"Miss Ally, po! Bawal po kayong pumasok sa loob." Napatingin ako sa braso ko nang hawakan ako roon ng secretary ni Arzhen para pigilan akong pumasok. Nanginginig pa ito na tila nagdadalawang sa ginagawa.
Nang makaalis ako sa kumpolan ng reporter ay umakyat ako rito sa office para kausapin si Arzhen. Hindi ko na kasi nakita ito kanina nang magkagulo ulit. Kaya naisip ko na lang na puntahan ito at alam ko naman na si Lala na ang bahala sa mga reporter. And I need to talk to him.
"Huwag kang humarang, Nina. Kailangan kong makausap ang boss mo."
"Pero pinagbawalan po ako ni Sir Lorenzo, na papasukin ka,” takot niyang sabi. Inis na hinarap ko siya at tinaasan ng kilay. Wala akong pakialam kung pinagbawalan ako. Ang importante makausap ko si Arzhen, ngayon kung bakit inalis niya ako bilang model ng t'way nang walang paalam.
"I don't care,” matigas kong bigkas. "Sa tingin mo may pakialam ako kung pinagbawalan n'ya akong pumasok?" Napayuko siya at ‘di nakasagot sa tanong ko.
Napairap ako sa inasta n'ya. Para siyang batang paslit na kailangan tulungan. Tsk. Tinalikuran ko siya at binuksan ang pinto ng office para pumasok.
"Miss Ally, bawal po talaga!" pahabol na sabi ni Nina, pero huli na dahil nakapasok na ako.
Naabutan kong nakaupo sa sofa si Arzhen at parang haring nakaupo sa swivel chair habang may hawak na wine glass sa kamay. Napaangat siya ng tingin dahil sa biglaan kong pagsulpot. Madilim niya akong tiningnan at ibinaling ang tingin niya kay Nina.
"P-pasensiya na po, Sir Lorenzo. Pinagbawalan ko naman po pero ayaw makinig," kinakabahang salita ng secretary niya.
"It's okay, Nina. Mukhang importante naman ang sasabihin niya. You can go now." Nabaling ang tingin namin lahat ng magsalita ang babaeng nakaupo sa couch ng opisina na ngayon ko lang napansin.
Nagtatanong ang tingin ko ng tingnan ko ito. Tulad ni Arzhen ay nakaupo rin ito habang may hawak ding wine glass. Ngayon ko lang ito nakita rito at nakakapagtaka na may kasamang babae ang isang Arzhen Lorenzo.
"P’wede ka nang umalis, Nina." Utos ni Arzhen sa secretary niya.
"Yes po, Sir." Tila ‘yon lang ang hinihintay na sasabihin ng boss niya, dahil kaagad itong umalis.
Hinihintay ko ang pagsara ng pinto bago humakbang papalapit sa kanila.
"I think, kailangan ko nang umalis na rin." Pamamaalam ng babae bago tumayo. Hinawakan nito ang maliit na bag at humarap kay Arzhen upang halikan ito sa pisngi bago tuluyang umalis.
Nang dumaan ito sa harap ko'y tipid ako nitong nginitian pero ayaw kong magpakaplastik sa kaniya kaya tinarayan ko ito. Mahinhin naman itong tumawa. ‘Di ko naman maiwasang mainis. ‘Yon ba ang gusto ni Arzhen? Parang inipit na pusa kung tumawa!
Siniguro ko munang nakalabas na 'yong babae bago tuluyang tiningnan si Arzhen.
"Himala yatang may babae kang kasama rito sa loob ng office mo," sabi ko na may pang-iinsulto sa tono. Matalim niya akong tiningnan at binaliwala ang sinabi ko.
"Anong ginagawa mo rito?" Madilim ang mukha niya ng tanungin niya ako.
Tumayo ako nang tuwid at sineryoso ko rin ang mukha ko, para ipakita sa kaniya na hindi ako natatakot.
"Bakit, Mr. Lorenzo? Porket ba hindi na ako ang Model ng company mo, bawal na akong pumasok dito?"
"Hindi ko kailangang sagutin ang tanong mo, Ms. Ally, dahil—”
"Hep!" Napatigil ito sa biglaan kong pagsigaw. “Hindi pa ako tapos sa sasabihin ko." Napalunok ako ng sariling laway bago tinuloy ang sasabihin.
"Hindi ko alam kung anong pumasok sa utak mo dahil bigla mo na lang ako ng inalis. For your information, may pinirmahan akong contract kaya wala kang karapatan na bigla na lang akong tagalin—"
"Mayroon, Ms. Rodriguez—"
"Wala!”
"Mayro’n”
"Wa—"
"Shot up!"
Napaatras ako dahil sa gulat nang biglang hinampas niya ang kamay sa kaniyang lamesa. Lumikha ito ng malakas na tunog at rinig ito sa apat na sulok ng office niya. Pulang-pula ang paligid ng mukha niya at nagpipigil ng galit. Kahit ang dulo ng tinga niya ay namumula rin.
Ngunit laking gulat ako nang tumayo siya at humakbang papalapit sa'kin, kaya kusang umatras ang mga paa ko. Bawat hakbang na ginagawa niya'y siya rin ang pag-atras ko hanggang sa maramdaman ko ang malamig na pader sa 'king likuran. Tumigil lang siya sa paghakbang ng ilang pulgada na lang ang layo sa akin. Tumataas baba ang balikat niya dahil sa pagpigil ng galit.
"What are you doing here." Walang mababakas na tinatanong niya ako, dahil inuutusan niya ako! Ramdam ko sa bawat salita niya ang pinipigilang inis. Ngunit, bakit? Bakit siya galit na galit sa akin? E, ang ginawa ko lang naman ay pumasok dito nang walang paalam sa kaniya.
Tinaasan ko siya ng kilay, "Gusto ko lang malaman ay kung bakit bigla mo na lang ako tinanggal nang walang sabi-sabi."
"Why, Ms. Rodriguez? Hindi ko ba p’wedeng gawin 'yon? Sa pagkakaalam ko, mayroon akong karapatan sa lahat ng tungkol sa kompanyang, 'to."
Ikinuyom ko ang sarili kong kamao at at napahawak sa suot kong damit at mahigpit na kumapit do'n. Mahirap na't baka hindi ko mapigilan ang sarili ko na masampal siya.
"Pero may pinirmahan akong kontrata, Mr. Lorenzo," matapang kong sagot sa kaniya. Sinalubong ko ang nagbabaga niyang tingin.
Malaya kong napagmasdan ng mabuti ang mga mata niya. Ngayon ko lang napansin ang itim na itim niyang mga mata.
"At may karapatan ako, na baliin 'yon kung lumabag ka sa kasunduan natin." Napatihimik ako sa sinabi niya. Napalunok ako’t lumihis ng tingin sa kaniya. Hindi ko man tatanungin kung anong ibig niyang sabihin ay may idea na ako. Hindi ko akalain na malalaman niya kaagad ang bagay na 'yon. Iba nga naman ang nagagawa ng pera sa panahon ngayon.
Ibinuka ko ang bibig para magpaliwanag ngunit kaagad ko ring itinikom dahil hindi ko alam ang sasabihin. Ayaw kong magpaliwanag sa kaniya at ayaw kong malaman niya ang dahilan ko.
"Hindi ka magpapaliwanag?" tanong niya nang mapansin na hindi ako magsasalita.
Malalim akong napabuntong hininga at tamad siyang tiningnan. "Bakit naman ako magpapaliwanag sa'yo? At bahala ka na sa buhay mo kung ayaw mo na akong maging model ng kompanya mo."
Nakapagdesisyon na ako. Siguro nga tama na rin, 'to na alisin niya ako. Para na rin naman 'to kay Tanya. Alam ko ang kalakaran ng industriyang pinapasukan ko, at alam ko na balang araw ay malalaman nila ang tungkol kay Tanya. Kaya habang maaga pa kailangan ko na itong tigilan.
Nakita ko ang pagbago ng ekspresyon ng mukha niya. Nakasalubong na ngayon ang dalawa niyang kilay.
"Bakit nagbago yata bigla ang desisyon mo, Ms. Rodriguez? Natatakot ka na ba ngayon? O baka naman may tinatago kang secreto na hindi dapat malaman?" Isang malakas na sampal ang tumama sa mukha niya. Hindi na ako nakapigil na gawin 'yon.
"Wala akong secretong tinatago! Kaya wala kang karapatan na sabihin 'yon!" sigaw ko sa kaniya habang nakabaling ang tingin niya sa kaliwa dahil sa pagkakasampal ko sa kaniya.
Sarcastic siyang tumawa't hinawakan ang mukhang sinampal. Doon ko rin nalaman na ang nasampal ko ay ang parteng may peklat. Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng konsensya. Itinaas ko ang isa kong kamay at dahan-dahan siyang inilapit sa mukha ni Arzhen, ngunit napatigil ito sa ere nang magsalita siya
"Itigil mo na lang kung anong balak mong gawin." Hinarap niya ako na walang emosyon sa mga mata. “Dahil hindi ko kailangan ang awa mo."
BINABASA MO ANG
Her Hurtful Mistake ✓
General FictionAllyson Rodriguez is brave and the breadwinner of their family. She wants to give a good life to the people she loves, and she did not fail to do it because her name gradually became known in the acting industry. But destiny seemed to have tested he...