0

618 57 51
                                    

"Allyson, listen to me. Everything you have seen and heard is not true! Believe me, please!" Hinawakan niya ako sa braso at sapilitang pinaharap sa kaniya. Hindi ko naman inaasahang gagawin niya iyon pero nang tuluyan na akong nakaharap sa kaniya'y sinalubong ko ito nang malakas na sampal.

Napaka-walang hiya n'ya! Pagkatapos niya akong lokohin ay may gana pa siyang magsinungaling! Anong akala niya sa akin? Bingi na hindi ko marinig lahat nang pinag-usapan nila? Pinahiran ko ang luhang tumulo mula aa aking mata. Hindi niya deserve ang mga luha ko! Ang katulad niya ay hindi dapat iniiyakan!

"Napakasinungaling mo talaga! Paano mo ito nagawa sa akin? Akala ko iba ka sa mga lalaking nakilala ko! Akala ko minahal mo ako, pero katulad ka rin pala nilang walang k'wentang tao!" malakas kong sigaw sa kaniya. Umiling siya ng ilang beses habang nakatingin sa 'kin. Katulad ko'y mayroon ding luhang tumutulo sa mga mata niya.

"I'll admit, in the beginning that was my plan, but everything has changed when I get to know you more at na-realize kong magkaiba kayo," mahinahong sabi niya. Lumapit siya sa akin at marahan nitong hinawakan ang kamay ko. "Please, believe me," nagmamakaawang sabi niya sa 'kin.

Napatigil ako sa sinabi niya. Siguro nga mali ang ginawa niya. Maling husgahan ako ng gano'n-gano'n lang pero . . . pero wala itong karapatan na husgahan ako dahil lang sa nalaman niya at dahil magkadugo kami ng taong nagwasak sa pamilya niya!

Umiling ako rito, "im sorry, pero huli na ang explanation mo. Tapos na, e. May nasaktan ka na at sana nga masaya ka na sa ginawa mo. Hindi na rin akong naniniwala na mahal mo ako, alam ko namang hindi ka seryoso. Siguro nga iba talaga ang para sa 'kin."

Ang mata nitong nangungusap kanina ay biglang nandilim at tumigas. Walang emosyon ako niya akong tiningnan na s'yang nagpakaba sa 'kin. Napaatras ako dahil sa pinakita niya. Bigla akong kinabahan at natakot sa kaniya. Umatras ang dila ko't hindi alam ang sasabihin.

"No. You're not leaving. You'll stay here," matigas na sabi nito at mahigpit na hinawakan ang braso ko.

"Bitawan mo ako!" buong tapang na sigaw ko sa kaniya. Pinapatatag ang sarili at pilit na hinihila ang braso ko.

"Hindi mo ako iiwanan, Allyson! Dahil akin ka lang. Akin ka lang at walang makakakuha sa'yo mula sa akin!"

Her Hurtful Mistake ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon