1

539 53 49
                                    


"Bilisan niyo namang maglakad para kayong pagong kung kumilos!" sigaw ni Miss Freya Catalan sa amin.

Halos hindi mapakali ang lahat habang inaayos ang buong gym ng school. Lahat ay may kaniya-kaniyang ginagawa at isa na doon si Miss Freya na naatasang mag-ayos nang lahat.

Kanina pa ito sigaw nang sigaw. May gaganaping event sa school namin ngayon kaya sobrang busy niya. Wala naman talaga dapat kami rito pero dahil kami ngayon ang klase niya'y kami ang ginawang alalay.

Pupunta ang pinaka imporatanteng guest sa school namin. Si Rigo Sandoval, ang gobernador ng lugar namin at isa sa mga may-ari ng school.

"Oh? Nasaan na ang pinapakuha ko?" tanong ni Miss Freya sa akin nang makita niya akong nakatayo lang. Inutusan niya kasi akong kumuha ng upuan sa stock room pero hindi ko kayang buhatin lahat ng 'yon.

"Hindi ko po kasi kaya lahat nang 'yon, Miss Freya," sabi ko na may pagdadahilan sa tono. Pinanlakihan niya ako ng mata at mas lalong nakita ko rin ang guhit sa gilid ng mata niya. Tanda na May edad na ito.

"At anong gusto mo? Tutulungan pa kita!" biglaang sigaw niya, na siyang nagpakuha ng atensiyon ng ilang estudyanteng gumagawa rin.

Nahihiya naman akong napangiti sa kanila. Ba't kasi hindi na lang ako humanap ng pwede kong kasama para hindi na ako nasigawan. Umiiling na lang ako sa kaniya nang ilang beses sa sobrang kaba. Baka kasi kapag nagsalita ako ay bigla niya na lang akong itulak dito. Warfreak pa namang klaseng teacher ‘to.

“Sa susunod kasi utak ang gamitin para hindi na kayo mapagalitan. Ano'ng silbi ng pinag-aralan ni’yo, kung hindi naman ginagamit. Palibhasa ay puro kayo lovelife ang iniisip. Aral muna bago landi. Tsk, mga kabataan talaga ngayon." Mahabang pangaral niya sa akin, at napahigpit na lang ang hawak ko sa aking school uniform para pigilang sumabat dito. Hindi naman kasi lahat ng estudyante ay gano'n at anong karapatan niya para husgahan ako ng gano'n?

Mataray itong tumalikod sa akin habang nagsasalita pa rin nang masasakit na salita. Napanguso na lang ako sa inasal ni Miss Freya, imbes kasi na turuan niya kami ng maayos ay ito pa ang masama ang ugali. Pa’no matututo ang estudyante niya, kung ganyan siya? Tsk, goodluck na lang talaga.

Tumalikod na rin ako't tinahak ang daan papunta sa stock room. Hindi rin nagtagal ang lakad ko nang makarating na ako nang tuluyan sa harap ng pintuan. Hinawakan ko ang doorknob at binuksan ito, pero napakunot ang noo ko nang hindi ko ‘yon mabuksan kahit ilang ulit kong gawin.

“Ilang buwan na kaya ‘tong hindi binubuksan?" tanong ko sa sarili, kahit alam kong hindi ako nito sasagutin.

Muli ko itong sinubukan pero hindi ko inaasahan na masira ko ito. At least nabuksan ko diba? Nagkibit-balikat ako't tuluyan nang binuksan ang pinto.

Pagpasok ko palang sa loob ay sumalubong na sa 'kin ang mabigat na daloy ng hangin sa paligid dala ng alikabok. Iba't ibang uri ng insekto at sira-sirang ang nasa paligid na hindi na yata ginagamit ng ilang taon. P’wede na yata ‘tong matulad sa isang hunted stock room.

Nakasimangot naman ako, sa rami kasi ng classmate kong lalaki ay ba't ako pa ang inutusan? ‘Di niya ba naisip na babae ako? Hindi ko obligasyon na magbuhat ng mabigat. Paano na ‘to ngayon? Pero wala na akong magagawa. Bruhilda pa naman ang babaing 'yon.

Napabuntunghininga ako't nilapitan ang patong-patong na upuang plastic. Hinati ko ito sa tatlong bahagi. Buhatin ko na sana ito ng may kamay na pumigil do’n.

Tila napako ako sa kinatatayuan ko ng makilala kung kaninong kamay ‘yon. Dahan-dahan ko itong sinundan hanggang sa tumigil sa dalawang pares ng matang nakatingin sa kaniya. Kumikislap ‘yon na parang isang bituin sa gitna ng madilim na gabi.

Her Hurtful Mistake ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon