CHAPTER 39

30 8 0
                                    

Nasa vigan na kami.

Bumaba na muna kami para maexperienve daw namin ang kalesa.

Well ngayon lang din ako makakasakay ng ganyan.

Wahhh.

Parang nakakatakot sumakay ng ganyan yung tipong ayaw sayo ng kabayo tas bigla kang sisipain palikod.

Parang ayoko na talaga ata.

"Tara na kasi" sambit saken ni Riley na parang konti nalang magmamaktol na dahil nga ayokong sumakay.

Inalalayan naman ako ni Ace para makasakay sa kalasa.

"Akin na yung instax nyo at ako na ang magpipicture sainyo" yownn!.

Kinuha naman sakin ni Riley ang instax ko at nagpicture naman na kami talaga ni Ace.

Iba ibang mga pose ginawa namin ni Ace dahil sa sobrang bilis magclick ni Riley sa phone ko.

Ang tagal tagal kase magclick ng instax.

Nang matapos, bumaba naman na si Ace at si Clai at riley ang tumabi saken magpipicture daw kami.

Nakailang take kami dahil tawa ng tawa si Riley.

Nang matapos na nauna nang bumaba si Clai at nang pagbaba ni Riley kinurot muna nya ako sa gilid ng tiyan.

"Arayyy inaka!" sigaw ko sakanya, dali dali naman siyang sumakay na sa kabilang kalesa.

Umakyat na si Ace at inilibot naman kami ni manong kutsero sa buong vigan.

Huminto naman kami sa isang souvenir store. Bibili daw kami ng mga pang regalo at iuuwi sa maynila.

Bumili kami ng mga damit, basket at mga wallet na may logo ng vigan.

"Magkano po eto ate?" dinig kong tanong ni Clai habang hawak hawak ang isang coin purse.

"50 iha" sagot ng matandang nakabantay store. Wow sa isang coin purse 50 pesos lang at gawa pa to ng matibay na kagamitan hindi kagaya sa mga nabibili sa mall na sa isang coin purse is 300 pesos na.

Nagpipili si Riley ng mga bibilhin nya at nakita ko naman si Ace na pumipili ng bracelet na may logo nang vigan na may qoute.

Binili nya iyon ako naman na bumili ng mga t-shirt.

Nang matapos inilibot ulit kami ni manong kutsero.

Kung ganto nalang lagi ang pilipinas siguro wala ngayong mga kumakalat na kung ano anong sakit at hindi sana masisira ang ozone layer at ang buong mundo.Less usok at less air polution.

May isang simbahan din dito ka nakaclose kaya hindi daw pwedeng pasukin.

Kami ang nasa harap at nasa likod naman namin sina Clai at Riley pasunod saamin.

Nakarating kami sa hallway sa harap ng mga bahay na makaluma at dugtung dugtung.

Nalaman naming natirhan pala ito ng mga espanyol noong unang panahon at isa ang vigan sa pinaka magandang tanawin ng pilipinas just amazing charot.

May mga nakaparadang kalesa sa gilid at sobrang gandang tignan bumaba king lahat at kanya kanyang picture ang ginawa namin.

Nang matapos na ang lahat, masaya kaming bumalik sa kotse ni Riley at nagmeryenda sa loob nito.

May nagpicture pa saamin na isang photographer para daw mailagay sa isang album history ng vigan.

Makakabalik ulit dito.

Makalipas ang trenta minutos na pagtatambay namin bumalik naman na kami para makabyahe.

Malapit na kaming makapasok sa loob ng ilocos.

"Ilocos here we are!!" sigaw ni Riley habang inilalabas nya ang ulo nya sa bintana nya.

Ang ingay.

Takang taka naman ang mga tao sa labas.

THANK YOU FOR READING THIS YOU CAN NOW PROCEED TO CHAPTER 40.

YES YES YES GO GO GO!! :>

Chasing My Dream Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon