PART NINE

380 21 0
                                    


PART 9

Isang nakakatamad na araw para sakin. Matapos ng lahat na nangyari sakin nitong mga nakalipas na araw.. Wala nakong ginawa kundi tumambay sa loob ng kwartong pinagamit sakin nila Max. Haaays.

Namimiss ko na si mama.. Si kuya.. At si.. Si..

Nevermind.

Bukas balak ko ng umuwi, baka sobrang nagaalala na sila sakin, baka kung ano pang mangyari kay mama, hindi ko talaga mapapatawad sarili ko kung may nangyari sakaniya.

"May asong galang naghahanap sayo Nick! Labas labas din kase para masikatan ka ng araw!" Sigaw ni Max mula sa labas. "Sino daw?" Sigaw ko pabalik.

"Ewan! Hindi ko kilala! At never kong kikilalanin!" Oh? Parang may kaaway naman to.

Matingnan nga.

Ay? Si Clenn lang pala.

"Hanep ah.. Kahapon lang butiki tas ngayon aso naman? Max.. Ako nga kasi to si Clenn! Yung kras mo dati. Yieee." Pang aasar ni Clenn.

"Yuck? Hindi ako napatol sa baboy." Maarteng sabi naman ni Max.

Hahahaha. Ganyan sila mag asaran. Pero I assure you na walang namamagitan sa kanila ha. Hahaha! Hate na hate nila isat isa eh.

"Good morning Sunshine!" Masayang bati ni Clenn.

"Tangnang sunshine yan.. Baka dika na sikatan ng araw kapag sinapak kita?" Sabi ko naman.

"Grabe kayo sakin! Kakarating ko lang dito inaaway niyo nako! Makaalis na nga.." Emote emotang sabi naman niya.

"Nick penge nga kong piso.. Bibili lang ako ng pake.

Tsk.. Ubos na kase eh." Parinig naman ni Max.

Hahahaha. Natatawa nako pero pinipigilan ko lang para maasar si Clenn.

"Wala rin akong piso Max eh.. Ubos na rin." Sabi ko.

Tiningnan lang ako ng masama ni Max. Eh anong gagawin ko? Wala naman talaga kong pera miski piso eh.

"Tsk.. Sayang lilibre ko pa naman sana kayo dun sa isawahan.. Eat all you can pa nam-"

"Uy Clenn.. Namiss kita! Hahahaha. Tol.. Inaaway ka ba nitong si Max? Gusto mo ako na gugulpi dito?" Tanong ko sa sabay lapit kay Clenn.

Hahaha! Sayang! Me palibre si mayor. "Tangna Nick. Mapagkunwari ka! Taksil sa federasyon!" Sigaw ni Max.

Nilapitan ko nga siya saka binatukan. "Aray! Bakit ba?" Sabay himas dun sa binatukan ko.

"Tanga. Libre yun.. Umoo ka nalang. Pabebe pa eh." Bulong ko.

"Hahaha. Uy Clenn.. Hindi ka na mabiro!" Sabay sabi niya.

Hahaha. Mga mukha kaming libre eh, bakit ba.. Talent namin to.

"Sabay ganun eh? Kanina lang pinagtatabuyan niyo ko." Sabi ni Clenn.

Nagpakyut lang kami ni Max sakaniya. Hahaha. Kilala kami nito kaya sanay na yan.

- - -

Sa isawan..

"Osige kuha ka pa! Ako bahala." Sabi ni Clenn.

Tangna ang galante ng taong to.

"Huwaaaw. Nick ang sarap talaga ng libreee! Hahahaha. Relax na relax yung bulsa ko!" Sabi naman nitong patay gutom kong kaibigan. Syempre ako ito.. Lamon lang ng lamon.

Hahaha!

"Uy thank you tol ah. Ambaet mo talaga." Seryoso kong sabi kay Clenn.

"Hahaha. Anu ka ba Monique.. Syempre magkakaibigan tayo eh, saka pambawi ko na yan sa inyo. Hhahaha. Ow.. Wait may ketchup ka sa labi." Sabi niya.

Behind That ShirtTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon