Death //04

83 4 0
                                    

"Good morning!" Ay leshugas! Napabalikwas ako sa kama. Paano ba naman kasi, umagang-umaga nasa gilid ng kama ko si Wyji. Take note! Nakapatiwarik pa siya.

"Death God ka, hindi ka isang kabute kaya wag kang sulpot ng sulpot kung saan-saan." Muntanga na nga ako minsan eh. Akala ni Mama may trauma na ako dahil dun sa aksidente. Minsan daw kasi nagsasalita na akong mag-isa. Actually, kausap ko si Wyji nun. Ilang araw na din siyang nagpupunta gabi-gabi bago ako matulog.

"Di ka pa ba nasanay sa akin?" pagtatanong niya.

"Like, hello? Wag naman sa ganyang posisyon diba?" Sarcastic na sabi ko.

"I was just imitating a bat." sabi niya sabay talon papuntang pintuan. Ang weird niya talaga minsan. Di ko siya magets.

"Pasalamat ka talaga di ka nakikita ni Mama ngayon eh." Inayos ko ang sarili. "Kung nakikita ka niya baka siya pa ang bawian ng buhay nang dahil sa'yo." Papasok na ulit kasi ako sa school ngayon. After a month of recovery sa bahay namin mismo, pinayagan na din ako ng doctor na pumasok ulit.

"Oh ano? Sasama ka ba sa----" Paglingon ko sa may pintuan, wala na si Wyji. Iniwan niya pang nakabukas yung pinto. At yung Nanay ko, nandun mismo nakatayo. Iba na naman siguro iniisip neto. "I mean Ma, gusto mo ba akong samahan. You know? To make sure I'm perfectly okay." Pagpapalusot ko.

"Gusto mo ba Nak? I'll cancel my meeting with my clients."

"Nope. Ayos lang. I can handle it, Mom. Thanks." I walked to my mom and hugged her. "I'll be safe."

"Okay, okay. Alam mo naman na siguro ang ginagawa mo." She hugged me back. I can't imagine myself longing from her hug if that accident really got me to death.

Sa school halos lahat ng classmate ko agad na sinalubong kami. Lahat kami na involved sa aksidenteng nangyari, nakabalik na. Except for Evita. Somehow we managed to act normal like nothing happen.

I heaved for a sigh. Half palang ng first semester kaya makakahabol pa ako. Next month is midterm na kaya kailangan ko talagang magsipag. Yun kayang midterm ko? Can I still manage that? I'm sucked at memorizing especially when it comes to formulas. Kadalasang problema ng mga engineering students, like me. Ajuju!!

I sit on my assigned chair after all of them finished interrogating us. Nakakapagod din palang masangkot sa aksidente. All of a sudden you got all their sympathy. They're all concern. Bakit kasi kailangan munang may mangyaring masama sa'yo bago ka kaawaan at bigyan ng atensyon ng ibang tao? Minsan tuloy hindi mo maiwasang isipin na lahat sila nagpapakitang tao. Sabi nga nila, "Ang daling maging tao pero ang hirap magpakatao."

Tatanungin ko sana si Merylle, yung seatmate ko kung pwede ko bang mahiram yung ibang mga notes niya to cope up with our lesson when I noticed something strange. They're all not moving and I'm the only one capable of doing that. Even when you looked outside it's the same. Tipong pati mga ibong lumilipad hindi gumagalaw. Maging mga dahon napatigil sa pagbagsak. I'm starting to feel uneasy. And that's when Wyji entered our classroom, wearing our school uniform, carrying his bag from his back while walking towards me. I knew it. He knows something about this creep.

"Hello!" Usual na bati niya sa akin.

"Mind explaining?" He shrugged. "Really?" Yamot na tanong ko.

"Just changing something on their memories. It may took for a while." He said as he sat on the chair one seat apart from me.

"Pero bakit ako nakakagalaw pa din?"

"Walang dapat baguhin sa alaala mo Kers."

"Eh paano na yan? The time has stopped. May magbabago ba kapag nasa normal na ulit?" Napatawa siya ng mahina. Posibleng may mabago diba? I mean, if you can control the time, it is possible for you to change something in the past or even in the future. "Ikaw ba yung nagpatigil ng oras?"

Soul ContractTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon