2

304 48 34
                                    

Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko nang ibulong niya sa 'kin ‘yon malapit sa tainga ko. Ang tumatama niyang hininga ro'n na s'yang nagbibigay kilabot sa buong pagkatao ko at nagpatayo ng mga balahibo ko sa batok.

Mariin na lang akong napapikit nang maramdaman ang kamay niya sa leeg ko. Marahan niyang hinawakan ang buhok ko at hinawi ito papunta sa likod ng tainga ko. Mas lalo naman akong natigilan sa ginawa niya. Napahugot ako nang malalim na hininga at buong lakas na itinaboy ang kamay niya. Masamang tingin ang iginawad ko sa kaniya nang harapin ko siya.

"Wala kang karapatan para hawakan ako," mariin kong pagkasabi sa kaniya.

Namangha naman ito sa ginawa ko pero kalaunan ay napatawa siya sa naging asal ko, at muling hinawakan ang dulong bahagi ng buhok ko.

"Hindi ka pa rin nagbabago, Ally. Ang hot mo pa rin sa t'wing nagagalit. Innocent on the outside but on the inside like a tiger waiting to be preyed upon," sabi niya at makita sa mata ni Miguel ang matinding paghanga sa akin.

“Ang kapal nga naman ng mukha mo 'no? Pagkatapos ng mga ginawa mo sa 'kin no'n at panloloko mo sa 'kin ay may gana ka pang magpakita na parang walang nangyari! At anong tinatakasan kita? Nahihibang ka na ‘ata?!” Hindi ko mapigilang tumaas ang boses at sigawan siya. Mabuti na lamang at kami lang ang tao rito. Ayaw kong may makakita o  makarinig man lang sa mga pinagsasabi ko.

Napatahimik naman siya at walang nasabi. Kanina ang kapal ng mukha na sabihan ako ng kung ano-ano pero ngayon parang tuta na biglang umamo. College kami no'n nang magkaroon kami ng relasyon ni Miguel. Mabait at responsableng lalaki ang pagkakilala ko sa kaniya, pero simula nang sagutin ko siya ay doon ko unti-unting nakilala ang totoong ugali at pagkatao niya. Maloko, hindi sineseryoso ang isang relasyon at higit sa lahat laro lang para sa kaniya ang mayroon sa aming dalawa. Ibinigay ko sa kaniya lahat pero anong ginawa niya sa akin? Iniwanan niya ako na parang basura. Na parang isang damit na kahit anong oras ay p'wede niyang palitan.

Napakawalang k'wentang tao niya. Tapos ngayon magpapakita ulit siya sa 'kin na parang wala lang? Na parang walang nangyari at kung kailan okay na ang lahat? Kung kailan nakalimutan ko na siya at kahit ni katiting na nararamdaman ay wala na?

Napa-smirk na lamang ako nang wala akong nakuhang sagot mula sa kaniya. Tumalikod na ako para sana pumasok na ng kotse ko pero laking gulat ko na lamang nang hawakan niya ang kamay ko at hinatak papalapit sa kaniya at niyakap ako mula sa likuran.

Ilang segundo rin akong natigilan sa ginawa niya. Kung noon niya ito ginawa ay siguradong kiligin pa ako. Pero ngayon? Pandidiri na lamang ang naramdaman ko sa tuwing lalapit siya. Naka-move on na ako at wala na akong pakialam sa kaniya. Hinawakan ko ang braso niya para sana alisin 'yon mula sa akin ngunit mas hinigpitan pa niya ang pagkayakap sa 'kin.

"Alam kong hindi ako naging mabuting boyfriend sa 'yo noon, Ally. Sira ulo, basagolero, tarantado o ano pa ang gusto mong itawag sa akin pero may gusto lang akong pakiusap. Sana mapatawad mo pa ako." Humiwalay siya sa pagkakayakap sa 'kin at hinawakan ako sa braso bago pinaharap sa kaniya.

"Bigyan mo pa ako ng isang pagkakataon. Pangako sa pagkakataon na 'to ay hindi na kita lolokohin. Itatama ko na ‘yong mga maling nagawa ko," nagmamakaawang sabi niya. Natigilan ako nang makita ko ang sensiridad sa boses at mga mata niya. Puno ng pagsisisi at tanging pagmamakaawa lang ang magawa. Hindi na rin ako makapag-isip nang maayos dahil sa nakikita kong emosyon sa mga mata niya.

Ibinuka ko ang bibig ko para sana magsalita pero nakarinig kami ng isang malakas na busina mula sa likuran ko. Kaagad akong napahiwalay kay Miguel at tiningnan ang kotseng nakatigil malapit sa amin. Ang pinagtataka ko lang ay kung bakit dito pa malapit sa amin tumigil? Ang laki-laki ng space na p'wede niyang tigilan ng sasakyan.

Her Hurtful Mistake ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon