𝙲𝙷𝙰𝙿𝚃𝙴𝚁 𝟹𝟽

432 45 6
                                    

Tumayo ang tatlo at iniwan si Damara kay Kilowatt at sa kakalapit lang na si Vander. Agad silang naghiwa-hiwalay at pumunta sa kanilang kaniya-kaniyang silid. Hindi agad ito napansin nina Norton at Demetria ngunit nakita ito ni Frostine kaya naman ay agad siyang gumawa ng eksena para hindi mapansin ng ama na wala na ang tatlo.

"Father, stop doing this. When we're still kids, all of us followed your commands. We never disobeyed you, please, Father... we are all your children."

"I don't have useless children! All of you are useless, even Winter is useless. I did a lot for her, but what happened? She's still disobeying me! She can even unleash her demon for her friends! Is that what you call a child who follows her father's commands?" inis na sabi ni Norton. Agad pumalibot ang lahat ng tauhan ng mga Fernsby sa kinaroroonan nila. "All of you will die in this mansion."

"Are you crazy, Norton?"

"Yes, Demetria. I am crazy so I'm going to kill all of you. If you only let Winter kill me, this won't happen, but all of you are dumb... still taking me as the father of this mansion." Tumawa si Norton at sinenyasan ang kanyang mga tauhan na maghanda. "Since, no one follows my orders, then, all of you must die."

Nang matapos kunin ng tatlo ang kanilang mga armas ay agad silang lumabas mula sa kanilang silid. Dala ni Ice ang isang latigo at nakasabit naman sa kaniyang hita ang dalawang pistol, si North naman ay mayroong mga shuriken na nakaipit sa kaniyang hita at hawak niya sa kaniyang kamay ang dalawang gintong baril, ang huli ay si Winter na may hawak na isang katana at may tatlong kutsilyo ito sa magkabilang hita.

Walang pagaalinlangang sumugod ang tatlo sa lahat ng tauhan ni Norton, nahihirapan man sa kanilang kalagayan ay pinilit pa rin nilang tumayo at lumaban. Agad ring umalis si Frostine nang magsimula nang magkagulo ang lahat upang kunin din ang kaniyang armas. Si Kilowatt, Vander at Otis naman ay pinoprotektahan si Damara. Si Colden naman ay inalalayan ng ina upang makaalis ngunit maraming tauhan ang sumusugod sa kanila kaya naman ay nakipaglaban na rin si Gavin upang protektahan ang mag-ina at tulungan silang makaalis.

Hinihingal at nanghihina na si Winter, sa tingin niya ay mauubusan na siya ng lakas ano mang oras. Tinukod niya ang kaniyang katana at huminga ng malalim bago muling sumugod. Walang palya niyang napapatamaan ang mga ito sa kanilang leeg, bagama't nahihirapan dahil sa sakit ng dalawang balikat ay hindi niya ito ininda, kailangan niyang tiisin ang sakit para sa kaligtasan ng lahat.

Si Ice naman ay malinis din ang mga galaw habang hawak ang kaniyang latigo, walang awa niyang pinapatamaan ang lahat ng lumalapit sa kaniya.

Si North naman ay nakikipaglaban gamit ang mga shuriken na dala. Mapa-baril, kutsilyo, o espada man ang hawak ng kaniyang kalaban ay natatapatan niya ito gamit lamang ang kaniyang pisikal na lakas at shuriken.

-

Sa kabilang banda naman ay nakikipaglaban din si Dorian sa labas ng mansyon, kaharap niya ngayon si Vivory. Noon pa man ay kilala na ng binata si Vivory ngunit hindi niya ito kalapit dahil nga lagi itong inuutusan ni Lord Norton.

"Vivory, you need to stop your men! Everyone in the mansion will die," sigaw ni Dorian sa gitna ng kanilang pagatake.

"I will only follow Lord Norton," sagot ng dalaga at inilabas ang kaniyang dalawang espada.

"He's going to kill everyone in his family," sabi ni Dorian at paika-ikang sumugod kay Vivory gamit ang isa ring espada.

"Even North and Winter?" Sa totoo lang ay wala talagang alam si Dorian sa nangyayari sa loob, ngunit para makumbinsi niya si Vivory ay kailangan niyang magsinungaling rito.

"Yes," sagot ni Dorian sa dalaga.

Tumigil sa pag-atake si Vivory kaya tumigil din si Dorian sa pakikipaglaban. Pinatigil din nilang dalawa ang kanilang mga tauhan. "How did you know about this? Did Winter told you?"

"Yes... wait you didn't know about your master's plan? He's going to kill all of them because they won't follow his orders." Mga hula at pagsisinungaling lamang ang naisasagot ni Dorian sa dalaga. "I know you like North and I know you won't let your master kill the person you like." Ngumisi si Dorian sa dalaga habang sinisenyasan naman ng kaniyang isa pang kamay ang kaniyang mga tauhan para umalis at pumasok na sa mansion.

"You're not lying? If I'll know that you're lying, I'll be the one to kill you," giit ng dalaga at tumakbo papasok sa loob ng mansyon.

Pagpasok nilang lahat ay nadatnan nila ang mala-dagat na dugong nagkalat sa sahig ng mansyon. Ang magandang desenyo at estraktura nito ay napalitan ng mga dugong umagos at tumalsik mula sa leeg ng mga tauhan ni Norton.

Walang pagaalinlangan na sumugod ang mga tauhan ni Dorian para tulungan sina Winter habang si Vivory naman ay tulala pa sa lahat ng nangyayari.

Paanong naging gan'to ang kinahinatnan ng lahat? Paanong gusto nang patayin ng kaniyang amo ang kaniyang sariling anak? Paanong pati si North ay kasali sa mga pumapaslang sa mga tauhan ng ama?

Hindi niya alam ang kaniyang gagawin, hindi niya alam kung sino ang kaniyang kakampihan.

"Lord Norton!" pagtawag ni Vivory. Lumapit kaagad si Vivory sa prenteng nakaupo sa sofa na si Lord Norton.

"You're already here, Vivory. I guess you already killed all of Killian's men."

"I'm sorry to burst your bubble, Lord Norton, but Vivory invited us in," nakangising sagot ni Dorian kay Norton. Agad nalipat ni Norton ang kaniyang tingin sa binata bago ibinalik ang tingin sa dalagang nasa kaniyang harapan.

"Even you, Vivory? You're also disobeying my orders? I told you to kill all of them!" galit sa sigaw ni Norton.

"I'm soryy, Boss," tanging sagot ni Vivory.

Hindi na nagaksaya ng panahon pa si Dorian at agad na naglabas ng baril. Pinaputok niya ito sa kung saan nakaupo si Norton, sunod-sunod ang ginawa niyang putok at sunod-sunod rin ang pagiwas at pagtago ni Norton mula sa mga balang pinapaputok ni Dorian.

YOUNG BLOOD (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon