4

1.4K 34 0
                                    

Pagkatapos naming mag-usap ni Sabrina ay umalis muna siya saglit para puntahan ang ibang bisita niya. Sinundan naman siya ni Landrei kaya nagkaroon ako ng pagkakataon na lapitan si Cade na panay inom na naman ng alak ngayon.

"Alam mo, hindi nakakatulong ang paglalasing kapag may problema ka. Mas nakakadagdag pa nga yon ng sakit ng ulo mo."

Sambit ko saka kinuha na ang sa tingin koy panglimang bote ng beer niya saka ininom ito.

"Eirin."

He muttered at pakiramdam ko ay sobrang ganda ng pangalan ko ng banggitin niya ito.

"Sorry for meddling Cade pero kasi hindi nakakabuti kung laging naglalasing ka. Alam kong may problema ka pero hindi solusyon ang pag-inom. Oo nga at makakalimutan mo pansamantala ang problema pero bukas nanjan na naman at bumabalik."

Sambit ko na mukhang hindi niya nagustuhan.

"You can't dictate me on what should I do Ms Jacobs. Wala kang alam."

Anito at bumalik sa pagkacold ang boses niya gaya noong una naming pagkikita.

"Maybe wala nga akong alam sa nangyayari sa buhay mo pero as what you've told me from the other night, gusto mong makalimutan ang asawa mo pansamantala. I've been there too Cade and I'm still on it until now pero hindi solusyon ang gaya ng ginagawa mo kasi yon ang papatay sayo."

"Thats better para sumunod agad ako sa kanya."

Anito and I gasped after I heared it.

Nakikita ko talaga ang sarili ko sa kanya noon. I'm thankful kasi may isang taong nakinig sa akin thats why up until now ay lumalaban parin ako sa buhay. Kaya ngayon gusto ko ring gawin ito sa kanya.

"Seriously Cade? Gagawin mo ba talaga yon? Susunod ka sa kanya? Wala ka bang maiiwang kapamilya dito sa oras na gawin mo yon?"

Sambit ko na ikinatigil naman niya.

"Alam mo, nawalan din ako and I'm blaming myself on that. Masakit yon sobra and up until now ay nasasaktan parin ako to the point na gusto ko nalang bumigay. I might be strong sa paningin mo o sa paningin ng iba but the truth is I'm still hurting. Birthday na birthday ko non tapos ganon ganon nalang silang mawawala? That happened not once but twice. Naisip ko nga, bakit nangyayari sa akin ang lahat ng ito? Pero narealize ko lately..wala na akong magagawa eh, nawala na sila. Hindi ko na maibabalik pa ang buhay nila at ang tanging magagawa ko nalang ay ang magpatuloy sa buhay kasi alam kong yon din ang gusto nila. Besides, I still have my extended family na laging nanjan lang sa akin kahit anong taboy ko sa kanila. Kaya sana Cade, kung may mga mahal ka man sa buhay na natitira.. doon mo nalang ibuhos ang pagmamahal mo na hindi mo naibigay sa kanya. Baka ikatuwa pa niya yon sayo."

I told him saka marahang tinapik ang balikat niya.

"If you need a friend to talk to, pwedeng pwede mo akong kausapin anytime."

Sambit ko saka iniwan na siya para bigyan siya ng space.

That was my last conversation with him at hindi ko na ulit siya nakita after.

Hays..

Almost two weeks narin pala ang nakalipas at hanggang ngayon ay hindi na ulit nagtagpo pa ang mga landas namin.

Although sa mall nila pinut-up ang branch namin ay never ko naman siyang nakita dito na umaaligid. Curious nga ako kung ano nang nangyayari sa buhay niya pero wala naman akong mapagtatanungan kasi wala rin naman akong lakas ng loob ng magtanong sa kaibigan ko o kahit sa asawa ng assistant ko.

"But yaya! I want that shoes eh!"

"Hindi pwede Cara kasi may nagmamay ari nang iba. Hanap nalang tayo ng iba na mas maganda pa don okay?."

A Tender Love ✓[Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon