7

138 38 7
                                    

Halos madapa ako sa pagtakbo upang maabutan ang papasaradong pinto ng elevator.

Pinagtitinginan pa ako ng mga empleyado dahil sa ginagawa ko. Pero wala akong paki-alam sa iisipin nila. Ang importante makaabot ako at makasakay ng elevator.

"Thank, God!" Bulalas ko nang makaabot ako. Nahihingal na napasandig ako sa pader at pinunasan ang pawis na tumutulo na. Pakiramdam ko ang lagkit-lagkit ko.

Argh! Nakakainis talaga. Bakit ko pa nakalimutan na may usapan pala kami ng Arzhen na 'yon! Pahamak talaga ang utak na 'to. Hindi n'ya man lang pina-alala sa akin. Mabuti na lang at mag-isa lang ako-

"Bakit ngayon ka lang, Ms. Rodriguez?"

Nauntog ang ulo ko sa pader dahil sa biglaan kong pag-angat ng ulo ko. Napadaing ako sa naramdaman kirot sa parteng natamaan.

Kung minamalas nga naman.

Hinimas ko ang ulong nasaktan bago tiningnan ang may-ari ng boses at naging dahilan kung bakit ito nangyari sa akin.

Masamang tingin ang ibinigay ko sa kaniya ngunit agad din napalitan nang gulat ng makilala ko, kung sino ito.

"M-mr. Lorenzo! Anong ginagawa mo dito?" Gulat kong tanong dahil hindi ko akalain na makikita ko ito, dito sa loob ng elevator.

"Why? Bawal na ba akong sumakay sa sarili kong elevator?"

Agad kong inilibot ang tingin sa paligid ng elevator at doon ko lang nakomperma na hindi ito ang pangkaraniwang elevator na sinasakyan ng mga empleyado.

"H-hindi naman 'yon ang ibig kong sabihin," napatikhin ako. "Ang akala ko kasi andoon ka sa sarili mong opisina, kaya natanong ko."

Napatango ito. Umaayos ito ng tayo mula sa pagkakasandal sa pader. Nakapamulsang lumapit ito sa akin. Hanggang sa tumigil ito sa harap ko, ilang dangkal ang layo mula sa akin.

"A-anong ginagawa mo?" Nauutal kong tanong sa kan'ya.

"Kanina pa kita hinihintay na dumating. At dahil na late ka, plano ko sanang puntahan na lang kita." Napataas ang kilay ko dahil sa tinuran nito.

"Hindi mo namang kailangan puntahan ako, Mr. Lorenzo." Matamis akong ngumiti at sinalubong ang mata nitong nakatingin sa akin.

Napataas ang gilid ng labi nito. Ang tingin nitong nasa mata ko ay unti-unting bumaba hanggang sa tumigil ito sa labi ko.

Wala sa sariling napalunok ako ng sariling laway dahil sa klase ng tingin na ipinupukol nito doon.

"Why, Ms. Rodriguez." Bumalik ang tingin nito sa mata ko, "natatakot ka ba na may makakita sa akin na kasama mo ang tulad ko. Isang pangit at hindi bagay sa isang tulad mo?"

Natigilan ako sa sinabi n'ya. Hindi agad ako nakasagot sa klase ng tanong nito.

Hindi ko alam kung anong isasagot ko. May parte sa akin na sumasang-ayon sa sinabi n'ya ngunit mayroon din na hindi.

Napakurap na lang ako nang walang paalam itong lumabas ng elevator. Hindi ko man lang naramdaman na huminto na pala ito.

Napabuntong hininga s'ya at lumabas na rin ng elevation para sundan ito.

"Sir Lorenzo! Akala ko po aalis ka?" Narinig kong tanong ng secretary nito. Ngunit para lang itong anino sa harap nito na hindi man lang pinansin.

Pumasok ito sa sariling opisina at pabagsak na sinarado ang pinto. Napailing na lang ako sa inasta nito.

"Ang weird n'ya talaga," mahina kong sabi habang tinitingnan ang pintong pinasukan nito.

Humarap ako sa secretary nito, na hanggang ngayon ay may takot pa rin sa mukha.

"Pwede mo ba kaming dalhan ng kape sa loob," tiningnan ko ang name plate n'ya sa dibdib ng damit. "Nina?"

Kinakabahang tingin ang ipinukol nito sa akin. Hindi ko man pinapakita pero nakaramdam din ako ng takot sa boss nito.

"Yes po, Miss Ally." Kinakabahan man ay sinunod pa rin nito ang sinabi ko.

Muli akong napabuntong hininga at naisipan nang pumasok sa opisina.

SA ISANG oras naming nag-usap ni Arzhen ay tahimik lang ako at nakikinig lang sa sinabi n'ya. Pinaintindi nito kung ano ang nakapaloob sa kontrata ko na hindi man lang binasa ni Lala.

Wala namang kakaiba sa gusto nito. Kung anong binibigay sa akin ng ibang kompanya ay gano'n din sa kaniya. Ang pinagkaiba lang, malaki ang makukuha kong pera at makilala pa ako kahit sa madaling panahon lang.

Tumayo agad ako sa pagkakaupo ng sabihin nitong tapos na ang paguusap namin. Sinukbit ko sa balikat ang shoulder bag ko at lumakad papunta sa pinto.

Hinawakan ko ang doorknob. Bubuksan ko na sana ito ngunit may isang kamay na pumigil dito. Isang kakaibang pakiramdam ang naramdaman ko ng oras na hinawakan nito ang kamay ko. Tila pamilyar ito sa akin at noon ko pa hinihintay ang ganitong pakiramdam.

Sa dami ng lalaking humawak sa akin. Walang sino man ang nakapagbigay ng ganitong pakiramdam. Para akong nabuo at tanging s'ya lang ang naghihintay.

"Mr. Lorenzo, andito po-"

Napabitaw agad ako sa paghawak n'ya ng pumasok ang secretary nito. Muntikan pa akong natamaan ng pinto. Mabuti na lang ay nakaatras agad ako.

"S-sorry po." Napayuko si Nina dahil siguro sa nakita nito.

"Sa susunod. Kumatok ka muna bago pumasok," walang emosyong sabi ni Arzhen sa secretary nito.

"Yes po. Pasensya na po talaga." Muling paghingi nito ng pasensya.

Isang mahabang katahimikan ang namayani sa amin. Pinapakiramdaman ang bawat isa. Ngunit binasag ko ito sa pamamagitan nang pagubo.

Humarap ako kay Arzhen at peke akong ngumiti.

"Salamat sa oras, Mr. Lorenzo. Kailangan ko nang umalis." Pagkatapos kong sabihin ito ay tumalikod agad ako at lumabas ng opisina.

Malalim akong napahinga nang makapasok sa loob ng elevator. Sa isang oras na kasama ko ang Arzhen na 'yon ay hindi ako makahinga nang maayos. Parang ang liit lang ng paligid kahit sobrang laki ng opisina nito.

Napahawak ako sa bandang dibdib ko dahil sa sobrang bilis ng kabog nito. Parang nakikipagkarera ito sa isang kabayo.

Tulalang napatingin ako sa repleksiyon ko sa dingding ng elevator. Kung wala lang akong make up sa mukha ay siguro kita ang peklat ko sa noo. Itinaas ko ang isang kamay at marahan itong hinawakan.

Ilang taon na rin ang nakakaraan ngunit parang isang bangungot pa rin sa akin ang araw na 'yon Araw kung saan naging magulo ang buhay ko at ng-.

Napatigil ako sa pagbabalik tanaw ng marinig ko ang ringtone ng cellphone ko. Binuksan ko ang bag at kinuha do'n ang cellphone. Tiningnan ko kung sino ang tumatawag ngunit gano'n na lang ang pagtataka ko ng makita ko kung sino ito.

Dali-dali ko itong sinagot.

"Mama, napatawag po kayo?" Nagtataka kong tanong sa kan'ya. No'ng nakaraang araw lang ako nagpadala ng pera sa kan'ya kaya nagtataka ako kung bakit ito napatawag.

"Lele, anak." Kinabahan ako bigla ng marinig ko ang boses ni Mama. Humihikbi ito habang sinasambit ang palayaw ko na s'ya mismo ang bumigay sa akin.

"M-mama may problema po ba?" Nagaalala kong tanong kay Mama.

Wala akong sagot na narinig sa kan'ya. Tanging paghikbi lang ang naririnig ko sa kabilang linya.

"Mama, bakit po hindi kayo sumasagot? Sagotin -"

"Naaksidente ang anak mo, Allyson." Humihikbing saad nito ngunit hindi ko 'yon pinagtuunan ng pansin. Ang na sa isip ko ngayon ay ang kalagayan ng anak ko. Ang anak ko ng ilang taon ko ring ibinandona.


Lyndiolas1 | Pixie Lyn

Her Hurtful Mistake ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon