𝙲𝙷𝙰𝙿𝚃𝙴𝚁 𝟹𝟺

437 51 11
                                    

Nakatayo lamang si Damara sa harapan ni North, wala rin naman siyang laban sa binata kung pisikalan ang pagbabasehan. "Don't you think masyadong nakakabakla kung gugulpi ka ng babae?" pang-aasar na tanong ni Damara.

"In case you forgot, I always have a fight with Winter and I already fought a lot of capable female species," sagot ng binata na siyang ikinaasar ni Damara. "You're not one of those capable female species tho." Ngumisi ang binata at mabilis na sinugod si Damara. "You're brave and bold right? Fight back!"

Sinubukan din ni Damara na magpakawala ng suntok ngunit hindi ito tumatama sa binata. Masyado siyang mahina at masyado siyang mabagal, wala siyang laban dito ngunit kailangan niyang lumaban man lang para humaba pa ang oras. Hindi malabong gumawa na ng paraan si Dorian upang patakasin si Winter.

Matalino ang dalaga at no'ng nalaman niyang hindi si Dorian ang kumakalaban kay North ay alam niya ng may ibang ginagawa ang binata at sa tingin niya ay pinapatakas na ni Dorian si Winter sa mga oras na naglalaban sila ni North.

Kaagad tumalsik si Damara ng malakas siyang sinipa ni North. Tumama ang kaniyang katawan sa babasaging mesa. Nabasag ito sa katawan ng dalaga na ikinadaing niya. "Poor Damara..." mahinang bulong ni Ice habang nanonood sa ginagawa ni North.

Wala sa kaniyang isip ang tulungan ang tatlo, wala ring balak na tumulong si Frostine, si Colden naman ay kanina pa namumuo ang pawis sa noo siguro ay dahil na rin sa tagal ng pagdating ni Dorian. Nang magpresintang ipapakila ni Colden ang buong pamilya ay alam na nilang magkakapatid na gusto lamang pahabain ng kanilang batang kapatid ang oras kaya naman ay kanila itong sinakyan. Hindi akalain ni Ice na magiging ganito ang kahahantungan ng lahat ngunit wala siyang balak tulungan ang tatlo dahil takot din siyang kalabanin ang ama at si North na nais lamang protektahan sila laban sa ama.

"You son of a btch!" sigaw ni Damara at pinahid ang dugong tumulo sa kaniyang bibig. Inis na pinulot ng dalaga ang bubog at sumugod sa nakangising si North, alam niyang gusto lamang ni North na pahabain ang oras ngunit hindi niya kayang maging ka api-api na lang.

Isasaksak na sana ni Damara ang bubog na iyon nang madali lang itong naiwasan ni North. Walang kahirap-hirap na umiwas ang binata at hinahayaan ang dalagang atakihin siya na tila ba ay nakakatuwang tingnan para sa kaniya ang ginagawang paghabol ni Damara sa kaniya.

He can't stop his self from being amused to the girl in front of her. She's brave and bold, just his type. "What are you laughing at?" inis na tanong ni Damara.

"I just can't help but laugh at what you're doing, chasing me like a woman who wants to warm my bed," tumatawang sagot ng binata.

"How dare you, North Frost!" Tumigil sa pag-atake ang dalaga at tumigil din sa pag-iwas ang binata. Pareho silang nakatayo sa harapan ng isa't isa, nagsusukatan ng tingin. Hindi maalis ng binata ang kaniyang tingin sa mga mata ng dalaga, tila ba ay hinihila siya ng mga mata nito papalapit. Tila ba hinihigop nito ang buo niyang pagkatao.

Dahan-dahang lumapit si Damara sa nakatitig na si North, hindi ito makagalaw sa kaniyang kinatatayuan. Nang makalapit na ang dalaga ay idinikit niya ang kanyang bibig sa tenga ng binata. "Are you harassing me in your mind?" bulong ng dalaga at sinaksak kay North ang hawak na bubog.

Nanlaki ang mga mata ni North at agad na umatras. Nahihibang na ba siya? Paano niya nagawang ma-distract habang nakikipaglaban? Muli ay sumugod siya sa dalaga at walang awang hinagis ito sa pader. Dumaing naman sa sobrang sakit ang dalaga, sinubukan niyang tumayo ngunit hindi siya makatayo kaya naman ay sinubukan niyang gumapang upang kunin ang nabaling saklay ni Gavin para gamiting pang protekta sa sarili ngunit agad nakalapit si North sa kaniya.

Hinawakan ng binata ang kaniyang panga at hinawi ang buhok na nakaharang sa mukha niya. "Don't do that, again, baby. It kinda hurts," nakangising sabi ni North.

"Don't call me that," inis na sabi ng dalaga at lumuwa sa mukha ni North.

"Ugh-Damara," sabi ng binata at binitawan si Damara. Tumayo kaagad siya at pumunta sa kinaroroonan ng kaniyang ama. "Father, I'm done." Blankong mukha ang ipinakita ni North sa kaniyang ama.

"Good." Tumayo ang kanilang ama at naglakad paalis ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon ay dumating si Otis kasama si Winter.

"Damara!" sigaw ni Otis at agad lumapit sa nakahigang si Damara. "What happened to you? Who did this to you? Huh? Answer me, Damara... Winter's here. She's here, we're safe." Lumapit din si Winter sa dalawa at sinuri si Damara. "Oh God! Vander, Watts!"

"Who did this?" mahinahong tanong ni Winter sa ama ngunit blanko lamang na nakatingin sa kaniya si Lord Norton. "I'm asking, who did this?"

"Uhh...Winter, Chill," kinakabahang sambit ni Colden.

"I'm asking you again, who did this to my friends?" galit na tanong ni Winter.

"Winter, don't be mad! North did this to save us!" sabi ni Ice. Agad ibinaling ni Winter ang kaniyang tingin sa nakakatandang kapatid. Dahan-dahang lumapit si Winter sa nakatayong si North, puno ng galit ang mga mata ni Winter habang nakatingin sa mga mata ng kapatid.

"Winter, don't do anything stupid... North did that to save us! Father will kill us if he won't kill them! He didn't kill them, Winter. He did that to buy time, please Winter. Older Brother cares for us..." hindi pinansin ni Winter si Frostine at patuloy parin sa pag lapit kay North.

Nang nasa harapan na siya ni North ay nagtitigan muna silang dalawa, hindi mapigilan ni North ang kaniyang takot. Takot sa mga matang nakatitig sa kaniya; puno ito ng galit, puot, at takot. Tila ba ay hindi na siya nakikilala ng mga matang ito. Tila ba ay hindi na ito ang kapatid niya.

Sa maikling sandali ay tumalsik ang katawan ni North sa sofa, napatigil ang lahat sa kanilang ginagawa at pinanood si Winter na umaatake sa kaniyang kapatid. Walang tigil ang pagbagsak ni North dahil sa mga atake ng kaniyang babaeng kapatid. Wala na ring tigil ang dugong tumutulo sa kaniya na galing pa sa saksak ni Damara.

"No one can save you today... brother."

YOUNG BLOOD (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon