Almond kahit malakas ang pagkakatulak ko. Nagulat siya sa ginawa ko at mas lalong nanlaki ang mga mata nang makita ang ekspresyon ko.

"I-I'm sorry..." hagulgol ko at tumakbo papuntang banyo.

"Red!" sumunod siya pero agad ko nang naisara ang pintuan.

Sinabunutan ko ang sarili. Unti unti akong napaupo at napasandal sa pintuan habang patuloy pa rin ang panunumbalik ng sobra sobrang takot noong nasa kulungan ako. Kahit hindi nila natuloy ang masamang plano sa akin, nag iwan iyon ng marka sa isipan ko.

It made me traumatized so when Almond caressed my thigh I remember what they did. How they forced me and tightened their grip!

"Red! Red!" kinalampag ni Almond ang pintuan.

Humagulgol ako at tinakpan ang parehong tainga.Nagpapadyak pa ako, nagbabaka sakali na sa ganitong paraan mawawala ang takot ko pero hindi. Parang naririnig ko pa ang mga halakhak nila, ang mga boses at sinasabi, nararamdaman ko ang paghaplos nila sa binti at hita ko.

I'm at the different stage of fear and horror. Na kahit anong gawin kong pagsigaw at pagwawala, ang ginawa pa rin nila ang naalala ko.

"Red, please open the door. Let me in!!!" Almond yelled and continue to knock violently.

"S-Sorry... S-Sorry... H-Huwag... P-Please..." I sobbed and sniffled while hugging my knees.

"Red!!!" patuloy niya. Nagiging bingi na ako sa mga sinasabi niya dahil ang tanging namamayagpag sa isipan ko ay ang mga nangyari sa akin sa kulungan.

I kept on breathing heavily. Hinahabol ko na ang hininga dahil sa labis na pag-iyak at hagulgol.

"Red!!! Please let me in. What's happening? Gusto kong malaman, Red!!!" he begged desperately.

Nagtagal pa ng kalahating oras ang pagpapakalma ko sa sarili while Almond kept on knocking without getting tired at yelling.

Ang sabi nila, para malagpasan ang takot ay kailangan mo itong harapin. You need to face it so you can conquer it.

Fragments Of Love (Street Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon