CHAPTER 10

67 19 0
                                    


Di parin talaga ako makaget over sa text nyang 'iloveyou' gago pano nga kung totoo.

Totoo ba yung nararamdaman nya saken?oh baka lang pinaglalaruan nya lang ako gaya ng ginawa ng ex ko.

Parang nakakahi ito.

"Ano luya, tara na?" aya akin ni Riley.

Pupunta na kami sa beach ng daddy ni Clai.

Tumango lang ako bilang tugon at sumunod na palabas ng bahay, maglalakad kami ngayon papunta sa ikabilang street dahil doon ang bahay nila Clai.

Nang makarating kami sa bahay nila, naka labas na ang magarang Van nila.

Dito daw kami sasakay dahil wala ang daddy ni Clai, nauna na daw sa beach nay sarili silang driver. Never pinahawakang ng daddy ni Clai ng sasakyan nito, dahil noong nasa highschool kame dinala kami ni Clai sa kotse nila at dumeretso kami sa kanal.

Oh diba, power kanal yon wala ka don.

"Tara na sa loob, magccr lang daw yung driver" anya ni Clai habang bitbit ang kanyang tripod at ang kanyang bag.

Pumasok naman na kaming tatlo, ngayon ko lang masasakyan tong van nila sa loob yung driver seat tapos pag pasok mo may parang malaking kama ma pwedeng higaan sa kalagitnaan ng byahe, meron ding mga plastic na halaman at higit sa lahat may parang maliit na cr.With matching naka aircon.

Dzai, parang nakakahilo.

Bigla namang tumunong ang cellphone ko at nagpop up ang isang muka dito

Goodmorning babalik nako sa work ko.
-maett.

Nakokonsensya ako sa totoo lang mahigit hundreds na ang message nya saken pero ni isa wala akong nireply'n ngayon babalik na siya. Pero mas okay yun baka makakita na naman siya ng pagasang magiging kami pa kahit hindi na.

Ayoko naman na na umasa siya saken, kase naranasan kona ding umasa masakit at sobrang nakakainis umasa sa wala. Yung tipong asang asa ka sa isang tao tapos bigla bigla ka nalang nyang iiwan like wtf, aasa ako sa wala? Syempre pinaasa ako ako naman na tanga edi umasa juskq.

Kaya takot na takot ako.

"LUYA IPIS!!" sigaw ni Riley, napaigtad naman ako at tumakbo papunta kay Clai ng marealized kong wala pala talagang ipis.

Tumatawa parin sila na kala mo may clown sa harapan nila, lumapit ako sakanila at kinutusan mabilis din naman nila yong ininda dahil narin sa sakit, apaka ano nitong mga to. Pumasok na yung driver at sinabihan kaming magbyabyahe na medjo malayo layo daw kaya baka mamaya pa kami makakarating.

Humiga ako sa kama kuno ng sasakyan at natulog. Nagising lang ako sa pagaaway nina Clai at Riley sa pinapanood nilang horror, ay wow may patv si mayor sana ol.

"Mamatay yan tignan mo" sumbat ni Clai.

"Sure ka? Eh bida yan eh." sagit naman ni Riley.

Hindi mga nagpapatalo tong mga to eh.

"Oo kase nga makakain siya ng zombie" depensa naman ni Clai. Para akong nanonood ng debate sa gobyerno.

"Sige pustahan tayo, pag yan namatay ililbre kita.Pero pag yan di namatay ibabasura ko si Luya sa beach mamaya" nang marinig ko ang pangalan ko lumipad ng kusa ang unan at tumama sa likod ni Riley.

Tumingin naman siya saken at tawang tawa. "Ang ingay ingay nyo dahil diyan tapos gagawin nyo lang akong pustahan, keganda ganda ko tapos pupustahan nyo lang ako" saad ko, nagpakita naman si Clai at Riley nang mukang parang nasusuka.

Mga g4g0.

Nang natapos yong sumbatan nakinood nalang ako sakanila, kumakain din kase sila ng popcorn parang sinehan kuno pero masaya naman.

4 hours pa daw ang byahe kaya malayo layo talaga, ng matapos ang movie natulog nalang kaming tatlo.

Ng....

"Ms.Clai andito na po tayo" gising na anya samin nung driver.

Bumangon naman ako at bumaba, Wow ang ganda white sand siya tapos sobrang daming puno ng niyog and mga cottage na sobrang ganda ang hangin tapos fresh air.

Sumunod naman na bumaba ng sasakyan si Riley, hindi din makapaniwala sa nakikita.Parang isang paraiso sa sobrang gandaa.

"Wow, heaven gandang pagchukchakan" seryosong saad ni Riley, napatingin ako sakanya at nanlaki ang mga mata ko kaya ko siya binatukan.Kung ano ano ang nga lumalabas sa bibig nitong babaeng to.

Tinignan ko siya pero patawa-tawa parin siya sa kagagawan nya. Pero tama naman siya fresh air at pwedeng pag honeymoon place pero medjo malayo para sakin lang ah, pwde naman siguro magchukchakan nalang sa loob ng bahay yung kayo lang wow heaven.

Juskq yan kase si Riley kung ano ano nababanggit.Pumasok na muna kami sa loob ng Van at kinuha ang mga gamit,tinulungan narin kami ng driver at isang crew ng beach.

"Magtetent ba tayo?" tanong samin ni Clai, nagkatinginan naman kami ni Riley at parehong tumango bilang tugon.

"Manong can you do me a favor?papasok na kasi kami sa loob eh baka pwedeng makitayo tong tent dun sa may puno dun pagkatapos ilagay mo tong mga gamit namin?" suyo ni Clai sa driver, mabait naman si kuyang driver medjo matanda narin sa muka.

Binigay namin kay kuyang driver ang mga gamit namin, at tinulungan naman siya ng isang crew.Habang naglalakad sila palayo parang bagay si kuyang driver at yung isang crew na babae yieee.

"Tara?" aya samin ni Clai, nagpauna na siyang pumasok sa loob ng isang maliit na bahay na medjo malawak.

Pagkapasok namin doon parang may binigay silang medal kuno.Nang matapos dumiretso kami sa isang silid na parang meeting room binuksan ni Clai ang pintuan at ang daddy nya ang una naming nasilayan.

Gwapo ang daddy nya (bet ko ror), mabait din tapos hindi kuripot.

"Clai baby, yes mga iha maganda ba dito?" tanong samen ng daddy ni Clai.

"Opo maganda po sobra parang nasa boracay nga lang po tayo eh" bibong bibo naman na sagot ni Riley. Nakakatakot na ngayon sumagot baka maoffend ko tatay ni Clai.

"Ako pala ang daddy ni Clai" saad nito saamin, alam namin alangan namang asawa ka nya.

Tumango naman kami at ngumiti naman siya saamin. "You can call me Tito Ryar" pakilala nito.

Tbh sobrang bait ng mga parents ni Clai, wala kang hahanapin yun nga lang wala silang time para sa anak nila. May kuya si Clai isa siyang detective manager sa isang private company, puro sila professional. Gwapo at medjo strikto ang kuya nya pagdating kay Clai dahil narin siya ang bunso at iniingatan ng pamilya nila.

Parang royal family. Buti pa sakanila kami kase Coke family.

"Cge na mga iha, you can now enjoy this beach dahil may meeting pako sa labas ng beach" saad nya.

"Thank you po tito, ingat po" pagpapasalamat namin, tumango naman siya at ngumiti bago umalis.

Nagtinginan pa kaming tatlo ng biglang "The party begin!!" sigaw naming tatlo,wahhhhh.

Lumabas na kami doon sa pinasukan namin at nagtatakbo takbo sa white sand wahh.Kami lang yung tao ngayon dahil mga gantong araw daw saturday walang masyadong tao.

"Dun tayo magtambay oh, tapos mamaya magsspeed boat tayo tig iisa" saad ni Clai, sumisigaw sigaw naman si Riley at eto ako nakikisigaw narin.wahhh.

Sobrang saya 2 days and 1 night lang kami dito pero alam kong magiging masaya.

My trio.

THANK YOU FOR READING THIS YOU CAN NOW PROCEED TO CHAPTER 11.

Chasing My Dream Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon