Death //07

55 4 0
                                    

[Kers' POV]

"Good morning mama!" masigla kong bati kay Mama. Umupo na rin ako sa usual seat ko kapag mag-aalmusal kami tuwing umaga. I used to see Dad helping mom preparing for breakfast but now it's all different. Kung hindi ako yung nagpeprepare ng breakfast, minsan si Mama na yun. And we're doing that alone.

"Good morning baby!" bati ni Mama sa akin habang nilalagyan ng gatas ang baso ko.

"GOOD MORNING!" biglang may sumulpot na isang alien at madaldal na nilalang sa dining room namin. What to expect? Masanay ka na Kers. I sighed.

"Oh mga hijo, sumabay na kayo sa amin kumain." What? Kilala sila ni Mama?

"No, thanks Tita. We're done already. Hinihintay lang namin si Kers." magalang na sagot ni Wyji, I mean Alec.

"Ikaw Nak ah! Hindi mo naman sinabing may lakad kayo ngayon. Late ka na oh! Di ka pa din nakakapag-ayos." she looked at them. "Sige na. Dalian mo na diyan."

"Yes, Ma." Napabilis tuloy yung pagkain ko ng wala sa oras. Kagaya nung sabi ni Mama binilisan ko yung pagkain ko saka nag-ayos na din sa sarili. Bulabugin ka ba naman ng mga ganitong lalaki hindi ka pa magmadali.

Pagkababa ko sa kwarto ko, nandun pa din si Wyji at Huos na naghihintay sa akin. Para san naman kaya at kailangan pa nila akong puntahan ng ganito kaaga sa bahay ko?

"We're going to someone." Nasa may park na kami nung sinabi sa akin ni Wyji kung para saan ang pagpunta nila sa akin. Wyji handed me a book then started to walk. Kusa namang lumipat ang pahina ng librong yun upang ipakita sa akin kung sino ang pupuntahan namin. Hindi ko na rin itinanong kung bakit kilala na ni Mama si Huos gayong kakakakilala ko lang sa kaniya nung isang araw? That day when a hollow attacked us. Still, I didn't managed to ask him why he had that mask? Ang sabi ni Wyji kailangan sirain yun diba para matalo ang isang hollow?

"Huos, bakit may dala ka palang hollow mask? May nakalaban ka ba bago ka makarating sa kinaroroonan ni Wyji?"

"Yes and a no. That mask was not real. Gawa-gawa ko lang yun nung nasa Mors Civitate pa ako. Props lang. Hahahaha. Oo dahil may nakalaban naman talaga ako baka ako makarating sa tinutuluyan ni Wyji. Level one nga lang ang mga yun."

"Ahhh. Kayan naman pala." binilisan ko ang lakad ko para kahit papano masabayan ko naman sila. Ang bilis nila masiyado eh.

Mahina kong binasa ang laman ng libro.

"Sitti Robles. Twenty-three years old. March 16, 1992." Lahat ng detalye tungkol dun sa babaeng nagngangalang Sitti nakasulat sa librong 'to. Sa patuloy kong pagbabasa, nahagip ng mata ko ang isang impormasyon na nagpalungkot sa akin. Ngayon na ba talaga namin siya kailangang sunduin?

"Pwede bang sa susunod na lang natin siya sunduin?" Lahat ng babae gustong mangyari sa kanila yun. At bilang babae gusto kong maranasan niya yun. "Malapit na siyang ikasal, Wyji. Hindi ba natin magagawan ng paraan 'to?"

"No." naglalakad pa rin siya habang nagsasalita. "Labag yun sa rule."

Sumabat naman si Huos sa usapan namin.

"Sorry, Kerstine but that was a big no." napahinga siya ng malalim.

Sinarado ko ang librong hawak ko sabay tumakbo upang maharangan sila Wyji sa paglalakad. Iniharang ko ang dalawa kong braso sa kanilang dalawa.

"Hindi mo ba alam na masiyado siyang malulungkot kung hindi mangyayari yun? Kung hindi siya maikakasal sa taong mahal niya?" napayuko ako. "Please, Wyji."

Hinawakan niya ako sa magkabilang balikat at saka tumingin sa akin ng diretso. Ang mga susunod na sinabi niya ang talagang nagpalungkot sa akin. "Matagal na siyang patay Kers. At hanggang ngayon, sa mga oras na 'to, hindi niya pa alam na patay na siya."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 25, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Soul ContractTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon