DISCLAIMER: This work is made of fiction,Names, Characters, businesses, events are all product of the authors imagination. Any resemblance to actual persons living or dead, ar actual events is purely coincidenal.
The Author is still learning, please be aware that typographical and grammatical errors are can be seen.
HOPE YOU ENJOY READING! LOVE LOTS! <3 FOLLOW ME PO PLEASE!!!
PROLOGUE
Yuan POV
"Hi dad!" nakangiting bati ko kay dad pagdating na pagdating ko sa bahay.
"Son you're back, Where have you been at pawis na pawis ka?" agad namang tanong nito sabay akbay saking balikat, agad ko namang napansin ang bisita nito na naka upo sa harapan namin habang umiinom ng kape.
"May bisita po pala tayo dad." saad ko habang si daddy ay umupo na sa upuang katapat ng lalaking bisita nito na sa tantya ko ay 40 plus na ang edad.
"Son..this is Mr.Lee my kumpare ,this is my son Yuan." kinamayan ko ang kaibigan ni daddy.
"Nice meeting you po Sir."
"No hijo, Tito Rhalp nalang" ngiting pag tatama nito sa tawag ko.
"Yuan go ahead take a shower and i have something to tell you later." nag mamadaling utos ni daddy.
"Yes dad." mabilis kong sagot at madaling umakyat sa kwarto.
Mabilis akong kumikilos ng tumunog ang cellphone na nasa side table, tinalon ko ang kama at mabilis na sinagot ang tawag na mula sa kaibigan kong si Liam.
"Hello bro?Ano?"
"Nasabi mo na?"
"Im about to.. pero may bisita kasi si dad."
"Basta good luck senyor ang laki ng problema mo pag nalaman ng utol mo yan HAHAHA."
"Wow salamat ah pero alam ko na yan di mo kailangan paulit-ulitin, kanina ka pa Liam babasagin ko yang mukha mo kapag di ka tumigil." birong pagbabanta ko bago ibaba ang tawag sa kaibigan kong tila pang bubwiset ang libangan sa buhay.
"Sir Yuan...Pinapatawag na kayo ng daddy nyo,sir bilisan mo daw po." tawag sa akin ng isang kasambahay matapos kumatok sa pinto ng kwarto.
"Sige ya pababa na."
Mabilis akong bumaba papuntang living room.
"Yes dad? Bakit po?" tanong ko habang paupo sa isa sa mga sofa.
"We have such a big problem Yuan and..." hindi itinuloy ni dad ang sinasabi at tila nag dadalawang isip itong ipagpatuloy ang gustong sabihin.
"and what dad?" kyuryosong tanong ko naman dito.
"and i need your help son." patuloy nito sa gustong sabihin matapos ang ilang minutong katahimikan.
"You need my help? Ano bang klaseng trouble yan dad?" pagtatakang ulit ko sa sinabi nito.
"Sorry Yuan i made all this mess." problemadong hingi nito ng paumanhin sa kadahilanang wala akong ideya kung ano.
"Ano nga pong problema dad? I'll help you if i can..so tell me what is it."
Pilit kong iniisip kung ano ang problema ni dad imposible naman kasing pera o kung ano.
"This is all about you and your future Yuan." nag aalalang sagot ni dad.
"What about me dad? Panong tungkol yan sakin?"
Ano nanaman kayang problema sa akin eh simula ng malipat ako inayos ko na ang pag aaral at naging active na lamang sa sports.
"Yuan your Grandmother want us to visit her in our province."
Kumunot ang noo ko sa pag tataka, ayon na ang malaking problema ng daddy ko?
"Dad naman ayon lang pala eh, asan ang big problem doon?" natatawa ko pang tanong ngunit nanatiling namomroblema parin ang itsura ni daddy.
"Yuan hindi pa ako tapos mag salita, your lola wants us to visit her and i dont have problem with that,The problem is i told her that you'll bringing your wife." nag aalalang sabi nito na hindi manlang maka tingin sakin.
"WHAT!? dad naman.. What comes to your mind and you told her that im married?" Napasigaw ako sa sobrang gulat hindi ko inaasahang ganon ang sasabihin ni daddy.
Ilang minuto ng katahimikan ang bumalot sa buong bahay at ni isa ay walang nag ngahas gumawa ng kahit anong tunog.
"B-but..why d-dad?" nauutal kong tanong ng mag balik ang boses ko na tila nawala dahil sa gulat.
"Dahil sinabi ng lola mo na kailangan na niyang pumili ng tagapag mana and hindi ka nila isasama sa pagpipilian sa kadahilanang di ka pa kasal, i don't want your Tita Crytal to take over the company..hindi magigingmaayos ang kumpanya kapag sya ang nag manage, im sorry Yuan" pagpapaliwanag ni daddy for me to understand the situation pero kahit anong intindi ko eh hindi ma absorb ng utak ko ang nangyayari.
"So ang sinasabi mo dad, i need to become a married man para kaming dalawa ni Tita Crystal ang maging choices ni lola? Dahil kung walang ibang choices..kahit ayaw ni lola kay Tita Crystal parin mapupunta ang company ni lolo?" pag uulit ko sa sinabi ni dad para mas mabilis na maintindihan ng utak ko.
"Tama anak, im so sorry anak i have to say it for my dads company...for your lolos company." pag hingi ng tawad ni daddy.
"Saan naman tayo kukuha ng magp-panggap na asawa ko habang nasa probinsya dad?" bugtong hiningang tanong ko.
Iniisip ko kung anong pwedeng gawin at kung paano masosulusyonan ang problema pero naunahan na ako ni daddy sa pag hahanap ng solusyon dito.
'paano ko naman kaya malulusutan ang trouble na to?'
BINABASA MO ANG
Im Yours (Love Contract)
RomanceThis story is all about family, friendships and love..how they solve all the problems and conquer all the challenges in life. Naranasan mo na ba ang maubusan ng oras?or should i ask...naranasan mo na bang magkadead line? just like sa school or work...