3

1.5K 34 0
                                    

The party is now ongoing at panay narin ang datingan ng mga bisita ni Sab na almost mayayaman din at kilala sa lipunan. Grabe talaga itong kaibigan ko, sobrang famous and rich.

"There you are my snobber cousin! Kamusta na?"

Biglang sulpot ng pinsan kong si Harris sa harap ko.

"Snobber ka jan, hindi ba pwedeng busy lang?"

I answered then I rolled my eyes. Tinawagan niya kasi ako kahapon pero hindi ko nasagot kasi busy ako sa pagdedesign. Owner siya ng bar na pinuntahan ko noong isang araw at mukhang magtatanong ang loko kung bakit ako nandon.

"Lagi ka namang busy Autumn. Hindi ka na tuloy nakakasama sa family outing."

Dagdag naman ni Kuya Darc na pinsan ko rin.

"Hayaan niyo na itong prinsesa natin. Tsaka ayaw niyon non, tatanda siyang dalaga. Haha!" Lokoloko namang sambit ni Peter na pinakapasaway sa lahat.

Nasapak ko naman tuloy siya ng mahina sa braso. Mga tarantado talaga.

"Alam niyo kayong tatlo, kung wala kayong magandang sasabihin sa akin eh umalis nalang kayo sa harap ko. Nasisira ang gabi ko sa inyo eh!"

Inis ko namang sambit at tatalikuran na sana sila ng akbayan ako ni Peter.

"To naman hindi na mabiro, tara at sumama ka sa table namin. May ipapakilala ang dalawang to sayo." Anito at hinigpitan pa ang pagkakaakbay sa akin para hindi ako makawala.

"At sino naman ang ipapakilala niyong dalawa sa akin? Mga babae niyo?"

Pagtataray ko naman ulit sa kanila dahil yon mostly ang ginagawa nila.

"Ah huh! Mga babae sa buhay namin which is our wife."

Harris said kaya nanlalaki naman ang mata kong tiningnan sila.

"Hindi nga?? May asawa na kayong dalawa? Kailan pa? Bakit hindi ko manlang alam?"

Sunod sunod na tanong ko sa kanila.

"Malamang insan, hindi ka pumunta kaya wala ka talagang malalaman. Lagi ka naman kasing puro trabaho."

Sambit naman ni Peter at guilty naman ako don.

Tama nga naman siya.

"Sorry guys, alam niyo namang allergic ako sa family events. Tsaka kung hindi lang buntis ang kaibigan ko ngayon wala ako dito ngayong gabi."

Sambit ko naman saka napayakap nalang kay Peter.

I really hate family gatherings at simula noong mawala ang parents ko ay never na akong umaattend ng mga family gatherings ng pamilya namin. As in never talaga up until now kaya nga marami parin sa mga family friends namin na hindi ako kilala.

"We understand but you know what princess, sana naman tulungan mo na ang sarili mong magmove on. Nandito parin naman kaming pamilya mo naghihintay sayong bumalik. Wag mong isipin na nag-iisa ka lang."

I nodded in response to Kuya Darc.

"I'll try guys pero siguro matatagalan pa yon. Masakit parin kasi eh."

I told them the truth.

"Nandito lang kami lagi Autumn, tandaan mo yan."

"Thank you."

Pagpapasalamat ko naman saka nginitian sila. Yung isang totoong ngiti.

I'm glad na nagbago na talaga ang tatlong to at mukhang dahil yon sa mga asawa nila except for Peter na wala ring asawa gaya ko. Pero baka may girlfriend kasi iba ang ngiti niya ngayon.

A Tender Love ✓[Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon