LAST PART

610 40 3
                                    


LAST PART

Ilang linggo na rin ng bumalik ako sa bahay.

Tinanggap nila ulit ako kahit na nagtampo ako sakanila. Umiyak ng umiyak si mama ng magusap kami. Sorry siya ng sorry, pero sabi ko wala na yun.

Ang for the first time..

Nagusap ulit kami ni papa. Oo nung una galit pa yung nararamdaman ko ng makita ko siya.. Pero nawala yun at napalitan ng awa ng marinig ko ang kwento sa kabila ng dinaranas niya.

Hindi naman talaga si mama yung taong mahal niya.. Yup. Minahal niya lang si mama dahil samin.. Sa aming mga anak niya.

Magbestfriend si mama at papa noon, ng dahil sa kalasingan may nangyaring hindi nila ginusto.. Hindi sila galit sa isa't isa dahil walang may kasalanan, hindi nila sinasadya yun. Noong panahong yun pareho silang may kasintahan.

Dahil sa nangyari nagbunga yun.. Hindi natanggap ni papa na hiniwalan siya ng girlfriend niya dati para kay mama, sa batang dinadala niya, kaya hinanap niya ulit yung babae.

Minahal naman niya si mama.. Pero hindi sapat. Hindi kayang tumbasan nun yung pagmamahal na binigay niya sa babaeng una niyang minahal.

Tanggap ni mama yun.. Dahil ganun din siya. Mahal na mahal niya yung boyfriend niya dati. Hinanap niya pero matagal ng patay kaya nagfocus nalang siya samin.

Noon.. Nagsama sila dahil samin.. Ayaw kasi nilang lumaki kami ng walang pamilya.

Hindi nila binunton ang sakit na kanilang pinagdaanan samin. Bagkus minahal pa nila kami.

Alam ni kuya lahat yun. Tanggap na niya.

Tsk. Nung nalaman ko yun sabi ko sa isip ko..

BAKIT PA SIYA BABALIK BALIK KUNG ANDUN NA SIYA SA BABAENG MAHAL NIYA? ANO? PARA IPAMUKHA SAMIN NA MAY PAMILYA NA SIYANG BAGONG BUBUUIN?

Ha.. Nakakatawa.

Pero kalaunan..

Nalaman ko rin na may sakit si papa. May cancer siya. Hahaha. Nakakatawa lang na nagalit ako sakaniya ng ilang years? Tapos ganun lang?

Nawala yung galit ko. Kase ano man ang mangyari.. Balik-baliktarin ko man ang ikot ng mundo.. Tatay ko pa rin siya.

Siya parin yung pards ko.

Napatawad ko na siya. Ok na ulit kami.

Ang sarap nga sa pakiramdam na wala ka ng galit na dinadala. Na masaya ka lang. Wala kang ibang iniisip.

"Anak.. Bumaba kana. Gusto ko makita yang suot mo! Yieee~"

Haaays. Nakalimutan ko. May pupuntahan pala ko. Tsk.

Ang masaklap. Ipinasuot sakin yung sleeveless white dress para sa isang birthday party raw? Ewan ko.

Ayoko nga sanang sumama kaso pinipilit ako ni mama. Iiyak daw siya magdamag kapag di ako sumama.

Jusko! Birthday party lang ng bata yun! Kailangan ba talaga nakaganito pa ko? Kakaasiwa.

"Yan na ma! Tsk."

Nakasimangot akong bumaba. Inilugay ko lang yung mahaba kong buhok.

"Huwaaaaa. Ang ganda ng anak koooooo! Papicture ngaaaaa. Ngayon lang to."

Nakakainis naman to. Wala kong ibang reaksyon kundi poker face lang.

"Teka laaaaaang. May kulang anak." Nagtaka ko ng umalis si mama at pagbalik may dalang.. Lipstick?

"Maaaa! Ayoko niyan!" Sigaw ko.

"Anong ayaw mo? Hindi pede. Kailangan mo nito. Kung hindi iiyak ako.. Totoo Yvonne."

Behind That ShirtTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon