3

231 44 12
                                    

Napatingin ako sa repleksiyon ko sa salamin at napangiti na lang dahil naging maayos ang resulta nang pag-aayos ko. Ngayon ako pupunta sa T'way Company para magpirma ng contrata. Pinaghandaan ko itong mabuti, wala dapat makitang mali sa akin ang president ng T'way. Matagal ko itong hinintay na pagkakataon kaya wala dapat maging palpak.

"Ready ka na?" tanong ni Lala nang makapasok ito sa k'warto ko. Hinarap ko s'ya at ngumiti ng malaki.

"Kanina pa pero sana kumatok ka man lang bago pumasok. I need privacy too, Lala. Kahit dito man lang sa kuwarto ko 'di ba?"

"Tsk, dami mong alam. E, sa gusto ko. At matagal ko nang ginagawa 'to. Parang 'di ka pa sanay," mataray niyang sabi. Napailing na lang ako't inis na napabuntunghininga. Kahit nakakairita siya ngayon, hindi ko siya papatulan. Special ang araw na 'to para magalit lang dahil sa kaniya. Muli akong napatingin sa salamin, at katulad kanina ay napangiti ulit ako. Hindi ko akalain na sa ilang oras kung pag-aayos ay ganito kaganda ang kalalabasan.

Isang itim na dress ang sinuot ko ngayon, hanggang sa taas ng tuhod ang haba nito at hapit sa bewang ko ang damit. Ito ang pinili kong damit dahil dito ako mas komportable. Nang makita kong maayos na ang lahat ay kinuha ko na ang black shade ko at isinuot.

"Huwag ka nang masiyadong magpaganda. Para kang pupunta sa party sa ayos mo," sabi niya at hinila ako sa kamay palabas ng k'warto ko.

"Hey, ano ba! Kung makahila ka naman sa akin ay para akong bata. Akala mo ikaw 'yong boss dito, a?" reklamo kong sabi sa kan'ya ngunit tila wala itong narinig dahil patuloy pa rin n'ya akong hinihila hanggang sa makarating kami sa parking slot ng condominium.

"Ang dami mong satsat. Pumasok ka na nga, bago pa ako mainis at maitulak pa kita papasok," sabi niya. Bahagya niya pa akong tinulak sa braso na parang naiinis na talaga.

Bweset talaga ang babaeng 'to! Minsan napaka-supportive sa akin tapos biglang nagiging sadista. Ang sarap niyang itapon sa Pasig River, a! Kung puwede lang, e!

"Ano pang ginagawa mo r'yan! Parang kang pagong kung kumilos!"

"Ito na! Papasok na! Para kang si Wonder Woman! Palaging galit," ganti kong reklamo sa kaniya at pumasok ng kotse. Tinarayan niya lang ako at pinaandar ang kotse bago pinatakbo.

Umabot ng kalahating oras ang naging byahe namin bago tuluyang nakarating sa harap ng T'way Company building. Kaagad din naman akong lumabas ng kotse at hinayaan na si Lala na i-park ito. Walang dalawang isip na pumasok ako sa loob ng building at taas noong naglakad sa hallway. Hindi ko man tingnan, alam kong pinagtitinginan ako ng mga empleyado. Will, sino ba namang hindi mapapasunod ng tingin sa akin? Gumagawa na nang ingay ang pangalan ko sa industriya ng pag-aartista at ngayong isa na ako sa magiging modelo ng T'way, seguradong mas makilala pa ako.

Huminto ako sa harap ng elevator at pinindot ang open button. Hindi ko na kailangan pang magtanong sa reception area dahil alam ko naman kung saan matatagpuan ang office ng presidente ng t'way. Hindi rin nagtagal ay bumukas na ang elevator kaya walang dalawang isip na pumasok ako sa loob. Pinagtitinginan pa ako ng mga kasabayan ko sa elevator. Nagtataka kung bakit ako nando'n sa building.

Hindi ko sila pinansin, pinindot ko ang pinakamataas na floor ng building at naghintay na tumigil ito doon. Lumabas kaagad ako at hindi maiwasang mapairap dahil sa sobrang tagal na makarating ako rito. Siguro next time sa private elevator na lang ako sasakay, total magiging model na rin ako rito.

Hinanap ng paningin ko ang table ng secretary at hindi naman ako nabigo nang makita ko ito. Lumapit ako sa kaniya at tumayo sa harap niya. Napatigil naman ito sa ginagawa at tiningala ako.

"Yes?" tanong niya habang diretsong nakatingin sa akin.

Ngumiti ako sa kaniya at tinanggal ang suot kong shade. Inaayos ko ang nagulo kong buhok. Muli ko itong tiningnan at matamis na ngumiti.

Her Hurtful Mistake ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon